Chapter 4: The kiss

23 1 1
                                    

Zane's POV

Ang hirap ng ginagawa ko. Ilang linggo ko nang pinaglalapit si Luther at ang bestfriend ko. Ang hirap magpanggap na okay lang na magkasama sila kahit na ang totoo'y nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko palang. Ang hirap talaga maipit sa ganito pero wala eh. Ginusto ko 'to dahil hangad ko lang ang kaligayahan niya. Maliit na bagay lang 'to at isa pa, gusto ko siyang tulungan dahil alam ko ang pakiramdam ng magkagusto sa isang taong di ka gusto.

"kringggggg..*

Alexiaa calling..

Oh, napatawag 'to?

"Hello bes?"

Hello? Kita tayo bes may sasabihin ako sayo.

"Ano yun?"

Mamaya na bes. Kailangan ko na talaga sabihin. Magkita tayo sa food park now. Bye

Ramdam kong kinakabahan siya sa tono ng boses niya. Ano kayang sasabihin nun? Hindi kaya bigyan na niya ng chance si Luther, finally? Yun kaya ang sasabihin niya? At magpapatulong din ba siya sakin? Haay.. May movie date pa naman sila mamaya.

Pagdating ko sa foodpark ay natanaw ko agad ang bestfriend ko kaya agad ko siyang nilapitan.

"Anong sasabihin mo?" Tanong ko agad matapos umupo.

"Kasi bes ano eh.." Napayuko siya parang nag aalinlangan pa sa sasabihin niya. Baka tama ako ng hinala..

"Sabihin mo na, nacucucurious ako jusko."

"Naaalala mo pa si Jaydee?" Tanong niya.

Pinag isipan ko muna kung sinong Jaydee ang sinasabi niya hanggang sa maalala ko.

"Ahhhh oo yung crush na crush mo nung first year?"

Tumango siya.

"What about him, bes?"

"Kasi ano, 5 months na siyang nanliligaw at naramdaman ko namang sincere siya at alam mo namang gusto ko siya noon pa kaya syempre hindi ko na pinalagpas pa. Sinagot ko na siya last week.. May boyfriend na ako bes, sorry kung naglihim ako." Halatang guilty siya.

Kaya pala minsan ay hindi siya sumasabay sakin. Kaya pala bihira lang siya pumayag sa mga lakad kasama si Luther. Pero paano 'to?

"Paano si Luther?" Sabi ko. Mukhang mapapasama pa yata ang paglalapit ko sakanya. Baka umasa na yun na may chance talaga sila ng bestfriend ko.. Ayokong masaktan siya dahil sa kagagawan ko. Ayokong maramdaman niya ang sakit.. Nagsisisi na ako kung bakit ko pa ginawa yun.

"Ayun na nga, bes. Nakokonsensya nadin ako pero wala akong magawa. Don't worry, sasabihin ko din 'to sakanya as soon as possible. Pero pwede bang mamaya, ikaw muna ang sumama sakanya. Pwede bang sabihin mong hindi ako makakasama sakanya kasi biglang may emergency, o may importanteng lakad, o basta bes kahit ano. Kasi anytime ay susunduin nako ni Jaydee dito. Hindi niya alam na I'm going out with Vayne sometimes at ayokong malaman niya kaya di ako nakatanggi sa pagsundo niya sakin dahil minsan lang naman ito. Ayokong magalit siya kay Vayne o pagselosan 'to. So please bes, please reason out for me.. kahit ngayon lang." Pagmamakaawa niya.

Hay.. Napailing nalang ako at tsaka pumayag.

"Okay. Pasalamat ka malakas ka sakin. Hay! Madaya ka bes.."

"Sorry talagaaa. I gotta go andyan na siya." Sabay turo kay Jaydee na paparating.

Napabuntong hininga ako dahil iniisip ko parin ang magiging reaksyon ni Luther

Pagtayo ko sa upuan nagulat ako nang makita ko si Luther sa harap ko.

Agad ko siyang pinihit patalikod.

Triple NWhere stories live. Discover now