Nang dumating ako sa unit ko, nagsimula na akong umiyak. Ilan beses na ba akong umiyak kay Black, hindi ko na alam. Ayoko naman puro iyak na lang palagi dahil sa lungkot, pwede bang sa saya na lang? Bakit ganun?
Lord kung pagsubok lahat ng 'to sana makayanan ko, baka sa susunod maghanap ako ng lubid at magbigti. Sayang ganda ko.
Napatawa ako sa kalokohan ko. Kahit na may pinagdadaanan ako ganon pa ang naisip ko.
Napatakip ako sa aking bibig at sabay pumunta sa kusina para dumuwal. Nilabas ko ang lahat na nasa tiyan ko ngunit puro laway lang ang naisuka ko. Kaya pagkatapos, hinang hina akong napaupo.
Para akong nahihilo. Siguro dahil sa stress, lagi na lang ako nag-iisip, at hindi nagkakain kaya sumama ang pakiramdam ko.
Tinawagan ko ang secretary ko. Ring lang ito ng ring ng sagutin niya ito.
[Yes ma'am?]
"Hindu ako makakapasok mamaya, i-move mo na lang ang meeting."
[P-pero ma'am kailangan na po ngayon ang meeting kasi si Ms. Filson po ay aalis na po kasi ngayon din dito sa Pilipinas, may meeting pa po siya sa Korea, ma'am.]
Napahilot ako sa aking ulo. Sumasakit ang ulo ko. Bumuntong hininga ako. "Sige. Mamaya dadating ako. Magpapahinga lang ako sandali." saka ko binaba ang tawag.
Pagdating ko sa kwarto ko humiga na ako. Hindi na ako nagpalit ng damit, kaya paghiga ko sa kama hinila na ako ng dilim.
Nagising ako ng may marinig na nag- ri- ring ang phone ko. Tamad na tamad akong bumangon, gusto ko pa sanang matulog ngunit hindi tumitigil ang pag- ring ng phone ko.
Tamad kong kinuha ang phone ko saka ko ito sinagot. Nilayo ko ang phone ko ng sumigaw ang secretary ko.
[Ma'am! Nasaan na kayo?! Kanina pa po kita tinatawagan pero ayaw niyo pong sumagot sa tawag ko. Kanina pa nga po naghihintay si Ms. Filson. Badtrip na po, mamaya na po kayo mag-loving loving ni Sir Black ma'am, baka bumagsak ang negosyo niyo, ma'am!]
"Hindi ko kasama si Black, okay?! Hiwalay na kami. Wala ng kami. At sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo napasarap ang tulog ko. Pupunta na ako."
[Hala! Wala na kayo ni Sir Black?!]
Umirap na lang ako at saka binaba ang tawag, may time talagang ang daldal ng secretary ko, buti talaga kilalang kilala ko na siya kundi matagal ko na siyang sinesante.
"I'm sorry, Ms. Filson that I am late."
Tumingin ito ng matalim sa akin. "I've waited for you for almost one hour! And I've waisted my time waiting for you! I want to stop this deal!"
Nanlaki ang mga mata ko at umiling. "No! I mean I am sorry if I've waited you for that long, but I have an explanation why I am late."
Sinabi ko ang dahilan, napailing ito sa sinabi ko at marahas na bumuntong hininga.
"Okay I will give you a chance, but next time, young lady be professional. I know that your health is important but this is a business, we act professionally."
Napatango ito. Kaya nagsimula kami nag- meeting kahit na hiyang hiya ako kanina.
Si Ms. Filson ay isang matandang dalagang ina. She's strict, halata naman. Mahalaga sa kanya ang oras, matagal na siya sa fashion industry, at idol na idol ko siya pagdating sa mga design na ginawa niya. At opportunity ko na ito para makita at ma- handshake ang isang Melissa Filson.
"Thanks, Ms. Filson for the second chance and this."
Pagod akong pumunta sa aking office at umupo sa swivel chair ko. Tinawag ko ang secretary ko, wala pang limang minuto damating ito.
"Yes, ma'am?"
"Please buy me a vanilla cake and ice cream, tapos sopas na rin pati kanin. Gutom na gutom na ako."
Napakunot noo ang secretary ko. "Ma'am bawala po sa inyo ang mga heavy foods, sa linggo pa po ang cheat day niyo."
Napamura ako ng mahina. Nakalimutan ko na mag-da-diet nga pala ako, dahil napapansin ko sa katawan ko na parang tumataba ako kaya kailangan kong magpapayat.
Napapikit ako ng mariin, wala na akong choice. "Sige bilhin mo na yung pinapautos ko sayo."
"P-pero ma'am...."
"Wala ng pero pero. Gutom na gutom na ako Jasmine!"
"Ma'am hindi naman po sa ayaw ko kayong bilhan ng pagkain niyo pero ako po ang mapapagalitan niyo dahil tumataba kayo."
"Sige na Jasmine, promise hindi kita pagagalitan." binigay ko sa kanya ang pera saka ito umalis.
Tinungo ko ang ulo ko sa lamesa ng biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag nakita ko nasi Black ito. Sinagot ko naman ito.
"Hello."
[Pwede ka bang sumama sa akin sa Linggo? Gusto ko lang kitang makasama para do'n sa DNA test na gagawin sa amin ni Sage.]
"Black..."
[Please Melody, kahit ito lang pagbigyan mo ako.]
Napabuntong hininga ako at tumango. "Sige, sasama ako."
***
Maikli ang update at waley pero sana ma- enjoy niyo.
^_^
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...