Chapter 14: Graduation

8 0 0
                                    


Zane's POV

One week na matapos yung pangyayaring yun. Badtrip parin ako sakanya. One week narin na consistent niya akong kinukulit. Tawag ng tawag at pumupunta dito sa bahay pero hindi ko siya hinaharap.

Napapatanong nalan din ako kung bakit ayaw ko siyang pakinggan. Siguro dahil ayaw ko ng makarinig ng kasinungalingan. Siguro'y ayaw ko na masaktan nanaman.

Mabuti nalang at wala ng pasok para hindi ko narin siya lagi nakikita. Madalang nalang din kami magkausap ni Alexia dahil nagbakasyon siya kasama ang boyfriend niya.

Bored na bored na ako dito sa bahay kaya naisipan kong maglakad papunta sa park. Hindi naman ganoon kalayo. mga kinse minutos lang siguro kung lalakarin.

Pagkadating ko dun, naupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang buong paligid.

Nakita ko ang same spot kung saan kami unang nagkita ni Luther noong kakabalik ko lang sa Pinas. Natatawa nalang ako pag naaalala kong naghabulan kami dito. Napailing ako at akmang bubunot ng damo sa harap ko nang may nagsalita bigla sa likuran ko.

"Bawal manabunot ng inosenteng grass miss!" Napairap ako sa sinabi niya. At talagang ginaya niya pa ang sinabi ko noon ha.

"Tss. Why are u here?" Malamig kong tanong.

"Napadaan lang." He said.

maglalakad na sana ako paalis kaso hinila niya ang braso ko at hinarap nya ako sakanya.

Kinaladkad  niya ako papunta sa sasakyan niya at ipinasok niya agad ako sa loob. Papalag pa sana ako kaso nilock niya agad ang pinto ng sasakyan.

"What are you doing?" I asked and I glared at him.

"Sinisiguradong this time hindi kana makakatakas saakin. Sinisiguradong this time ay makikinig kana sa explanation ko. Ganyan kaba magmahal? Nakakamatay ka."

"What are you saying?" Taas kilay na tanong ko.

"Sasabihin mong mahal mo ako tapos nung umamin narin ako sayo ay ayaw mo na saakin. Ganyan kaba magmahal, ha?" He said while looking intently in my eyes.

at ako pa talaga ngayon!

"Sasabihin mong mahal mo na rin ako tapos makikita kitang may kayakap na iba? Ganyan kaba magmahal, ha?!" Ganti ko.

Natatawa ang ekspresyon nya.

"Really? That's the reason why you dont want to talk to me?"

"Yah! Whats so funny about that?!"

"I didn't know you could be so immature when you are jealous, Zane."

Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Whatever." Yun lang ang nasabi ko.

"Well, una sa lahat. Kakalabas ko lang noon sa building namin at papunta na ako sa classroom mo para sunduin ka ng makasalubong ko ang bestfriend mo na umiiyak. Dahil siguro sa halo halong emosyon  ay napayakap siya sakin nang tanungin ko kung bakit siya umiiyak. Kinwento niya saakin ang naging away nila ng boyfriend niyang gustong makipag cool off. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya i hugged her back as a sign of comfort. Ikaq dapat ang nakakaalam nun dahil she's your bestfriend hindi ba? Tss.  Agad din kitang hinanap pagkatapos nun. Sabi nasa faculty ka to do some errands so I went there pero wala kana doon. Bumalik ako sa classroom mo pero wala. Pinuntahan kita sainyo pero wala. Akala ko galit ka dahil sa missed calls pero iba na pala. Anyway tungkol naman doon, nakasilent ang cellphone ko pag nasa school kayahindi ko nasagot."

Triple NWhere stories live. Discover now