Chapter 6

8.3K 143 3
                                    

"Ako na maghahatid sa inyo ni Red, Melody." ngunit tinitigan ko lang ito.

Hindi ko gugustuhin na siya ang maghatid sa amin. Ayo'kong malaman niya ang condo ko.

"Kaya ko na..." mahinang sabi ko pero nando'n pa rin ang lamig sa akin boses.

"Please kahit ito lang, para mabayaran ko ang sakit na ginawa ko sa'yo."

"Red sumakay ka na sa sasakyan." napatingin ako kay Black. "Kung gusto mo mabayaran ang mga kasalanan mo sa'kin, paghiwalayin mo sila dad ang mom mo, baka mapatawad pa kita." saka ako pumunta sasakyan.

Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay mabuo ang pamilya namin.

"Nanay ba 'yon ni Black ha, ate?" napatingin ako sa kanya. Napatango na lang ako. Nakita ko ang pagkuyom niya sa manibela. "Kung sakaling maging kayo ni Black, hindi ko siya tanggap para sa' yo, pero kung gagawa siya ng paraan baka matanggap ko siya para sa'yo."

"Red hindi na kami magkakabalikan."

Napatingin naman ito sa akin at tumingin sa harap at saka ngumisi.

"Huwag mo kong lokohin ate na hindi kayo magkakabalikan dahil alam kong mahal mo pa rin ang gagong 'yon. Dahil sa kanilang dalawa ni Silver mas gusto ko pa si Black kaysa sa kaibigan o manliligaw mo na si Silver."

"Hindi ko na siya babalikan, Red. Matagal ng tapos ang sa amin."

"Sabi mo eh..." saka tumahimik ito.

Halatang mas close siya kay Black kaysa kay Silver, mas ship niya kami ni Black kaysa kay Silver, pero alam ko ang makakabuti sa akin, at hindi makakabuti sa akin si Black.

"Alam ko na ang ending ng storya mo ate, at alam kong si Black ang makakatuluyan mo." saka ito tumingin sa akin at ngumiti.

Napataas naman ako ng kilay sa kanyang sinabi. Parang alam na alam niya ang mga sinasabi niya na parang siya ang lumikha sa storya ko.

"Do'n tayo sa condo ko." saad ko saka pumikit. Napagod ako ngayon.

"Okay ate."

Nagising na lang ako na parang gumagalaw ako. Napadilat ako nakuta ko si Red na binubuhat ako. "Red bab-"

"Huwag ka ng gumalaw ate, buti nga binuhat kita para sa kaalaman mo, ang bigat-bigat mo."

"Sama mo!" sabay palo ko rito. Napatawa naman ito.

Bumaba na ako nang nandito na kami sa condo. Binuksan ko ito. Dire-diretsong pumasok si Red at humilata sa sofa.

"Hay..." napapikit ito. Alam kong may iniinda ito. Kahit hindi niya sinasabi alam kong masakit sa kanya ang nangyari kanina. "Ang sakit ate... masakit na habang tumatagal, unti unti tayong nagiging ganito, na kahit anong pilit natin buoin ang pamilya natin pero, nawawasak din..."

Lumapit ako rito at niyakap ito. "Don't worry, Red. Maayos din ang pamilya natin. Matulog ka na. Alam kong pagod ka sa klase." napatango ito.

~o~

Pagkatapos kong mag-shower tinignan ko ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko na maraming text at missed calls si Silver.

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon