Dalawang dekada na ang nakakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Kahit bata pa lang ako no'n, nakatatak na sa isip ko, malinaw pa rin sa utak ko ang pangyayari.
Kung paano ako takutin ni daddy na sasaktan sila mommy at Rachel kapag hindi ko sinunod ang utos nito.
Tinawag ko ang isang lalaking hindi ko naman kilala na daddy, dahil sa takot na baka saktan ni daddy sila Rachel. Kailangan kong gawin yun para protektahan sila mommy.
Pero nabigo ako doon. Hindi ko man lang na-protektahan si mommy. Ang akala ko nung umuwi si daddy hindi na niya sasaktan si mommy nung nawala siya ng mahigit dalawang taon.
Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang paggahasa nito kay mommy, ang pagka- brutal nitong sinasaktan si mommy habang ginagahasa ito, po-protektahan ko sana si mommy pero kinuha ako ng isang babae, gusto ko magpumiglas noong panahon na yun pero hindi ko kaya.
Kasi bata pa ako, maliit lang ako.
How can I protect my mom if I can't protect myself?
Napangisi ako at kinuha ko ang sigarilyo sa may ashtray saka ito hinithit. Dito ko nilalabas ang stress ko at ang mga gumugulo sa isip ko, sa paninigarilyo ko.
"Son." napatingin ako at nakita ko si dad na nakatingin sa akin, nakangiti ito, wala halong nakakatakot sa mga ngiti katulad dati.
Binuga ko ang sigarilyo saka ko pinatay sa ashtray.
"Yes dad?"
"Ikaw muna ang dumalo doon sa party. May date kasi kami ng mommy mo." nakangiting sabi nito. Tumango ako at ngumiti ng maliit.
"Okay dad. Enjoy your date."
Dalawang dekada na makalipas ng mawala ng alala si dad dahil sa drugs na pinapainom sa kanya, na- overdose ito sa pag-iinom ng mga gamot na binibigay ng babae kumuha sa akin. Buti nga at hindi ito namatay sa halip at nagkaroon lang ito ng memory lose.
Maganda na rin na nangyari. At least my mother is happy now. I didn't see the hurt in her eyes now all I see is happiness, love and contented.
Pero hindi ko pa rin maiwasan ang pag-iisip na paano kung hindi naman talaga mahal ni dad si mom? Paano kung rebound niya lang ito? I know that he can't remember anything pero pwede naman niya maalala sa damdamin niya yon.
Kinuha ko ang grey suit ko at saka ko nilapag sa kama. Kumuha ako ng boxer at pumunta sa bathroom.
Hindi ko aakalain na ganito karaming tao na pupunta rito sa party na ito. But I shrugged it off, and I get some wine.
Pero hindi ko napansin ang babaeng nakasalubong ko kaya natapon ang wine sa suit na suot ko.
"What the fuck..."
"I- I'm sorry mister! I'm really sorry!"
Napapikit ako ng mariin. Ayoko ng ganito. I feel ashamed at this moment. I know that all the people here are watching us.
Napadilat ako kahit nakakahiya ay nginitian ko ito. "No, it's okay. May kasalanan din ako kasi hindi ako nakatingin sa dinadaan ko."
Ngunit nagulat ako sa nakita ko, namangha ako sa kagandahan niya.
"No, hindi! Ako talaga ang may mas kasalanan sayo kasi ako ang nakatingin pero hindi ako umiwas nong makita kita na dadaan, so sorry."
"Lianna." napalingon ito at bigla ito tumakbo at niyakap ang lalaking kaedad lang ni daddy.
"Daddy, kanina pa kita hinahanap! Akala ko iniwan mo na ako rito sa party, eh."
"Of course not! Hindi ko magagawa sa prinsesa ko yun. You know, you're my only princess."
"Asus daddy, pero gusto mo ako mag- boyfriend."
Nanlaki ang mga mata nito at umiling iling. "No princess! Bawal ka mag- boyfriend. Kapag thirty ka na! Pwede ka na mag- boyfriend."
"Daddy bawal yun! Paano na ako magkakaroon ng anak kung thirty pa ako mag-bo- boyfriend. Sayang ang lahi natin kung hindi natin paparamihin."
Tumalikod na ako. Gulat na gulat ako sa nangyari kanina, umuwi na lang ako kaagad.
Umiikot pa rin sa isip ko ang babaeng nakabangga ko. Hindi ito mawala sa isip ko lalo na anak siya ni Black.
Kaya pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko ang private investigator ko para sa impormasyon ng pamilya ni Black.
Hindi naman matagal ng i- send nito sa mail ko ang hinihingi ko.
Nakita ko ang picture ni Melody at Black pati na rin ang dalawa nitong anak. Yung kaninang nabangga ko at isang lalaki.
Miracle Julliana
Napangisi ako sa pangalan ng babaeng yun. "Beautiful."
Ngunit nawala ang ngisi ko at napaseryoso.
Ayokong maging katulad ni dad sa pagmamahal niya kay Melody, ayokong may gamitin pa akong babae para lang makuha ito.
Kaya sa una pa lang, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahulog dito. Hindi ako makakapayag.
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...