Chapter 6: I'll try

13 0 0
                                    


Zane's POV

"Shet! Seriously?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko dahil sa gulat. Grabe. Akala ko nananaginip lang ako. Akala ko nakaligtas nako. Pero totoo pala! Nasabi ko pala.

"Uhmm, yah." Tumawa siya ng kaunti.

Shet, lupa kainin mo na ako ngayon din.

Napayuko ako at pinukpok ng marahan yung masakit kong ulo na lalo yatang sumakit dahil sa nalaman ko.

"Totoo ba 'yon?" Tanong niya tsaka pinunasan ang kapeng naibuga ko.

Wala akong masabi.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Oo, pero don't mind it."

Tama yan Zane, Act cool na parang walang nangyari. Iwas awkwardness.

"Bakit di mo sinabi?"

"Bakit ko sasabihin? Edi pinagtabuyan mo 'ko. I hate rejections." Sabi ko at inubos ang natitirang kape.

Umupo siya sa harap ko.

"Pano mo nalaman? Ni hindi mo sinubukan." Napailing siya matapos sabi 'yon.

"Bakit natin susubukan ang isang bagay na una palang alam na nating talo tayo?"

Parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Really? That's what you believe?"

Tumango ako.

"Then, mahina ka."

Ako naman ang nagulat sa statement niya.

"Paano mo nasabi?" Taas kilay kong tanong.

Hindi niya 'to sinagot sa halip ang sinabi niya ay;

"Hmm, sigurado ka bang mahal mo 'ko?"

"Oo naman." Duh? Why would I waste my 7 years secretly admiring him if hindi ko siya mahal diba?

"Yun pala eh. Pero hindi mo mapatunayan. Kapag mahal mo ang isang tao, you are always willing to take a risk. Kahit na di mo alam ang kahahantungan o kahit pa may conclusion ka na sa maaaring mangyari."

Napatameme ako saglit dahil sa sinabi niya.

"So, sinasabi mong may chance sana kung nagpakilala lang ako kaagad, ganun ba?"

Tumingin siya ng diretso sakin.

"Who knows? Sa nakikita ko hindi ka mahirap pakisamahan. You have a good heart. At ngayon nanghihinayang ako. Kung siguro ay sumubok ka hindi tayo nasaktan pareho."

"So ngayong alam mo na..."

Natigilan ako. I can't find the right words to say.

"ahm, nevermind." Pagtatapos ko.

"Hayy. Magluluto pa nga pala ako. Wait up." Ngumiti siya ng kaunti at tsaka binalikan ang ginagawa niya doon sa kitchen.

Iniwan ko muna siya doon at dumiretso sa sala para manood ng tv.

Habang nanonood, hindi ako makapagfocus sa palabas dahil laman parin ng utak ko yung conversation namin kanina.

Yung mga what if's ko. Dahil sakanya. Parang bigla naman akong nanghinayang, kagaya niya.

Siguro tama siya. Sobrang duwag ko, at mahina. Bakit ko nga ba agad kinonclude na ganun ang mangyayari? Na masasawi lang ako?

What if I tried? Paano kung sinubukan kong hanapin ang daan tungo sa puso niya noon pa?

Triple NWhere stories live. Discover now