Chapter 11: Court Me First

14 0 0
                                    


Zane's POV

Pagkababa ko ng kotse niya, dumiretso agad ako papasok ng bahay. Ngiting ngiti kong binati yung mga maids, basta lahat ng tao. Pagkapasok ko ng kwarto huminga muna ako ng malalim bago buong lakas na sumigaw! Tapos tumalon talon ako sa kama ko at nagpagulong gulong sabay takip ng unan sa mukha ko.

Pagkapikit ko, nagreplay sa utak ko yung sinabi niyang hinding hindi ko makakalimutan.

"Kasi I like-- no. I love you, Zane"

Shet. Totoo ba 'to? Mahal na rin ako ng lalaking matagal ko ng mahal? Tama siya ang hirap paniwalaan.. Nakakagulat at ang bilis ng mga pangyayari. Pero ganun din naman ako sakanya noon. Mabilis akong nahulog.

Sobrang ngiti ko parin dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko magpafiesta sa lahat. Pero bago 'yun, kailangan ko munang sabihin 'to sa bestfriend ko.

Dinial ko ang number niya at dalawang ring palang sinagot nya na agad.

"Hello?"

Oh bes, napatawag ka?

"Busy kaba?"

Hindi naman. Kakadating ko lang din galing school. Why?

"Mall tayo. I have something to tell you."

Woaaah. Nung nakaraan lang ako nagsasabi ng line na yan ah? Hahaha sige,see you later. Mag aayos na ako.

"Hahaha okay, see you."

Then I hang up.

Mabilis lang akong nag ayos at tsaka pumunta agad ako sa mall.

Pagdating ko sa meeting place namin, wala pa siya. Kaya naupo muna ako dun sa isa sa mga upuan.

To: Alexiaa

Bes, wru?

1 message received.

From: Alexiaa

Dito nako sa labas, waitttt.

Pagkareceive ko nun, luminga linga agad ako sa paligid kasi alam kong anytime eh makikita ko na siya.

"Uy, long time no see!" Siraulong 'to. Parang hindi kami classmates. HAHA!

"Oo nga eh. Kamusta india?"

Nagtawanan naman kaming dalawa dahil dun.

Nagikot ikot muna kami. Gaya ng lagi naming ginagawa. Chika ng chika habang naglalakad,at bumili kami ng mga damit.

Nung napagod na kami mag gala, napagdesisyunan naming kumain na ng dinner dahil gabi narin naman.

Pagkatapos namin umorder pagkaupong pagkaupo palang namin ininterrogate nya na ako kaagad.

"Oh, kala mo nakakalimutan ko na ang real purpose ng pagkikita nating 'to ha? So ano yun? Anong sasabihin mo?"

"Kasi alam mo bes, pareho lang tayong naglihim."

"Bakit? Tungkol saan yan?"

"Kay Luther.."

"Anong meron sakanya?"

Dumating na yung order namin kaya hinintay ko muna makaalis yung crew bago ako sumagot.

"Kasi, matagal ko na siyang kilala. hindi lang kilala. Matagal ko na siyang gusto. Simula highschool palang. So ayun hindi kona naikwento sa 'yo yun. Lalo na nung nagkagusto siya sayo."

"Omg, Zane. Ang gaga mo! Bakit hindi mo agad sinabi yan? Grabe ka. Kung alam ko lang, una palang hindi ko na siya hinayaang gustuhin ako."

"Eh kasi, ayoko namang magkagulo o ayawan mo siya dahil lang bestfriend mo ako."

Triple NWhere stories live. Discover now