"Dadddddy!!!!!"
Napalingon kami at nagulat ako ng pumunta ito kay Black at niyakap ito ng mahigpit.
Nagulat ito sa ginawa ng bata. Saka ito marahan ni tinulak.
"I'm not your daddy, kid."
Kumunot naman ang noo ng bata at saka ngumuso. "B-but he said you're my daddy... ano ba talaga ang truth?"
"Ayun talaga ang katotohanan, Sage. He is your father." napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko na makita si Silver. Lumingon ito sa akin at seryoso akong tinignan. "Ito ang gusto ko sabihin sayo, Melody. Na may anak si Black."
Tinitigan ko lang ito. Ngunit sa loob loob ko gulat na gulat ako. Hindi ko alam kumg ano ang magiging reaksyon ko rito, ngunit gulat lang ang tangi kong naging reaksyon.
"Silver!"
Dumating si Kamilla na hingal na hingal. Kinuha niya ang bata saka niya ito binuhat, niyakap naman siya ng bata, siya siguro ang nanay nong bata.
"Please, umuwi na tayo." nagmamakaawang sabi ni Kamilla kay Silver. Ngunit hindi ito nagpatinag.
"Gusto ko patunayan sayo Melody na hinding hindi magbabago si Black. Lolokohin ka lang niya ulit, hindi ka niya mamahalin katulad ng pagmamahal ko sayo." matigas na savi ni Silver.
"What the fuck are you saying, Silver?! Mahal ko si Melody at kaya kong higitan ang pagmamahal na binibigay mo kay Melody!"
Ngumisi ito. "Oh? Talaga? Kung talagang kaya mong higitan ang pagmamahal ko kay Melody, bakit hindi mo sinabi ang katotohanan na may anak kayo ni Kamilla?" napatawa ito ng mahina saka ito tumingin sa akin. "Alam ko nagkamali ako Melody. Na may nangyari sa amin ni Kamilla pero hindi ko nilihim yon. Sinabi ko ang katotohanan, Melody. Wala akong tinago sayo, Melody, pero siya pa rin ang pinili mo." hinanakit na sinabi nito sa akin.
Umiwas ako ng tingin at tinignan ko si Black. Gulong gulo ito napatingin sa batang nakatingin sa kanya. Napasubunot ito sa kanyang buhok at pumikit ng mariin. Umiling ito ng umiling.
"Walang nangyari sa amin ni Kamilla." mahinang sabi ni Black na nakapagpatawa kay Silver.
"Tanginang yan, Black! Huwag mong i- deny na hindi mo anak si Sage."
Iritadong napatingin ito kay Silver. "Bakit ikaw ang nagsasabi niyan? Diba dapat si Kamilla ang nagsasabi niyan at hindi ikaw?!"
"I'm worried about Melody. Kaya may karapatan akong sabihin ito dahil niloloko mo ang mahal ko."
Ngunit hindi na pinansin ito ni Black at napatingin ito kay Kamilla. "Sabihin mo ang totoo, Kamilla na walang nangyari sa atin."
Napansin ko ang patingin tingin nito kay Silver, ngunit hindi tinatapunan ni Silver ng tingin si Kamilla. Napatingin ito kay Black at napatango.
Napasinghap ako, nanlalabo ang mgat mata ko sa sobrang sakit. Umiling ako. Lumapit ako kay Kamilla at hinawakan ang kamay nito saka lumuhod.
"Please Kamilla sabihin mo na ang totoo. Nagsisinungaling ka lang. Diba sabi mo sayo lang ako maniniwala. Please, sabihin mo na yung totoo. Hindi ako maniniwala sa sinabi ni Silver. Sinabi mo na hindi ako deserve maloko, please Kamilla, sabihin mo na, sabihin mo yung totoo!"
Naluluhang napatingin ito at umiling iling, binitawan nito ang kamay ko habang buhat buhat niya ang bata." I'm sorry, Melody pero ayun ang t-totoo. I'm really really sorry, Melody."
Napayuko ako at tahimik na lumuha. Pinatayo ako ni Black at pinaupo. "Paano tayo nagkaroon ng anak kung wala naman nangyari sa atin?" takang tanong ni Black. Napaiwas ng tingin rito si Kamilla at napayuko.
"Nong nag- bar tayo dahil naghiwalay kayo ni Melody. Sa sobrang kalasingan mo, m-may nangyati s-sa atin."
"I was drunk that time, Kamilla! At walang nangyari sa atin nong panahon nayun dahil nawalan ako ng malay."
Napatingin si Kamilla rito na naluluha. "Hindi mo ba naalala na we're naked under the blanket."
"Pero wala akong maramdaman nong panahon na yun na sa katawan ko kundi sakit ng ulo." napapikit ito ng mariin. "Kung totoong akin nga ang batang yan, ipa-pa- DNA ko siya."
"What?! Hindi mo pa rin matanggap na nagkamali ka, na may nanguari sa inyo ni Kamilla, bakit kailangan mo pang ipa- DNA?!"
Napatingin si Black dito at napangisi. "Hindi ko kayo paniniwalan, wala akong paniniwalaan sa inyong dalawa, dahil sarili ko lang ang paniniwalaan ko. At paniniwalaan ko ang sarili ko na walang nangyari sa amin at hindi ko iyan anak, Let's go, Melody!" saka niya ako hinila.
Tinanggal ko ang kamay nito sa palapulsuhan ko kaya napatingin ito sa akin. "Kaya ko maglakad ng mag-isa." mahinang sabi ko at naunang naglakad.
Pagdating namin sa sasakyan, tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, walang bumabasag sa katahimikan.
Gulong gulo ako sa nangyari ngayon. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang tatlo. Parang sasabog ang ulo ko.
Sino sa kanilang nagsasabi sa kanila ng totoo?
"Melody, please talk. Ayokong nanahimik ka sa nalaman mo kanina, but please love, believe me. Totoo ang mga sinabi ko. Walang nangyari sa amin, dahil alam kong ang mga galaw ko, at alam ko rin na walang nangyari sa amin. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa iba, kaya nakikiusap ako, maniwala ka sa akin." nagising ako sa pag-iisip. Hindi ko namalayan na hininto pala ni Black ang sasakyan.
Pinaharap niya ako at hinaplos niya ang aking pisngi. Nanlabo ang mata ko at napaluha. "Hindi ko alam kung sino sa inyo ang paniniwalaan ko pero mas nanaig ang sakit dito sa puso ko, Black."
***
I know maikli, dahil sa tamad ako hindi ko talaga kaya yung mahaba. Ang hirap maging author, pero ginusto ko ito (sigh) kaya sige laban, i-push natin tong The Black's Possession na tapusin.
Enjoy reading! Try kong mag-update ng maaga.
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...