A/N: Bago ko simulan 'to gusto kong sapukin yung isang taong nagpaalala sakin na babae yung Vayne sa lol. Kinginemebes. HAHAHA Nung una, Wala kong pake kung babae siya sa LoL pero nabother ako dahil pinansin mo pa. HAHAHAHA Bagay naman ah. Hayp ka :( Gusto ko magkarhyme sila ng name ni Zane e. Boset 😂 Nagdadalawang isip tuloy ako bigla kung papalitan kona. Focus muna kayo sa name na Luther mga bes putspa.
PS: NAGSISISI AKONG BINIGAY KO PA SAYO TITLE NETONG KWENTONG 'TO 😂
PPS: Lagi mo akong kinoconfuse talaga.. sa lahat ng bagay.
~
Luther's POV
Tingin ako ng tingin sa wrist watch ko dahil may usapan kami ni Zane na magkita mamaya pagka dismissal. Gusto ko na matapos 'to. Pero 2nd to the last subject palang 'to. At pakiramdam ko lalong bumabagal yung oras. Siguro ayaw niyang magkita kami ni Zane. O siguro dahil sa kakabantay ko dito.
Sinubukan kong magfocus sa subject namin at tinatry na ipasok sa utak ko yung mga sinasabi ng prof namin pero lalo lang akong naiinip at inaantok. Bakit ba kasi ganito sa college? Sobrang tatagal ng subjects matapos.
Kung pwede lang eh kanina pa 'ko lumabas. Pero kung lalabas ako hindi ko rin naman siya makikita dahil sabay lang ang oras ng dismissal namin.
Ilang sandali pa ang lumipas, ilang explanations, examples, at kung ano ano pa ay natapos narin siya.
Mabilis narin natapos ang huling subject. Siguro ay dahil hinayaan ko nalang umandar ang oras kaya bumilis siya.
"Okay class, dismiss."
Pagkasabi palang nun ng prof, at pagkalabas niya at sumunod nadin ako agad. Excite na excited talaga akong makita siya. Dahil isang linggo ko din siyang hindi nakita dahil nga nagkasakit siya. Pero hindi kasing lala ng iniisip ko.
Napailing nalang ako nung maalala ko kung gaano kaOA ang reaksyon ko. Hindi ko talaga matanggap kung bakit sinabi nung katulong nila na may malalang sakit si Zane at tsaka kung bakit umiiyak si Alexia nung araw na 'yun. Baka pinagtitripan niya lang ako o pinoprovoke.
Dumiretso ako sa classroom ni Zane at sakto kakalabas lang niya sa pinto with all smiles habang nagpapaalam sa mga kaibigan niya/blockmates. Nung mapatingin siya sa direksyon ko ay kinawayan niya ako agad at tsaka lumapit.
"Kanina kapa?" Tanong niya.
"Hindi naman. Kararating ko lang din."
"Ahhhh. Haha! San tayo?"
"Kain muna tayo."
Sumang ayon naman agad siya tapos dumiretso na kami sa isang fastfood chain. Ayaw niya daw sa mamahalin dahil nakakahiya na daw. Di na ako tumanggi dahil mapilit siya, sobra.
Pagkalapag ng order kumain agad siya.
"Kamusta kana pala?" Tanong ko bago sumubo ng fries.
"Okay na ako. Hika lang talaga. Don't worry."
"Akala ko kung ano na. Grabe."
"Hahahahaha! Oo nga. Grabe ka. Pangteleserye yung ganap mo nung time na 'yon ha. May paiyak iyak kapa. Grabe ka! HAHAHA Kung may video lang siguro ang pangyayaring 'yon baka masira ang replay button dahil sa kakaulit ko. Hindi ko makalimutan. Pati yung mga pinagsasabi mo! HAHAHA!"
"Tsk, siraulo yang bestfriend mo. Damay mo na din yung katulong niyo."
Nakakahiya! Siguro ay minemorize niya lahat ng mga pinagsasabi ko jung time na 'yun. Kung gaano ako natakot nung maisip kong mawawala na siya.. sakin.
YOU ARE READING
Triple N
RomanceMinsan kung sino pa ang gusto natin yun pa ang ayaw satin. Karma na rin siguro dahil hindi rin natin gusto yung may gusto saatin.. Pero what if binigyan mo ng chance yung taong ayaw mo? Will you end up falling inlove with that person? Ano bang meani...