Chapter 9: Don't Leave

13 0 0
                                    


Vayne's POV

1 week. 1 week ng hindi pumapasok si Zane at walang paramdam. Hindi ko alam kung anong dahilan. Simula nung umuwi kami galing resthouse eh hindi na kami ulit nagkita. Naiisip ko tuloy na baka naoffend siya sa nangyari nung gabing yun. O baka kung ano na. Baka bumalik nanaman siya sa States. Pero bakit walang pasabi? kahit isang text man lang, Wala. Nakakawindang.

Hindi ko nalang siya inisip. Bakit nga ba? Noon naman sanay akong wala siya.. Gaya ng sabi niya I dont even know she exists. 😪

Yumuko nalang ako sa desk ko at binilin sa katabi ko na gisingin nalang ako kapag nandyan na yung sunod na prof at sumang ayon naman siya.

Nakaidlip ako agad. Nahanap ko rin ang peace sa sandaling panahon.

~

Nung mag uwian ay di agad ako umuwi. Dumiretso ako sa library para tumambay at maghanap ng interesting basahin. Ewan ko ba. ramdam na ramdam ko na ang pagtatapos ng school year na 'to.

At magsisimula na ang 4th year. Ang huling taon sa college.

Naiisip ko palang 'yon ay sobrang naeexcite na akong magsuot ng itim na toga. At sa wakas. Tapos na ang paghihirap ko sa pag aaral, finally.

~

Dumiretso na ako sa tambayan naming magtotropa. Kailangan kong magrelax muna para di ko masyadong isipin ang nalalapit na finals, pati narin ang di pagpaparamdam ni Zane saakin.

Namimiss ko siguro siya dahil magkaibigan kami at nasanay ako sa company niya.

"Oh bro! Problemado?" Bungad ni JL sakin.

"Hindi naman." Matamlay kong sagot.

"Sus, hindi halata. Sobra." Sarcastic na sabi naman ni James.

Hindi ko pala talaga maitago na may mali. Hay dapat practicin ko na yun lalo na kung magtuloy tuloy tong kahibangan ko.

"Naiistress lang ako sa school. Ayoko na mag aral. Tara magdrop!" Pagbibiro ko.

Sumang ayon naman sila at nagtawanan kami. Bagay kaming maging magkakaibigan. Pareparehong baliw.

"Kamusta naman kayo nung chikabebot na katext mo pre?" Tanong ni JL.

"Ha? Wala namang kami."

Tama..

"Ohhhh. Bakit wala?"

"Bestfriend nga ni Alexia yun tol, ano kaba."

"Eh bakit, wala din namang kayo ni Alexia."

"Kahit na. Baka isipin niyang pagkatapos ng bestfriend niya eh siya naman ang target ko."

"So, balak mo sana? Kaso bestfriend ni Xia?"

"Oo," Natigilan naman ako sa sinabi ko at agad yun binawi. "I mean hindi pala. Hindi 'no."

"Bistado kana. Okay lang yan. Binata kana hahaha! Eh ano ba kung bestfriends sila? Ayaw naman sayo ni Xia at hindi naman niya mamasamain yun sa tingin ko. "

Talagang pinamukha nyang ayaw sakin ni Xia ha. Pero may point din naman itong si JL.

"Paano.. di ko maamin sakanya na nafafall na ako. Na I like her. Ni hindi ko nga matanggap sa sarili ko eh." Napailing ako dahil dun. Ayaw kasing magsink in sa utak ko na siya na pala ang gusto ko. Ganun kabilis pero ewan ko ba. .

"Edi tanggapin mo na."

Napaisip naman ako dun. Siguro nga. Dapat tanggapin ko na. Bakit hindi?

Ito na yung chance na hinihintay ko. Chance na hindi galing kay Xia. Kundi chance para mahalin at magmahal..

Napangiti ako sa naging desisyon ko. At I'll make sure na this time, hindi masasayang ang mga efforts na gagawin ko dahil alam kong lahat 'to magiging worth it. Dahil si Suzane 'yon..

Triple NWhere stories live. Discover now