Chapter 40

3.8K 52 1
                                    

"Melody! Melody gumising ka!" napadilat ako pero malabo pa ang mga mata ko kaya pimikit pikit ako para ma- adjust ang paningin ko.

Napatingin ako sa tapat ko nakita ko si Kamilla na nakatali. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko may pumipigil sa akin. Kaya pagkatingin ko sa katawan ko ay nakatali rin ako katulad nito.

"A-anong ginagawa ko rito? B-bakit nandito ako?" ngunit ng sumagi sa akin na nakipagkita ako kay Silver bigla umusbong ang galit ko kay Silver. "Silver! Walang hiya ka!"

"O, gising ka na pala. Isang araw ka nakatulog." napalingon ako sa babaeng nagsalita. "Siguro naparami ng lagay si Silver kaya ang tagal mong nakatulog. Silver! Gising na ang pinakamamahal mo!" sigaw nito, sabay sulpot ni Silver.

"Gising ka na pala, babe." sabay lapit nito at haplos sa pisngi ko.

"Bakit mo ito ginawa, Silver? Akala ko ba gusto mo na magbago? Gusto mong makapagsimula ng bagong buhay kasama si Kamilla? Ano ito?"

Kumibit balikat lang ito at sabay tingin doon sa babae. "Sabi niya kunin daw kita kaya eto nandito ka."

Napatawa naman ang babae. "Dahil lang ba sa akin? Don't deny it, Silver, gusto mo rin siyang kunin. I know that you love that girl." sabay tingin kay Kamilla at ngumisi.

Napatingin naman ito sa akin at kay Silver. Kinakabahan ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa amin, sa akin.

"Pwede mo munang kunin si Melody para makapag- solo kayo. Do what ever you want." dumoble ang kabog ng puso ko nung tinanggal ni Silver ang tali.

Hindi na gumagana ng maayos ang utak ko, kaya nung makawala ako ay tinuhod ko ito sa pagkalalaki kaya napahiga ito at napahawak sa tinuhod ko kaya tumakbo ako papuntang pinto pero bigla na lang may humila sa buhok ko.

"Tatakas ka pa! Mas gusto mo pa yatang masaktan, eh." mas hinigpitan niya ang pagkakahila ng buhok ko naa nagpa-aray sa akin. "Ayaw mong makisama, mas maganda pa na saktan ka na lang eh, o kaya ipapatay. Peste ka naman sa buhay ko eh."

"A-ako na bahala sa kanya." naramdaman ko ang paghawak ni Silver sa braso ko, kaya binitawan niya ako ng patulak.

Binuhat ako ni Silver na parang sako. Imbes na pumiglas, tahimik lang akong umiiyak at magdasal.

Nang makapasok kami sa isang kuwarto, saka aniya ako binaba sa may kama. Nang maibaba niya ako saka niya ako dinaganan at kinuha niya ang dalawa kong kamay at tinaas niya sa may ulo ko.

"Please, Silver... don't..."

"I can't stop myself, Melody... you're to beautiful to resist..."

Kinuha niya ang posas at pinosasan ako, saka niya hinubad ang mga damit ko kaya napapikit ako ng mariin at nagdasal.

Please Lord, stop Silver. Bigyan niyo po siya ng liwanag para itigil ang mga kasamaan niya. Nagmamakaawa po ako.

Bigla na lang ako napadilat ng tumigil ito. Umalis ito sa ibabaw ko at kinumutan niya ako. Tinanggal niya ang posas ko at saka ako niyakap.

"I'm sorry, Melody! Hindi ko alam ang ginagawa ko! I'm so sorry..."

Ngunit iyak lang ang sinagot ko. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos ng dinggin niya ang panalangin ko.

---

"Masakit ba, Kamilla?" napatingin ako rito. Sinamaan ko ito ng tingin na kinatawa niya. "Why? I'm just concern to your feelings. Bawal ba na maging concern sayo?" ngising tanong nito

"Bakit ka ba nanggugulo sa buhay namin? Bigla bigla ka na lang sumusulpot sa buhay namin lalo na kay Silver, magaling na siya! Tapos ano? Din- drugs mo, para saan?"

Humalukipkip ito. "For my plan. Kailangan ko ng magagamit para sa plano ko at si Silver yin, nong makilala ko siya sa hospital at ng malaman ko ang pina-plano niya, doon ako nagkaroon ng ideya para sa planong ito, pero hindi ko naman inaasahan na aatras siya, so ayan, kailangan ko pa siyang i- drugs para matupad ang plano ko. "

Ang talim ng tingin ko rito. "Hayop ka! Nang dahil sayo nanging ganito ang buhay ni Silver, okay na siya pero binalik mo pa sa dati. Napakawalang hiya mo!"

Malakas itong napatawa. "I know. Hindi mo na kailangan sabihin, dahil alam ko naman." pumantay ito sa akin at tinignan ako sa mata. "Alam mo ba hindi ka dapat madadamay rito, pero dahil isa kang dakilang pakealemera kaya napasama ka."

Tumayo ito. "Don't worry hindi naman kita sasaktan, physically but emotionally, yes. Sobra sobra sa sakit na naranasan mo dati, na hihilingin mo na lang ay sanan hindi mo na lang ginawang tulungan sila."

---

"Bro delekado na pumunta kang mag-isa doon, baka kung ano ang gawin sayo, isama na natin ang mga pulis para hulihin na si Silver."

Umiling ako. "Huwag muna. Gagawa ako ng paraan para makatakas kami ng maayos ni Melody. Pero kapag tumagal ako saka kayo sumunod at tawagin niyo yung mga pulis." saka ko kinuha nag baril at binulsa.

Pagkababa ko. Dahan dahan ako pumasok sa isang abandonado bahay. Nang makitang walang nagbabantay sa labas pumasok ako. Hinanda ko na ang baril ko.

Pagkapasok ko saka ko nilobot ang bahay at pinagbubuksan ang mga pinto nagbabakasakali na nandoon si Melody.

Nong bubuksan ko na sana ang huling pintuan saka ko naramdaman may tumama sa akin kaya napahawak ako  sa may balikat ko, nang makita ko ang dugo nakaramdam ako ng panghihilo. Humarap ako sa may bumaril sa akin at saka ko sila tinutukan ng baril at pinutok ko ito.

Hindi ko alam kung may napatamaan ako ng mandilim ang paningin ko at natumba sa malamig na sahig.

***

Okay excited na ako! Last chapter and epilogue na. Gusto ko na siya matapos, bwahahaha!

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon