Part 17 - Flashback

114 6 1
                                    

Kumakain ako mag isa ngayon sa food court kasi nagugutom ako eh, pake niyo ba? Nag excuse lang ako sa teacher namin na mag cr lang ako, pero dinala ako ng mga paa ko dito, gutom na daw kasi si bebe tyan.


Dalawang large burger, fries tsaka Orange juice ang inorder ko. Hindi kasi ako gutom, hindi talaga.



"Hi!"


"Ay chanak!" Sumimangot lang si- Teka sino bato?


"I'm Diego." yung pinsan ni Dora? binigay niya sakin ang kamay niya, so tinanggap ko naman. Baka mapahiya si koya.


"Ok." At tinuloy ko ang pagkain ko. Walang makakapag-pigil sakin! Umupo siya sa harapan ko. Letche tong unggoy nato! FC lang fo?


"And you are?" Bakit ba ang epal niya? Kita niya naman siguro na kumakain ako. Pwee!


"I'm-" sasagot na sana ako ng tumunog na naman si tummy pero mahina lang. Haha.


"You are?"


"I'm- I'm eating!" Tapos tinuloy ko na ang pagkain ko. Ang ayoko sa lahat, yung iniistorbo ako, lalo na pag kumakain ako. Subukan niyang magtanong ulit at mag ala kung fu panda ako! Bwisit to!


"HAHAHAHA ow Hi there Eating! HAHAHA" tapos tawa siya ng tawa. Wala namang nakakatawa. May nakita ba siyang clown na hindi ko nakita? Juice ko! Katakot naman si koya.


"Tapos kana?" Tinignan ko siya ng seryoso tapos tumigil na siya kakatawa.


"Hahaha oo tapos na. Matanong ko lang, bakit ka nag cutting class?" Sabi ng wag kang matanong eh!


Hayaa!


Bog!


Pak!


Ganern!


Pero joke lang! Hindi ko siya makarate eh, di nga ako makatayo dahil busog na busog na ako to the max tapos karate pa kaya?


"Eh sa nagugutom ako eh! Pake mo ba ha?"


"Sungit mo naman Miss Eating. Nagta-"


"Aeiou!" Uy may tumatawag ba sakin? Tumingin ako sa likod ko at nakita kong naglalakad papalapit sakin ang nakabusangot at pangit na mukha ni Dwayne. Hehehe.


"Hinahanap kita, tapos nandito ka lang pala and you we're fucking flirting with someone!" Ayan na naman siya sa kaka fuck-fuck niya. Palibhasa pakboy eh.


"Dwayne! Shut up! I don't know him, uh. I know him pala. Siya si Diego yung pinsan ni Dora." Napatingin sakin yung lalaki at kumunot ng kanyang noo, same as Dwayne.

I'm The Bad Boy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon