Aeiou Nicole's POV
"As you can see, The value of X is Zero"
"Bakit po zero ma'am?" Tanong nung kaklase ko.
"Kasi ang nga Ex, wala na yang value. Dapat kinakalimutan nalang natin sila para hindi na tayo masasaktan." Aniya ni Ma'am.
"HUGOOOOOT~ HAHAHA" Si ma'am talaga, mahilig humugot. Akala mo naman teenager pa. Haha.
*boooggsh*
Lahat kami natahimik nung bumukas bigla yung pintuan.
"Mr. Levis, Mr. Wick and Mr. Carson, wala bang uso sa inyo ang salitang katok?" Pag salubong nila ni Ma'am.
"Bakit? pag sinabi ba naming wala tatahimik ka na ba tanda?" Sabi nung si Shane Luffer Wick. Tsk. Kahit kailan talaga ang bad boy nila.
"Buuurrnn! Hahaha." Tawa nung dalawa.
"Shh stop it guys! Maawa naman kayo kay Ma'am" Sabi nung Mayor namin sa room.
"Maawa kay ma'am? *smirk* Maghanda ka baka sila yung maaawa sayo" sabi ni Dwayne. At tsaka lumabas ng room pati yung dalawa.
Namutla bigla yung mayor namin. Bukod kasi sa parents/family and teacher nila, walang nagbabalak na kausapin sila. Kasi kung may masabi kang hindi nila magagandahan, tiyak na aalis ka dito sa paaralan. Alam niyo na, bully sila, Bad boys eh. Tsk.
"Hay nako. Wala talagang ibang magawa yung mga gunggong na yun. Ang ba-bad nila. Naawa tuloy ako kay mayor." Sabi nung katabi ko, siya si Ashley Zucy Wick beshplend ko. Yep, kapatid sila nung si Shane na isa sa mga bad boys.
Para silang hindi magkapatid kasi ang iba ng ugali nila. Si Ashley, mabait, maganda or should I say Diyosa nag mana sakin. Haha pero bungangera, mayaman din sila. Yung kapatid naman niya na si Shane, ang sama ng ugali at tsaka palaging naka busangot. Play boy yun, halos lahat ng babae na ang najowa nun. Grabe talaga. Ang pogi niya din. Actually silang tatlo naman talaga pogi, pero ayoko sa mga ugali nila. Ang sasama. Daig pa ang demonyo.
"Hoy Aeiou, Tulala ka na naman jan? Ano na naman yang iniisip mo ha?"
"Iniisip ko kung bakit may katol sa noo si Simsimi- Araaay Ash" Binatukan niya ako eh. Anong masama dun sa sinabi ko?
"Anong katol ka jan? Buhok niya yun gaga!" Buhok niya pala yun? Hindi halata eh. Pfft.
"Tara nanga, kanina pa lumabas si Ma'am Tanda, Vacant tayo sa sunod na subject natin. Tara food court tayo!" hinila hila niya ako papuntang food court. Aish. PG talaga neto. Palaging Gutom. Haha.
Nung pumasok kami sa food court, ang tahimik parang may dumaan na anghel.
"Aei bakit ang tahimik dito?"
"Aba malay ko, magkasama tayo kanina diba?"
"Oo nga pala." Pumunta na kami sa pila para bumili ng pagkain. Ang tahimik talaga, di ako sanay.
May naisip agad ako para bumasag sa katahimikan.
"Haha, ang talino ko talaga" kinuha ko yung speaker sa bag ko pagkatapos pinatugtog ko.
Now playing Black Magic by Little Mix. Haha.
"Huy anong ginagawa mo bruha ka?" Tanong nung katabi ko.
"Maka bruha naman to. Binabasag ko lang yung katahimikan." Pinagtitingnan na kami ng mga tao tapos nag bulong-bulongan. Malamang tao, magugulat nalang kayo pag sinabi kong mga kabayo.
Sinasabayan ko yung kanta. Aahh~ My favorite.
*booogggshh*
"Ahhh! Ano yun?" Tanong ko kay Ash. Nakatingin lang siya sa likod ko at gulat na gulat. Baka may nakitang multo. Huhu takot ako sa multo mga bess.
"Hoy babaeng may dalang speaker!" Nagsasalita na pala ang mga multo ngayon? Huhu ayoko na.
"You ugly creature! Are you deaf?" Aba! Oo inaamin kong hindi ako ganun ka ganda pero grabe naman yung ugly creature tsaka deaf!
Lumingon ako ng naka taas yung isang kilay ko. Pagkakita ko sa kanila tumaas yung dalawang kilay ko. Shit ang tatlong bebe.
"A-ako ba?" Bakit ako nauutal eh hindi naman ako takot sa kanila.
"Tama ka nga Dwayne, ang panget nanga, bingi pa" Sabi ni Dale Christoffer Levis. Insulto ha.
"Give me your fucking speaker." Cold na sabi nung Dwayne.
"Bakit wala ka bang ganito? Meron akong isa pang speaker sa bahay, pero pink yun eh. Bibilhan nalang kita." Natawa yung dalawa niyang kasama tsaka si Ash. Anong nakakatawa dun? Seryoso kaya ako.
"I can buy a million speaker if I want to." Kalmado niyang sabi pero halatang naiinis na siya.
"Ganun naman pala eh, bakit mo pa kailangan yung sa akin? Gusto mo rin ba yung music na black magic? Baka gusto mong pasahan nalang kita. Ano Share it ba o bluetooth?" Mas lalong natawa yung tatlo at halos lahat ng tao sa food court natatawa na rin. Bakit ba pag nag salita ako natatawa sila? Pangit ba yung itsura ko pag nagsalita?
Lumapit siya sakin tapos may binulong.
"Humanda ka sakin. I will make sure that your life will be miserable starting today Ms. Lim." Pagkatapos umalis na siya kasama yung dalawa. Ghad. Ano ba tong pinasok ko.
--------------
Aeiou ( Ayu )
Aei ( Ay )
Revein ( Raven )Baliw pero maganda,
CrazyyyAsh ツ
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy Princess
Humor"Never let the sadness of your past ruin the happiness of your present." Naranasan niyo na ba na iwanan? At patuloy na umaasa na babalikan ng taong minahal niyo ng lubusan? Yung tipong kahit matagal na panahon na ang lumipas, mahal niyo pa rin siya...