Chapter 16: I'm Sorry

25 0 0
                                    

Zane's POV

Sumalampak ako sa kama at nagsimulang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dala siguro 'to ng frustration at inis sa sarili ko. Alam kong napakataas ng pride ko. Ako ang nasasaktan para kay Luther.

Bakit ba palagi ko siyang ginaganito?

Bigla rumehistro sa utak ko ang itsura ng bahay nung pumasok ako. Mula sa dekorasyon sa dingding hanggang sa sa sahig.. Siguro'y napagod siya sa pag aayos ng lahat ng 'yon, pati na sa pagluluto at paghihintay ng pagdating ko tapos ganun pa ang ginawa ko.

Lalo nang narinig kong may kumalabog sa labas.. Parang natapon yata lahat ng nakalapag sa lamesa kanina. Lalo pa akong naiyak..

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Medyo sumakit ang ulo ko. Paglingon ko sa orasan ay alas kwatro palang ng madaling araw. Wala si Luther sa tabi ko. Parang gusto ko nanaman tuloy na umiyak dahil doon. Pero hindi ko ginawa. Siguro ay talagang nagtampo siya dahil sa ginawa ko. Disappointed siguro siya. Napakasama kong girlfriend.

Sobrang swerte ko sakanya. Ni minsan ay hindi siya napagod na intindihin ako kahit na palaging umiinit ang ulo ko. At kitang kita ko pa ang mga effort niya para sakin. Napapaisip tuloy ako kung ni minsan ba'y naging mabuting girlfriend ako sakanya?

Dahil sa mga puntong ito, pakiramdam ko ay hindi.

Lumabas ako ng kwarto para tignan kung nasaan siya. Lahat ng kwarto tinignan ko. Pero nakita kong andun parin pala siya sa sala. May hawak na bote ng beer. Nakita kong tulog na tulog pa siya. Dahil siguro sa kalasingan dahil may ilang bote pang walang laman sa sahig.. This is all because of me.

Hirap na hirap akong tignan siya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito..

Lumapit ako at naupo sa harapan niya. Tinitignan ko ang natutulog niyang mukha na bakas ang pag iyak at kalungkutan. Tumulo nanaman ang luha ko dahil doon.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Sorry, babe.." Bulong ko kahit alam kong hindi niya 'yon maririnig dahil tulog na tulog siya dahil sa pagkalasing.

Iniwan ko muna siya doon at hinayaang makapagpahinga. Pumunta ako sa kusina at sumandal sa counter.


Sobrang aga kong nagising at halos apat na oras lamang ang tulog ko. Naghanap ako ng maaaring makain sa ref at tanging ice cream ang nakita ko. Masaya naman akong iyon ang naroon dahil sabi ng iba stress reliever daw talaga ang ice cream.

Tulala lang ako at nakatingin sa kawalan habang kumakain ng ice cream at hindi ko namalayang naubos kona pala.

Nung naalala ko nanaman ang ginawa ko kay Luther ay naguilty ako. Kailangan kong bumawi. Babawi ako sakanya.

Bahagyang gumaan ang loob ko. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko at tinawagan ko ang kompanya namin pati narin ang kina Luther para ipaalam na maglileave kaming dalawa sa araw na 'to. Determinado talaga akong magkabati kami at bumawi sakanya sa lahat ng pagkukulang ko.

Nagluto ako ng almusal naming dalawa at excited na inihain ito sa lamesa. Saktong tapos na akong maghain nang biglang sumulpot si Vayne.

"Good morning babe.." Nahihiyang bati ko.

"Alas otso na.. Bakit hindi mo ako ginising? Late na ako." Sabi niya.

"Nope. You're on a leave today."

"Leave?" Nagtatakang tanong niya.

"Yes, leave. Pinaalam ko sa opisina niyong maglileave ka muna ngayon at ganoon din ako," Lumapit ako sa kanya at nagpatuloy, "I will make it up too you babe.. I'm sorry. Let's have a date later." Tapos hinalikan ko siya sa labi. Amoy alak parin siya pero wala akong pakialam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Triple NWhere stories live. Discover now