Chapter 15

4.7K 88 15
                                    

Kilig muna.

---

"Good morning love." napapikit - pikit ako sabay ngiti sa kanya. Napayakap ako kay Black ng mahigpit at sumiksik sa kanyang kili-kili, naramdaman ko ang pagtawa nito at paghaplos sa aking ulo.

"Nag- be- baby na naman ang, mahal ko." napangiti ako sa sinabi niya at mas lalong sumiksik sa kanya.

"Magluluto na ako, love. Kaya bitaw na para makakain ka na."

"Ayaw." narinig ko ang pagbuntong hininga nito at saka umupo kaya napasama ako rito. Para akong tuko na nakakapit sa kanya.

"Bakit ang clingy mo, Mel." umiling lang ako. Hindi ko alintana kung hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng yakap ko. Basta gusto ko siyang yakapin.

Binuhat niya ako na parang bata. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi ba kaw nahihirapan?" parang bata kong sinabi at ngumuso.

"Nope and beside parang naka- workout na rin ako." 'pag punta namin sa kusina ibaba na sana niya ako para maupo ng higpitan ko ang pagyakap sa kanya. I heard him sigh. "Upo ka muna, love. Pagluluto kita ng pagkain."

"Ayaw."

"Kapag binuhat naman kita habang nagluluto baka matalsikan ka ng mantika, ayo' kong masaktan ka dahil sa lintik na mantika, Mel." I sighed and sat on the chair.

Nagsimula na siyang magluto ngunit tinitigan ko lang siya, pinapanood na magluto.

Swerte talaga ako sa kanya, kasi marunong siyang magluto, inaalagaan niya ako, ginagawa niya akong baby, kaya ang swerte swerte ko dahil minahal ako ni Black.

Wala akong alam na gawain bahay. Hindi ako marunong magluto, maghugas ng pinagkainan, maglinis ng bahay at maglaba at nakaka- turn off 'yun para sa lalaki pero kay Black, he didn't mind kung hindi ako marunong no' n.

"Black..." tawag ko rito. Lumingon ito sa akin at ngumiti, nakita ko na naman ang dimples nito, ang amo amo ng mukha niya.

"Yes love? Do you need anything?" yumuko ako at pinaglaruan ko ang daliri oo

"May sasabihin sana ako." tinigil ko ang paglalaro sa daliri ko at inangat ang aking ulo, nakita ko ang pagkabahala sa mukha nito.

Natataranta niyang pinatay ang stove at hinarap ako. Lumuhod ito at niyakap niya ang aking bewang.

"Please love don't leave me. Alam kong may kasalanan ako but I beg you, don't leave me." pumiyok ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa aking bewang.

Parang may humaplos sa dibdib ko sa sinabi niya. Gagawin niya ang lahat, magpapakababa siya para lang hindi ko siya iiwan.

Sinong lalaki ang gagawa nito para sa akin? Luluhod, magmamakaawa para lang huwag ko lang siyang iwan. Si Black.

Alam kong nagkamali siya, sinaktan niya ako pero kailangan ko pa ba siyang sisihin habang buhay para lang mawala ang sugat sa puso ko? Masasayang lang ang panahon ko para lang sa galit kung pwede ko naman siya mahalin.

For the second time, I fell in love with him again.

"I love you." tatlong salita ngunit nagpabago sa aming buhay. Sa relasyon na meron kami.

Inangat niya ang ulo niya sa pagkakayuko at tinignan ako, titig na titig ito sa mga mata ko, wala na ang pagkabahala sa mga mata nito, kumikinang ang mga itim niyang mata sa kasiyahan kahit na may luha pa.

"Tama ba ang pagkakarinig ko? Do you love me?"

Tumango ako at yumuko para halikan ang kanyang labi. "I'm sorry kung ngayon ko lang napagtanto kasi I was busy to hate you pero ngayon pagmamahal na lang ang nandito sa puso ko."

"Melody may sasabihin ako sa 'yo. Alam kong ikakagalit mo ito at aasahan ko na magagalit ka dahil sa sasabihin ko."

"Ano?" tanong ko rito habang sinusuklay ko ang buhok nito.

"Nalaman ko na nagkabalikan sila mommy at si Tito Charles."

Napahinto ako sa pagsuklay ng buhok nito at nilagay ang kamay ko sa kandungan ko.

"Please baby don't get mad... Alam kong gusto mo magkabalikan ang mga magulang mo pero... nakikita ko kay Tito Charles na masaya siya kay mama..."

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko, pero nangingibabaw ang sakit sa puso ko. I adore how much my dad love my mom, I love their love story pero hindi ko gusto ang naging ending nila.

My dad fell out of love for my mom, he's in love with someone else at nasasaktan ako para kay mom. She doesn't deserve to be hurt.

"I don't know, Black kasi masakit. Ang akala kong perfect love story nila mom naging ganito ang ending, hindi ko lang matanggap."

"I know that feeling, love, pero wala na tayong magagawa, mahal nila ang isa't isa. Hindi natin mapipigilan ang puso nila. Kailangan na lang nating tanggapin."

"I will try." kahit masakit sa dibdib, tatanggapin ko sa ikakasaya ni dad.

~o~

"Masarap ba?" tumango ako at nag- thumbs up. Ang sarap din niyang mag- bake ng cupcakes. Ako pa ang pinagsisilbihan niya imbes na ako ang magsilbi sa kanya.

"Thanks for all of this, Black." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti ito at hinalikan ako sa labi kaya sinagot ko ang halik niya. Bumitaw ito sa pagkakahalik namin.

"Walang kaso sa akin 'yun. Gusto kong pagsilbihan ang reyna ng buhay ko."

"Thank you for changing me, for  the better."

"Me too. Gusto ko magpasalamat dahil nahanap ko ang tamang daan."

"I love you."

Ngumiti ako at sinagot ko ito. "I love you too."

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon