Habang naglalakad sa park, malayo palang alert na ang mata ko. Parang naka autofocus ito at di ako nagkakamali sa nakikita ko. Andito rin si Alexia! Ibig sabihin, isang chance nanaman 'to. Hindi ko pwedeng palagpasin kahit pa ilang beses nang nabigo at sumubok.Inayos ko ang buhok ko at siniguradong hindi ako kahiya hiya. Well, never naman ako nagmukhang ganun but I want her to be impressed. Naglakad nako papalapit sakanya.
Eto na. Susubukan ko nanaman ang swerte ko..
Nagdasal ako ng taimtim at tinawag lahat ng santo para tulungan ako sa aking mithiin. (lalim bh3!)
"Hi Xia!" Sabi ko with all smiles.
"Uy, Vayne.. Hi!" she smiled back. Sht. She's really gorgeous.
"Wala kang kasama?"
"Ahm yah, obviously."
"Can I join you?" Tanong ko.
"Sure! Let's walk around."
Nagsimula na siyang maglakad sinabayan ko naman siya. Kinikilig ako. Kulang nalang holding hands. HHWW na!!
"Uy, anong nakakatawa?" Nagtatakang sabi niya. Napansin niya yatang medyo napapangisi ako sa naiisip kong HHWW.
"Ah wala. May naalala lang. Bat ka nga pala andito? I mean, bat ka mag isa?"
"Actually hindi sana ako mag isa. May hinihintay ako pero antagal niya. Tsk, inindian niya nanaman siguro ako!"
Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Napasimangot siya ng bahagya.
"Ahh. Grabe. Hayaan mona. Hindi niya deserve ang oras mo. And besides, andito naman ako."
Kainis. Kung sino man yung lapastangang yun, walang hiya siya para indianin ang babaeng mahal ko.
Napatingin sakin si Xia. Kinindatan ko siya. hahaha!
"Haynako, Vayne! Ewan ko sayooo." Natatawa niyang sabi.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano hanggang sa medyo tumagal na at nauubusan na rin ng sasabihin kaya tingin ko time kona talaga 'to.
"Alexia?"
"Hmm?"
"Ano.."
"Come on, Vayne. Spill it."
"Pwede kaba sa saturday?"
Ilang segundo pa bago siya nakasagot.
"Ano Vayne.. sorry may lakad kami ng friends ko sa araw na yun."
"Eh sa ibang araw? Ahmmm.. 30? No classes 'yun! Siguro naman papayag ka na Xia?"
"Sorry.. ano.. hindi pwede.."
"What about christmas va--"
"BASTA HINDI! FULLY BOOKED NA ANG KALENDARYO KO UNTIL THE END OF THE WORLD, Vayne.."
Tapos bigla nalang siya tumakbo papalayo sakin, at sumakay sa kotse nila. Damn! Alexia, why can't you like me?
I'm Vayne Luther Red. 3rd yr college na. Since freshmen year eh may gusto na 'ko kay Xia pero ni minsan she never showed interest. Ni ayaw akong bigyan ng chance. Gaya nalang ng nangyari kanina. I was asking her out for a movie date but then again, I was rejected for the nth time. Di ko maintindihan kung anong ayaw niya sakin. Gwapo naman ako.. sabi ni mom. Joke sabi ng lahat at lagi ko yung nakikita. Sa salamin. 😎 Di naman kami mahirap. We actually own a company. and a hotel na kulay Red. (Iykwim ;]) HAHAHAHA! And besides, I'm not a fuccboi. I don't count girls. Actually I was NGSB. May friends akong mga babae pero kay Xia lang talaga ako nagkagusto and I hate it dahil hindi ko siya mapaibig. Since second sem ng 1st year nanliligaw nako pero wala talaga!
Lahat yata ng paraan nagawa kona. Kulang nalang tumalon ako sa building. Sht! Nakakainis talaga isipin!!
Hihilain kona sana ng bongga yung damo dito sa park nang bigla akong magulat sa nagsalita sa likod ko.
"Bawal manabunot ng inosenteng grass kuya!" sabi niya.
