Vayne's POVMonday nanaman pasok nanaman. Makikita ko nanaman yung babaeng mahal ko.
Nagmadali nakong maligo, kumain at dumiretso sa school.
~
Nang mag uwian,dumiretso ako sa food park kasi alam kong dun din ang diretso ni Xia pagkadismissal. May pagkamahilig din kumain yun eh.
Umupo muna ako sa isang bench dun habang tinitignan tignan ang mga tao. Biglang may nagtext sakin.
Fr: JL
Dude, tambay sa spot later?
Kala ko naman kung ano. Nireplyan ko siya agad.
To: JL
Sure
"Hey!"
Napalaki yung mata ko nang marinig ko yung boses na 'yun. That familiar voice. That crazy woman's voice!
Unti unti kong inangat ulo ko. Naisip ko nanaman sanang tumakbo pero hindi pwede dahil hihintayin ko nga si Alexia.
"Hoy babae! Stalker ka ba? Wag ako uy. Please." Sabi ko.
Natawa naman siya ng malakas dahil dun. Sht! Mental patient nga talaga!
"HAHAHA You're really funny, Luther!" Aba't sa second name niya pa talaga ako tinawag. Walang kahit sinong tumatawag sakin ng ganun at mas sanay ako sa Vayne.
"Anong tinata--" Napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ko si Xia na papalapit kay crazy girl.
"Ikaw talaga ang bilis mo maglakad!" Sabi ni Xia kay baliw bago bumaling sakin.
"Uy, Vayne. Hello!" Bati ni Xia saken.
Takang taka naman ako kasi parang kilala ni Xia yung baliw.
"Hi Xia. A-ahmm.. You y-you know her?" Kunot noong tanong ko.
"Yes! Bestfriend ko 'to no! Akala ko alam mo na lahat sakin? Haha." Pabirong sabi ni Xia.
"Bestfriend? Yang dating mental patient na yan?!"
"AHAHAHAHAHAHAHAHA! MENTAL PATIENT?? DAMN! KAYA PALA!!" At patuloy na tumawa yung baliw natatawa nadin si Xia pero di niya pinapahalata.
"Ano kaba Vayne. Anong mental patient? Hindi siya mental patient! Bestfriend ko siya. Nakita mo na siya dati ah? Nung ano...," Napahinto siya. Parang ayaw niya pang sabihing yun yung araw na nagconfess ako sakanya
"Bago mag end yung last sem ng first year." Pagtutuloy niya.
Yeah right! Kaya pala familiar siya saken. Tsk. Hindi pala siya yung baliw. nakita ko lang talaga siya dati pero di ko maaalala masyado dahil focus na focus lang ako kay Alexia nung mga time na yun.
"Ahhhh, yah. I'm sorry."
"Okay lang." Sabi ni crazy girl na hindi pala crazy sabay kindat sakin.
"Vayne she's Zane, Zane he's Vayne." Pagiintroduce ni Alexia
Nagshakehands naman kami at sabay sinabing,
"Nice meeting you!" Sa unang pagkakataon ay nginitian ko siya. Nagsmile back naman siya. Ang cute niya! Sarap sakalin ^_^
Bumaling nako ulit kay Xia.
"Ahm Xia, Baka may gusto ka kainin? name it. Ittreat kita."
"Ehem!"
Napalingon naman ako kay Zane na nagehem. Aba.
"I mean, kayo." paglilinaw ko.
"Ay nakakahiya naman." Sabi ni Xia.
YOU ARE READING
Triple N
RomanceMinsan kung sino pa ang gusto natin yun pa ang ayaw satin. Karma na rin siguro dahil hindi rin natin gusto yung may gusto saatin.. Pero what if binigyan mo ng chance yung taong ayaw mo? Will you end up falling inlove with that person? Ano bang meani...