Part 16 - Swimming

70 5 5
                                    

Ashley's POV

Napangiti nalang kami habang tinitignan sina Aeiou na magkayakap. I'm so happy for her. Mukhang nahanap na niya ang ka forever niya. Pero kinakabahan parin ako sa pwedeng mangyare kapag nagkita na sila ni Warren. Haayst. Bakit ba kasi nagbalik pa yung lokong yun? Matapos niyang saktan si Aeiou, ganun na lang? Hindi pwede yun ah! Ang unfair niya! Saksi kami sa paghihirap niya. At sana nga di na siya muling babalik sa buhay ni Aeiou, happy na ako para sa bestfriend ko. Sa bago niyang love life. Haha buti pa siya. Samantalang ako, forever alone.


Nilibot ko ang buong paning ko dito sa kwarto ni Aeiou. Gusto ko talaga ang idea ng room niya. Simple lang pero malinis.

Halata naman diba na mahilig siya sa pink at black? Haha er

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Halata naman diba na mahilig siya sa pink at black? Haha er. Tapos may L pa sa gilid. Lim daw ang ibig sabihin nun.


*riiiiing riiiing*


Napatingin ako sa phone ko, aba! Buti naman at nagparamdam na ang gago.


"Guys, labas muna ako. May tumatawag eh."


"Sino? Boyfriend mo?" Zen


"Gaga! Ewan ko sainyo" dali dali akong lumabas habang tumatawa pa sila sa loob.


Pagkalabas ko agad ko naman siyang sinagot. Gago to! Ngayon pa nag paramdam!


"Oh buti naalala mo pa ako?"


"I'm sorry Bhudz, busy kasi ako eh."


"Ah, busy. Busy sa iba?" Nakarinig ako ng pag sigh sa kabilang linya.


"Ayan ka na naman! Busy ako hindi dahil sa iba! Busy ako sa pag aaral. Alam mo naman, gusto kong mapabuti ang maging future natin."


*pout* putek tong lalaking to! Pasalamat siya at mahal ko siya.


"Oo na! Tch."


"Wag ka ng magtampo please."


"Eh sino ba ang matinong babae ang hindi mag tatampo kung ang boyfriend niya hindi nagparamdan sakanya ng-" di niya ako pinatapos dahil nagsalita siya

I'm The Bad Boy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon