Chapter 5: Masochist

14 0 0
                                    


Zane's POV

"Ihahatid na kita sainyo." Sabi niya nang makapasok siya sa sasakyan.

Patulog na sana ako nun kaso nag alala ako sa sinabi niya.

"No wag. Hindi ako pwedeng umuwi ng lasing. Magagalit si Dad at baka magrounded pa ako 'no. Isa pa ano nalang ang iisipin nila kung lalaki ang maghahatid sakin. Hindi ba pwedeng makitulog sa inyo?"

"Pwede, pero.. Pano yan? They might get worried."

"I'll text them. Sasabihin kong mag oovernight ako sa friend ko. Mapapanatag sila sa ganun and I wont do something stupid, anyway."

Tumango tango nalang siya at pinaandar ang sasakyan.

Tuluyan nakong pumikit at sumandal sa bintana.

Kakapikit ko palang eh nag replay na agad sa utak ko yung kiss namin kanina. 'Twas my first kiss, damn. He stole it.

Napapaisip parin ako kung bakit niya ginawa yun. Pero hindi siya lasing..

Inalis ko na yun sa isip ko at tsaka tuluyang natulog.

~

Vayne's POV

"Zane.. Zane..We're here." Tinatapik ko siya pero ayaw niyang magising. Inalog alog ko pa siya pero wala talaga.

Siguro dahil 'to sa sobrang kalasingan. Imbis na ako ang maglasing, siya itong grabe kung makainom kanina tsk. Wala na akong choice kundi buhatin siya hanggang unit ko.

Pinark ko ang kotse at tsaka siya binuhat pa-bridal style. Ang gaan naman ng babaeng 'to. Nagkakakain ba 'to?

Malamang oo. Grabe nga pala siya kumain.

Napailing nalang ako nung maalala ko kung gaano siya karami kumain lagi.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa lobby. Siguro dahil sa buhat buhat ko siya. Baka isipin nilang nahimatay o ano pero bahala na sila..

~

Pagkadating sa unit, hiniga ko agad siya sa kama ng kwarto ko. Dun ko sana siya dadalhin sa kabilang kwarto pero baka kailanganin niya ako kaya dito nalang siya.

Nagbihis na 'ko at naghanda para matulog narin. Medyo pagod nadin ako kakadrive at may konting hilo dahil sa pag inom kanina.

Habang inaayos ko yung hihigaan kong sofa, biglang nagsalita si Zane.

"Hoy Luther."

"Hmmm?"

"Wala lang hahahaha."

Tsk. Crazy girl.

"Ano? Brokenhearted ka parin?" tanong niya

"No, I'm not." Bored na sagot ko.

"Sus kunyari kapa eh. Dapat kasi ako nalang! AHAHAHA."

Hindi ako nagreact sa sinabi niya at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.

Maya maya nagsalita nanaman siya.

"Sabagay paano mo ako magugustuhan eh hindi mo nga ako kilala noon, ni hindi moko naalala nung nagkita ulit tayo hahaha. Tss, ako di kita makalimutan! 7 yrs na kitang kilala aba!"

Nagulat ako sa sinabi niya. 7 years? Paano? Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan siya.

Nakapikit parin pala siya. Tinignan ko lang siya habang iniisip yung sinasabi niya.

"Ohhhh ano di ka makasagot. No comment? Speechless? Haha. Totoo kaya yun! 7 years. Since first year highschool kilala na kita. Araw araw nakikita. Kasi schoolmates tayo. Oh di mo alam yun syempre. Ikaw kaseee.. Lingon lingon din sa paligid mo. Ang hirap kaya ng ginawa ko. Iwas iwas, tago tapos ayun tanaw sayo mula sa malayo, palihim kang minamahal.. Tapos syempre nung college na, sinundan kita sa school mo. Dun din ako nag aral para makasilay parin ako sayo kahit papaano. Hahahaha, oo nakakatawa ako 'no? Siraulo nga siguro ako or baliw gaya ng sabi mo. Pero baliw sayo. Ikaw ang may dahilan kung bakit ako naging ganito. Hays ewan ko nga ba bat kita nagustuhan! Ang sungit sungit mo, tapos di ka namamansin ng mga babae.. Alam mo tuwang tuwa ako sa tuwing nakikita kita eh. Hanggang sa isang araw, nagconfess ka sa bestfriend ko.. Sa harap ko pa talaga.. Gago, masakit. Pero wala kang kasalanan. You don't even know how I feel. You don't even know I exist.."

Nagbreak yung voice niya at alam kong umiiyak na siya..

"Sakto malapit nako umalis nun para pumuntang states.. syempre sasamahan ko yung lola ko dun at ginamit ko na rin yun bilang paraan ng pagmomove on. Akala ko nga okay na eh.. Akala ko makakamove on na ako sayo. Pero pucha! Bakit ba ang lakas ng tama ko sayo? Feeling ko ginayuma mo ako. Paano ba ko nainlove sayo ng ganito eh noon, hindi man lang tayo nag uusap.. nakakainis.. Bakit sayo pa ako nagkagusto? Bakit sayo pa na bestfriend ko ang gusto?"

Humihikbi na siya. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. hindi ko na talaga alam. Totoo ba 'to?

"Tapos hinalikan mo pa ako kanina. Ninakaw mo first kiss ko at pinaasa mo pa ako damn.. Hindi ko alam if you really mean to kiss me o iniimagine mo lang na ako yung bestfriend ko. Nakakatanga talaga! Oh.. don't feel sorry for me ha. Sasapakin kita! Kaya ko 'to noh! Strong 'to. I can manage. Biruin mo nga, pinaglalapit ko pa kayo! Ganun kita kamahal.Masochist right? and Self-less love.. It is. I want the best for you,Ther. I've been loving you  for 7 years already and I can do it over and over again. So kung nalulungkot ka dahil hindi ka gusto ng mahal mo, Wag ka mag alala! I feel you. este wag kang mag alala dahil madami pang iba diyan. Hindi lang ako ang nagmamahal sayo... for sure."

Pagkatapos niya sabihin 'yun at hindi na siya nagsalita muli.

Nabagabag naman ako at humiga na sa sofa, Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip lahat ng sinabi niya. Parang ayaw magsink in sa utak ko lahat ng iyon. Paano niya nagawa yun? Itago yung nararamdaman niya for 7 effin years? Ni minsan hindi ko siya napaghalataan kahit kaunti..

Pero yung sinabi niya tungkol sa halik kanina.. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinalikan. I wasn't thinking about anyone else that time pero I just felt the urge to kiss her. Ang gago ko para gawin 'yun. Medyo umasa pala siya. Pero mas nakakagago na ginawa ko 'yun ng walang dahilan. Wala ba talaga?

Haist! Damn Vayne, Stop thinking!

Napatingin ako sa orasan, 2:30 am. Madaling araw na pala.. Kaya nagpasya na akong matulog nalang para hindi ko na maisip ang mga sinabi niya.

~

Zane's POV

Naalimpungatan ako at bumalikwas papunta sa kabilang side ng kama. Nakita ko sa sliding door ng veranda na maliwanag na. Napansin ko rin na mag isa lang ako sa kama. Nasaan si Luther?

Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko sa wall clock, 7;18 am. At agad ko ring nakita si Luther na nasa sofa. Tulog na tulog parin.

Bumangon ako para magCR at tsaka ko naramdaman ang tindi ng sakit ng ulo ko. Shit, hangover.

Sinapok ko ang sarili ko at tumingin sa salamin ng CR tsaka kinausap ang repleksyon ko doon.

"Yan ang napapala mo kakainom, Suzane."

Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng kapeng maiinom. Hindi naman siguro magagalit si Luther kung magtitimpla ako.

Habang nakaupo ako sa lamesa ng kitchen, Biglang may nagreplay na insidente sa utak ko.

I've been loving you for 7 years already and I can do it over and over again

Ninakaw mo first kiss ko at pinaasa mo pa ako damn

Halos maibuga ko yung iniinom kong kape. Hala.. anong ginawa ko? Fck!

Gulat na gulat ako nung biglang nakita ko si Luther na bagong gising at dumiretso sa lababo

"Oh para kang nakakita ng multo. Kanina kapa ba gising?" Sabi niya.

"A-ahm not really."

Tumango nalang siya at kumuha ng kawali. Siguro ay magluluto na siya ng breakfast.

"Luther?"

"Hmm?'

"May sinabi ba ako last night?"

Napahinto siya saglit sa ginagawa niya at tumingin sakin tapos bumaling ulit sa ginagawa nya bago sumagot.

"Ah wala naman."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Siguro ay nanaginip lang ako.

"Wala naman, bukod sa confession mo." Dagdag niya.

This time, naibuga ko na talaga yung kape at napalaki ang mata ko.

~

xx

Triple NWhere stories live. Discover now