Chapter 13: Say Yes

7 0 0
                                    


Vayne's POV

Papunta na sana ako sa classroom nila Zane nung nakita kong tumatakbo si Xia. Nagulat ako kaya nilapitan ko siya.

"Hey? Are you okay?" Tanong ko.

Nag angat siya ng tingin sakin at nakita kong hindi. Dahil umiiyak siya.

Bigla nalang niya akong niyakap. Nagulat ako. Hindi ako nakagalaw.

"Uy, Xia. Bakit? What's the problem?"

"Wala.. nag aaway lang kami. Tinawagan niya ako ngayon ngayon lang. He wants some space daw. Hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay hiwalayan nadin ang tuloy neto." Sagot niya sa pagitan ng mga hikbi.

Niyakap ko siya pabalik bilang pagcomfort at para narin tumahan siya.

"Shhh.. Wag kana umiyak. Hindi kayo maghihiwalay okay? Ayusin niyo yan. Pag usapan niyo."

Kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya at ganun din siya. Pinunasan nya ang luha niya gamit ang kanyang panyo. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong medyo pinagtitinginan na kami.

"Uy, Salamat. Sensya na ha! Napayakap pa ako tuloy. Si Zane kasi! Wala sa classroom. Hindi ko na mapigilan yung luha ko." Sabi niya nung medyo natahan na siya.

"Wala 'yun. Teka? Wala siya? Nasan siya?"

"Nasa faculty yata. Inutusan siya ng prof namin kanina. Ang tagal ngang bumalik."

"Ah ganun ba? Sige, Xia. Una nako. Titignan ko si Zane sa faculty."

"Oh sige, Vann. Thanks ulit! Bye." Tumango ako at kumaway naman siya.

Naglakad ako tungo sa faculty dahil malapit lang din naman ay mabilis akong nakarating. Tumingin tingin ako sa labas, pero walang bakas ni Zane kahit saan.

Kinatok ko ang faculty.

"Hi Maam. Napadaan po ba dito si Zane kanina?"

"Ahhh oo. Kakaalis lang niya mga 5-10 mins ago."

"Sige po, Salamat."

Dali dali akong umalis sa faculty at bumalik sa classroom ni Zane para icheck kung andun pa siya. Pero wala na siya pagkarating ko dun.

Kinuha ko ang cellphone ko..

3 missed call from Crazy Girl.

Sht! Nakasilent nga pala ang phone ko! Bakit ba hindi ko ito nilagyan kahit vibrate man lang?

Tinawagan ko siya pero pinapatayan niya ako sa unang ring palang.

Nakailang tawag pa ako pero ayaw nya talagang sagutin. Baka nagtampo na yun dahil hindi ko siya naabangan sa labas ng classroom niya at hindi ko pa nasagot ang tawag niya. I'm dead.

Dirediretso na ako sa parking at agad na pinaandar ang sasakyan ko. Pupunta ako sa bahay nila at magsosorry personally.

Pagkadating ko doon, nagdoorbell ako at may lumabas na maid.

"Si Zane po?"

"Sino sila?"

"Pakisabi Va-- Luther po. Sabihin niyo po sakanya."

"Ay naku,Sir! Sinabi niya po pala saamin na wag kayong papasukin kung sakali."

What? Ganun siya ka-upset?

"Pls manang pakisabi mag usap kami. I need to explain."

"Sorry, Sir. Baka mawalan ako ng trabaho niyan."

Triple NWhere stories live. Discover now