Meisha's POV
Third subject namin pero hindi pumasok yung teacher namin dahil may emergency meeting. Oh! Btw ^O^ hindi pa pala ako nakapag pakilala sa inyo ng lubusan.
Ako nga pala si Meisha Romero, 17 years old, 4th year high school na ako dito sa Golden University. Tulad ng sinabi ko sa inyo kanina kami ang may ari ng University na ito, ewan ko nga sa mga schoolmates ko kung bakit hindi nila nahahalata, pshh. At may crush nga pala ako sya si Jake Santiago kaibigan nya si Xander Gonzales at Ian Villanueva. Kilala sila dito sa school dahil kasali sila sa mga Campus princes. Ang Rank 1 dun ay si Xander ang pinaka kinaka inisan kong lalaki dito sa university paano ba naman Casanova na nga, Bully pa sa mga katulad kong nerd, tsk tsk tsk. So balik tayo. Then si jake naman gwapo yun ang galing kumanta at sumayaw pati din naman si Ian at Xander pero mas gusto ko sya.. OmO. Namumula na ata ako #^_^# si Ian naman laging naka poker face, gwapo din sya halos silang tatlo din naman, Nakakatakot nga minsan kausapin eh! As if naman kung kakausapin nya din ako diba?
Meron akong kapatid si Kuya Miguel Romero, lagi nya akong inaasar, pftt pero love na love ko yan si kuya. Actually kakambal ko yun si kuya Miguel kaso tinatawag ko syang Kuya kasi nga napaka moody parang ang tanda na hahahha . Kabarkada nya rin yung tatlo actually lima sila eh kaso yung isa nasa states "daw" kasi dun nag aral, wala naman akong pake no pshh * smirk*
Ang mama ko ay si Melanie Romero at ang papa ko Michael Romero. Diba Halos kami letter "M" nagsisimula whahahhaha kaya tawag samin Family M whahhaha K. Fine walang may pake. -_-Wala ngang nakaka alam na magkapatid at magkamabal kami ni kuya miguel eh, D kasi masyadong halata kasi lalaki sya at babae ako. Diba galing ko. Kidding ^_^
Ring bells
Nagulat ako ng biglang nag bell, Break time na pala, hindi ko namalayan ,ang daldal ko kasi eh sa isip whahahha. K corny.
Pumunta na ako sa canteen, pumila na ako para bumili ng spaghetti yun na lang kakainin ko bumili na din ako ng juice. Tumingin tingin ako para makahanap ng Vacant table.
"Ayun, sa dulo" bulong ko sa sarili ko.
Habang paunta ako sa Pupuntahan ko chosss. Habang papunta ako sa vacant table na nakita ko, ay biglang may pumatid saking babae , kaya natapon lahat ng pagkain ko plus napahiya ako sa mga schoolmates ko sa loob ng canteen...
"Ayan ang lampa -lampa kasi eh"
"Panget na nga lampa pa" sabay sabay nilang tawanan pati ang mga tao sa loob ng canteen ay nagsi tawanan na din. Sanay naman na ako sa panlalait at pang aapi nila eh. Pero bakit nasasaktan pa din ako, Feeling ko kahit ano mang oras tutulo ang luha ko eh T_T.
Pero ang akala ko hanggang dun na lang yun, Binuhusan pa nila ako ng juice ang lamig..
" bagay lang sayo yan ang PANGET mo kasi " sa puntong yun hindi ko na napigilang umiyak. Narinig ko na lang na sumigaw ang mga babae na nanlait sakin.
"Whoaaaa Jake ano ba? Bakit mo ginawa yun? Sigaw ng babae nagulat ako ng si Jake ang nagbuhos ng Inumin kay angela. Oo tama kayo si angela yun ang Bitch dito sa Campus. Rank 1 sya sa Campus princesses, Pero Natauhan ako ng may humila sakin papuntang rooftop si jake pala.
Nasa rooftop kami ngayon.
"Ok ka lang ba? " tanong sakin ni jake my ghad ang panget ko nakita nya akong ganito parang basang sisiw.
" ahh, oo. Ok lang ako salamat huh! "Feeling ko namumula na ako sa kilig niligtas ako ng crush ko.
" here" inabot nya sakin ang panyo nagpunas naman ako.
" thanks, lalabhan ko na lang"
"Nope, sayo na yan. " sabay tayo nya. Naglakad na sya pa alis ng Rooftop. Ako? Nandito pa rin naka upo, hindi alam ang magiging pakiramdam, kung kikiligin ba ko dahil pinag tanggol ako ng ultimate crush ko sa mga nam bully sa kin o Malulungkot dahil napahiya ako kanina!. Hayss hindi ko na lang iisipin yun, Basta masaya pa rin ako. Yieeee *^▁^* .
Bumalik na ako sa room wala pa naman ang teacher namin, kaya tumungo na lang ako para umidlip sandali, Hindi naman ako makatulog dahil sa ingay ng mga classmates ko eh! Kaya ito ako kung ano ano naiisip, hindi talaga ako maka move on kanina yung napahiya ako. Wala kasi dito si Cassandra eh! Edi sana may kasama ako,Si Cassandra pinsan ko yan yung Mommy nya kapatid ang Mommy ko, Cassandra Romero Cruz ang full name nya, 17 lang din sya close na close nga kami nun eh! Hindi lang sya nakapasok ngayon kasi kahapon lang sya naka uwi galing Singapore syempre pagod pa kaya bukas na sya makakapasok.
Bumalik na pala yung adviser namin, hindi pa naman kasi mag lelesson eh! Kaya yung adviser na lang yung nagbabantay samin.
"Ok class, you have a new classmates. " may bago sino kaya yun, tsaka classmates? Ibig sabihin hindi lang isa?.
-------------------------
Hi guys Onti lang yan eh! Sabaw utak ni author.☺ pa vote and comment naman po kung itutuloy ko pa hehe. 😂
Follow nyo fin po ako and add sa Fb ko Dailyn Turalde Tongcua.
BINABASA MO ANG
Im Secretly Married To A Campus Prince
Teen FictionPaano kapag yung inaayawan mong tao, ay sya ang mapapangasawa mo? Whoaaa im secretly married to the campus prince? Alamin natin ang mangyayari sa kanila. Written by;: Dark_Ice13 By: dailyn tongcua