She looks familiar pero di ko matandaan kung sino siya. Napataas ang kilay ko kakaisip kung sino 'tong babae sa harap ko.
"Ohhh, ohh galit ka nanaman." Natatawang sabi niya.
"Excuse me, miss. Do I know you?" Kunot noong tanong ko.
"Ay grabe siya. Parang ngayon lang tayo nagkita ah?"
Sino ba kasi 'to..
"Oo nga eh! Pamilyar ka pero tupang gala. San ba kita nakita?"
"Hulaan mooooo! HAHAHAHAHA"
God. Siraulo yata 'tong babaeng 'to.. Hindi kaya...
"AHHH OO! Ikaw ba yun?"
"Ang alin?"
"Yung anoooo! sa ano!" Napapalaki na ang mata ko di ko masabi yung naiisip ko. Pero baka..
"Ha? Siguro nga ako yun!"
"Sure ka???" This time napapaatras nako. Unti unti nakong nagreready sa pagtakbo..
Kingina siya daw 'yon..
"Oo nga!! yata? Ano ba? Bat ka umaatras?" Sabi niya habang naglalakad palapit sakin.
Sht! Baka kung anong gawin niya sakin. Last day kona sa earth. Bakit.. paano.. paano siya nakalabas dun? Tumakas kaya siya?
Ngumingisi siya habang lumalapit sakin at ako nama'y papaatras. Shet! Siya nga siguro yun!!!!
Wala nakong pake kung ang bakla ko na tignan sobra. Basta ang gusto ko lang takasan tong babaeng nasa harapan ko ngayon habang nakangisi at mukhang anytime ay maaaring mangagat. She looks wilder than a dog with a rabies. Kaya nagbilang ako ng tatlo sa isip ko at tsaka nagmamadaling tumakbo!
Kingina VL! Run for your life!
Nakikita ko pa siyang humahabol. Shet. Siguro siya talaga yun! Isang pasyente sa mental institution na pinuntahan namin ni Mama noon!!
Habang patuloy kami sa habulan, naiimagine ko yung kwento sa isang secret files sa facebook na nasa jeep siya tapos may kalbong baliw na humahabol sakanya. Damn. Nasan naba yung driver ko!
As if on cue, nakita kong nagmamaniubra na yung sasakyan ko para makalabas sa park. Nakita yata ng driver na nagaala player ako ng temple run.
Pagkatapat na pagkatapat ko sa kotse dali dali kong binuksan ang pinto at nagdive sa likod. Nakita ko sa bintana na tumatakbo pa rin yung baliw!!
"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong nung driver.
"Look, kuya. I... can't.. even.. breath.. pro..per-- Aaaaaahhhhh! Let's go!!!"
KINGINA! Aatakihin yata ako sa puso nang makita ko yung baliw sa window na nakangisi at kumakaway.
Kahit bakas sakanya na hapong hapo siya kakatakbo ay talagang tawang tawa siya sa gulat na gulat kong ekspresyon.Bwisit. Bakit ganito ang simula ng kwento ko? Parang kakasimula palang ay gusto na agad akong patayin ng author. Cause of death: Heart attack/hinabol ng baliw! Damn!
"Kuya Stan, bukas na bukas din make this car tinted, okay?" Sabi ko sa driver.
"Yes, Sir." Sabi naman ng driver habang patuloy na nagmamaneho.
Pero ang bobo ko. Mag iisang taon na sakin 'tong kotse ko ngayon ko lang naisip na gawing tinted. Ganon na ba ako ka-busy sa pagpapapansin kay Xia at di ko na 'to naisip?
Bigla naman akong napangiti. Haaay. Just the thought of her makes me suddenly smile like an idiot.
--
A/N: Leave a comment guys. Hahahaha jusko habang tinatype ko tawang tawa naman ako at naiimagine ko talaga yung panyayari. Selfsupport hahaha
~ Annytryskxx
YOU ARE READING
Triple N
RomanceMinsan kung sino pa ang gusto natin yun pa ang ayaw satin. Karma na rin siguro dahil hindi rin natin gusto yung may gusto saatin.. Pero what if binigyan mo ng chance yung taong ayaw mo? Will you end up falling inlove with that person? Ano bang meani...