Zane's POVAno kayang nakain nung admirer ng bestfriend ko at nagtatatakbo yun kanina? Ako naman 'tong nakihabol. Baliw din. Haha! Mukha siyang takot na takot kanina and yung facial reactions niya were priceless! Parang lalo ko pa tuloy gustong lumapit sakanya kasi ang sarap niyang pagtripan. At tsaka bakit kaya ganun siya magreact eh nagkita na kami noon bago ako umalis? Isa't kalahating taon lang naman ako nawala 'no! Makakalimutin yata. Pero hindi eh. Sabi niya ako daw yung sa 'ano' I'm not sure kung pareho kami ng iniisip kaya umagree nalang ako. Siraulong 'yun!
Infairness, ang laki ng pinagbago niya. Noon gwapo lang siya ngayon sobrang gwapo na! At ang height di ko mareach. He's perfect. at isang bagay lang ang hindi nagbago sa loob ng isa't kalahating taon. Yun ang nararamdaman ko sakanya..
Para namang kinurot ang puso ko sa naisip ko. Yes, I'm inlove with VL since day 1. Since high school days. We we're school mates back then in Amasian Exclusive Academy in our city. I've been eyeing him from a far at ni minsan di ko siya nilapitan. Dahil alam kong susungitan niya lang ako dahil malayo ang loob niya sa girls. Para bang ayaw niyang magkaroon ng kahit anong connection sa kahit sinong babae maliban nalang siguro sa relatives niya.
Naaalala ko pa kung pano ako umiiwas sakanya. Sa tuwing nakikita kong papalapit siya sa way ko, agad akong hahanap ng ibang daan. Ayaw na ayaw kong makita niya ako at mapansin dahil baka kung mangyari yun ay lagi nang maulit at malaman niya kung gaano ako kabaliw sakanya. Baka dahil pa dun ay layuan niya ako o lalong kamuhian. Laking tulong nadin na malaki itong school namin at magkahiwalay kami ng building kaya hindi niya ako makikita maliban nalang kung mag eeffort siya. Gaya ng ginagawa ko masilayan lang siya.
Hindi ko alam kung bakit, o paano. Ni hindi ko alam noon kung anong pangalan niya o kung saang lupalop siya nagmula. Ni wala akong kaalam alam sa buhay niya pero nahulog ako sakanya. Siguro dahil sa pagkamisteryoso at maamo niya.
Nakakatawang isipin na pwede kang mahulog sa isang tao nang hindi man lang kayo nagkakausap. Yung tipong patingin tingin kalang sakanya pero hulog na hulog ka. Mahirap ang ganitong kalagayan pero ginusto ko ito.
Pag tinitignan ko siya para bang siya lang yung taong nag eexist sa mundo ko. Halos makabisado ko na ang facial features niya. Mula sa hugis ng mukha, buhok na unique ang pagkakagupit, kilay na mas maganda pa ang pagkakaayos kaysa saakin, matang puno ng misteryo, matangos na ilong, perpektong hugis ng labi hanggang sa panga niyang lalaking lalaki ang dati. He is my own definition of "Perfection" But I'm no one to him.
Ni minsan hindi ako nagtangkang magpakilala, lumapit, o kung ano pa man. Di ako gumawa ng paraan para mapalapit sakanya. At 'yun ang isang bagay na pinagsisihan ko pagdating ng college.
Inalam ko talaga sa mga common friends namin kung saan magcocollege si Luther. At sumunod ako dun. Parang di ko kasi kayang hindi siya makita ng matagal. Crazy, right? Alam ko yun. Pati ako napapatanong kung bakita ganito kalakas ang tama ko sa lalaking 'yun. Siya pa ang inspirasyon ko sa pagiging Valedictorian ko nung highschool lol.
1st day palang nagkakilala na kami ni Alexia, or Xia (Si-ya) for short. Siya ang unang kumausap sakin noon. At natuwa naman ako. Madali kaming nagkasundo dahil hindi nagkakalayo ang mga bagay na napupusuan namin. Mula sa brand ng cellphones, lipsticks, damit, at mga paboritong restaurants o kahit saang kainan pa yan nagkakasundo kami. Kaya ayun, 1 month palang ng school year eh dineklara na namin ang isa't isa bilang "bestfriends" Sobrang close kami talaga na halos tumira na kami sa iisang bahay. Madalas nandito siya samin dahil laging may business trip ang parents niya, and minsan ako naman ang nagoovernight sakanila. Swerte ko sa parents ko't di nila ako pinaghihigpitan.
