Vayne's POVHindi ko mapigilang di mapalingon kay Zane habang nagdadrive ako. Bagay na bagay sakanya yung damit na binili ko. At ang ganda niya pala talaga ngayon ko lang na-appreciate.
"San ba talaga tayo pupunta?" Tanong niya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.
"Secret.. Kakain muna tayo."
"Kain nanaman? Kakakain lang natin eh."
"Kailangan yun 'no. Magugutom ka sa byahe. Lagi ka pa namang gutom."
Tinignan niya ako ng masama dahil sa sinabi ko.
"Syempre food is life!"
"Alam ko. Food is you."
"Bakit nanaman?!"
"Wala lang."
Food is you, kasi you are my li--
Nagulat ako sa naisip ko at parang tumindig balahibo ko. Jusko. Kung ano anong naiisip ko. Tsk, masama 'to.
Halos 1 and a half hour din ako nagdrive bago makarating sa restaurant na gusto kong kainan namin.
"Huy, grabe ka. Dapat nagmcdo nalang tayo!"
"Ayoko. Gusto ko busog na busog ka."
Ngumuso naman siya nun at natawa ako. I find her cute!
~
Umorder kami at as usual pinili niya ang pagkaing mabigat sa tyan. I wonder bakit hindi siya tumataba. Siguro mabilis siyang matunawan.
Kumain kami ng kumain at natutuwa talaga ako sakanya. Wala siyang pake kung magmukha man siyang gutom na construction worker pero tuloy lang siya sa pagkain. Siya yung madaming kumain pero classy parin at hindi balasubas tignan.
"Huy matutunaw ako dyan kakatingin mo! Tsaka feeling ko kanina mo pa ko pinagtatawanan sa isip mo! nakakainis ka namaaaan." Sabi niya at tsaka nagpatuloy sa kakakain.
"Hindi kita pinagtatawanan. You're just cute."
Tumingin siya sakin at namula. Totoo nga, ang cute niya talagang tignan. Parang gusto ko tuloy siyang asarin. Pero ayoko. Baka bugbugin niya pa ako hindi na kami makarating sa destination namin, lol.
~
Pagkatapos kumain ay umupo muna kami dun saglit para magpahinga. Nagretouch siya ng lipstick at inayos ang buhok niya. Mas lalo tuloy siyang naging attractive at lahat ng makakita sakanya hindi maiwasang mapatingin. She is really a head-turner kahit pa ayaw niya ng attention galing sa iba.
Wow ako ba 'to? Bakit ba parang nagiging observant ako sakanya? Haha! Kung naririnig niya lang ang nasa isip ko baka sabihin niyang kotang kota nasiya dahil sa mga papuri ko. .
Ilang sandali lang ay umalis na din kami sa restaurant. 12:15pm na.
~
Pag andar ng kotse, lalo akong naexcite na dalhin doon si Zane. Parang naiimagine ko na ang magiging reaction niya. Siguro ay mamamangha siya doon.
"Matulog ka muna. Mga 2 hours pa yung byahe." Sabi ko.
"Ayoko nga. Gusto ko gising ako para makita ko kung saan tayo pupunta. Malay ko ba kung kidnap na 'to no" Baka dalhin moko sa hideout niyo."
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Alam kong nagbibiro lang siya. Malakas ang tama talaga netong babaeng 'to.
"Sound trip nalang tayo!" Sabi niya.
"Ayy. Wag na. Kanta ka nalang." Suggest ko. Gusto ko ulit marinig yung boses niya.
"Oo nga 'no! Sige request ka!"
YOU ARE READING
Triple N
RomanceMinsan kung sino pa ang gusto natin yun pa ang ayaw satin. Karma na rin siguro dahil hindi rin natin gusto yung may gusto saatin.. Pero what if binigyan mo ng chance yung taong ayaw mo? Will you end up falling inlove with that person? Ano bang meani...