"Ibaba mo ako, Black!" sigaw ko rito pero hindi ako nito sinagot. Binaba ako nito sa sasakyan niya.
Saka niya hinarang ang braso niya sa kotse para hindi ako makatakbo. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napasandal ako sa kotse.
"Do you know how badly I want to punch that Silver on his face?" napatango ako. Bigla ako natakot sa kanya para siyang papatay.
"If you're not gonna behave, I will punish you. Pasok!" nagmamadali ako pumasok sa kotse niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ihahatid na kita sa inyo." hindi ako makapagsalita. Pumikit ako ng mariin na mapatingin siya sa akin.
Gusto ko sabihin na hindi na ako tumitira sa bahay. Na may condo na ako pero hindi na ako nagsalita pa.
Ayo'kong sabihin sa kanya baka pagbuntungan pa ako ng galit niya at lagi niya ako puntahan. Mas okay na malaman niya na do'n pa rin ako nakatira.
Isang gabi lang naman ako nando'n sa bahay. Bahala na.
~o~
"Baby, wake up. Nandito na tayo." nagising ako sa munting tapik nito sa akin. Bumungad sa akin ang maamo nitong mukha. Napaayos ako ng upo.
"Huwag mo na ako ihatid sa loob. Umuwi ka na." saka ko binuksan ang pinto ng sasakyan. Buti naman at bukas ito.
Napalingon ako sakanya ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito natinig, pinuntahan niya ako at kinawit niya ang braso niya sa bewang ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita."
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong magagawa. Dahil kung pipilitin ko pa na huwag akong ihatid baka hindi kami matapos.
'Pag bukas ng pinto nakita ko na may kasama si dad, isang familiar na babae. Napakunot noo ako.
"Mom?" napalingon ako kay Black at napalingon naman ito. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko na makita si Tita Angelica na nandito sa bahay namin.
"Son!" napatayo ito at pinuntahan ang anak saka niyakap. Ngunit hindi pa rin nawawala ang pagtataka ko. Kung bakit nandito si Tita Angelica.
"Why are you here, tita?" tanong ko rito. At bakit niya kausap si dad, dahil sa pagkakaalam ko hindi sila magkakilala ni dad.
Gusto ko sana itanong ito ngunit tinikom ko ang bibig.
Napatingin naman si Tita Angelica kay dad, kaya napatingin din ako kay dad. Kinakabahan ako sa sasabihin ni dad.
Sana mali lang ang iniisip ko.
Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging kahihitnan nito 'pag nalaman ito ni mom.
Napabuntong hininga si dad at saka lumapit sa akin. Saka niya tinignan si Tita Angelica at saka niyakap. Hinalikan niya ito sa ulo.
"Me and your Tita Angelica is in a relationship, princess."
Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Para itong sumabog at ang sakit sakit.
Paano si mom?
Masasaktan si mom kapag nalaman niya 'to.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko at napailing. Napapikit ako ng mariin.
"No... no... no... this can' t be..." saka ako humakbang paatras. Napatingin ako kay dad. Nakikita ko ang bahala rito. "How about mom? Hindi na ba kayo magkakabalikan? Gusto namin ni Red na magkabalikan kayo tapos ganito, may pinalit na kayo kay mom. Akala ko ba mahal niyo si mom?"
"Princess..." bigla kami napatingin sa nagmura. Nakita ko ang galit na galit na mukha ni Red.
"So iiwan mo si mom for that fucking bitch?!" sabi ni Red.
"Don't call my mother a bitch!"
"Watch your word, young man!"
Sabay na sabi ni dad at Black. Napalapit ako kay Red na nakakuyom ang kamao. Saka ko ito hinawakan.
"I don't fucking care if you don't want me to call that motherfucking bitch a bitch, I will said fucking anything to that shit!" gigil na sabi nito. Hindi nakapagpigil si dad at sinuntok si Red.
"Red!" nilapitan ko ito at prinotektahan.
"Hindi kita pinalaki ng bastos Red!"
"Dahil hindi ikaw ang nagpalaki sa amin! Hindi ikaw ang nag-aruga at nag-alaga sa amin ni ate! Hindi ikaw ang nagpapapakapagod mag-alaga sa amin! Dahil si mommy ang gumawa no'n, hindi ikaw! Ikaw na nga ang may kasalanan kung bakit wala rito si mommy tapos papalitan mo pa ng iba! Matindi ka rin!" susuntukin sana ni daddy ng ilayo ko si Red.
"Natatamaan ka ba sa sinasabi ni Red ha, dad? Kaya sasaktan mo siya dahil alam mo na tama ang sinasabi ni Red?"natawa ako ng pagak.
Saka tingnan ang mommy ni Black na nirerespeto ko dati pero ngayon, hindi. Dahil kung siya ang hadlang para magkabalikan sila mommy at daddy, magiging kaaway niya ako. Dahil si daddy ay kay mommy lang, hindi kanya.
"Nirerespeto ko kayo tita, pero ibang usapan na ito, hindi ko po kayo gusto sa daddy namin. Hindi namin kayo gusto kay dad. Kaya habang may natitira pa po akong respeto sa inyo, umalis na po kayo, pati sa buhay ni dad." kalmadong sabi ko kahit gusto ko ng sumabog.
"H-hindi ko gagawin, Mely. Iba na lang ipagawa mo pero ang layuan ang daddy mo, hindi ko magagawa. Mahal na mahal ko ang daddy mo."
Nag-init ang ulo ko. Alam kong mali pero fuck! "I don't care if you love my father! I don't care about your feelings because I do care of my mother's feeling, hindi sa'yo! I don't care kung masaktan ka pero ang mommy namin hindi namin gusto ulit ang masaktan ang mommy namin! In the first place wala ka naman karapatan kay dad dahil kasal pa sila ni mommy, you're just mistress! You're just a whore! "
Biglang may lumipad na palad sa aking pisngi. Muntik na ako mawalan ng balanse sa lakas ng pagkakasampal sa akin. Maluha-luha kong tinignan ang taong sumampal sa akin.
"Don't fucking hurt my sister!" sinuntok ni Red si dad. Umiiyak na pinigilan ko ito.
Dahil sa babaeng 'yan, sa malandi na Angelicang' yan, sinasaktan kami ni dad.
"Don't hurt him, Red. He is just a jerk for hurting mom and us!" napatingin ako kay dad. Nakita ko ang sugat na kagagawan ni Red kay dad. Kahit na nakokonsesiya hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa niya sa amin lalo na kay mom. "Don't expect us to accept her because she's not welcome to our family, to this house, dahil isa lang ang reyna sa bahay na ito at walang iba kundi si mommy." saka ko inalalayan si Red.
Mahigpit ko itong inakay para hindi niya mabalikan si daddy. Bigla napahawak sa akin si Black. Bumalik ang nag-iinit kong ulo ng makita ito.
"Saan ka pupunta?"
"Wala ka ng pake do'n." malamig kong sabi. Ang dami dami kong iniisip kung paano pa mabubuo ang pamilya namin.
Mabubuo pa kaya?
"May pake ako dahil mahal kita." napatingin ako sa kanya. Napatagal ang pagtitig ko sa kanya.
Bigla ko na lang naisip ang plano ko para mabuo ang pamilya ko.
---
Guys pasensiya na kung ngayon lang hindi kanina. Pero ang importante ay nakapag-update ako.
100 votes mag-a-update ako.
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...