Until one day, naglalakad kami palabas ng campus ng i-approach siya ng isang lalaki. Isang pamilyar na lalaki. Hindi lang pala pamilyar dahil kilalang kilala ko siya.. Siya yun. Oo, Si Luther.
Gulat na gulat ako nung lumapit siya sa direksyon namin. Noong una akala ko ako ang pakay niya at baka nakita na niya ako noon pero hindi. Halos isang lingon lang ang ginawa niya sakin at nagfocus na siya ulit sa bestfriend ko. Sa BESTFRIEND KO.
"Ahm, Hi.. I'm Vayne.. Ano, you're Alexia, right?" Halatang kabado siya nung sinabi niya yun.
"Ahhh, oo. Bakit po?" Sagot naman ni Xia.
"Kasi.. ano.. Damn. pano ko ba sasabihin 'to.." Yumuko siya at pumikit para bang iniisip niya pa kung itutuloy niya yung sasabihin niya.
"I like you.. let me get to know you." dirediretsong sabi niya.
Nanlaki yung mata ko noon, at parang maiiyak yata ako at gusto siyang tanungin kung tama ba 'ko ng dinig o nagiimagine lang akong sinabi niya yun sa bestfriend ko.
Isang Vayne Luther Red na parang ayaw ng kahit anong connection sa ibang babae ay nandito ngayon sa harap namin, at nagcoconfess sa bestfriend ko? Totoo ba 'to? Kung oo sana hindi nalang.. Bakit sa harap ko pa
"Sorry, I don't intertain boys. But I appreciate your courage of telling me how you feel," Sabi ni Xia at bumaling sakin.
"Zane, tara na." Nginitian niya ng konti si Luther bago ako tuluyang hatakin.
Nakita kong nalungkot si Luther sa naging sagot ni Xia. At kahit ako, nalungkot para sakanya. Pero medyo masaya at hindi siya magkakamabutihan ng bestfriend ko. Oo ang sama pakinggan. Pero kung sakali namang magustuhan siya ni Alexia ay magiging masaya nalang ako para sakanila. At kung hindi naman,ako ang sasalo sakanya.
"HEEEY!! Welcome home beshu!!"
Napatigil ako sa pagrereminisce nung narinig ko ang sigaw ni Xia. Nandito na siya sa bahay. Inabot niya sakin ang isang regalo. Ewan ko kung ano.
"Salamat! Galing ako sa park na sinabi mo wala ka naman!" Sabi ko.
"Anong wala? galing ako dun! Kaso ang tagal mo dumating kaya ayun.Dumiretso nako dito. Grabe! Namiss kita. Kamusta ang States? Nagenjoy kaba dun? Hindi kaba nabiktima ng racism? Wala bang umapi sayo? May naging bagong bestfriend kaba? mamaya pinagpalit mo nako!" Natawa nalang ako sa tuloy tuloy niyang dada.
"Baliw ka. Isa isa lang. mahina kalaban bes. Ahmm ayun okay naman. Enjoy at nanginginig lagi sa lamig pero syempre nasanau din. At ako? Mabubully? Sa ganda kong 'to eh muntik na nga kong makapangasawa ng maaga." Pagbibiro ko na ikinalaki ng mata niya. Uto uto din.
"MYGHAD SUZANNE SCHANDREIA! DI KANA VIRGIN 'NO?! Grabe ka!"
"Hala ang OA neto! Joke lang yun gaga. Alam mo namang I have goals sobrang daming goals! At tsaka wala kong ibang bestfriend. Walang papantay sayo!" Sabi ko ulit.
"Uhhhh. I love you!" Tapos niyakap niya 'ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Namiss ko din 'tong bestfriend ko.
~
A/N: Credits sa kapatid ng bestfriend ko na ang name ay Zane. Sakanya nanggaling yung name. And it is pronounced as "Suzeyn Shandreya" at Alexia- (Aleksha) Vayne- (Veyn) Thank you, Enjoy! 😄 sakit sa kamay bes hahahaha!
YOU ARE READING
Triple N
RomanceMinsan kung sino pa ang gusto natin yun pa ang ayaw satin. Karma na rin siguro dahil hindi rin natin gusto yung may gusto saatin.. Pero what if binigyan mo ng chance yung taong ayaw mo? Will you end up falling inlove with that person? Ano bang meani...