"Kailangan natin mag-usap."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Seryoso ito, mukha naman hindi siya makikipag-away.
"Para saan?" sumalubong ang kilay niya at inirapan ako.
"Huwag ka na maraming tanong! Kailangan lang natin mag-usap. Hindi kita aawayin, okay?! At saka hindi naman gulo ang pinunta ko rito."
Inirapan ko naman ito. Aba malay ko bang hindi gulo ang pinunta niya rito. Mas maganda na yung makasigurado ka.
"Ikaw muna ang magbantay nito, Cindy."
"Yes po, ma'am!" sumama ako kay Kamilla. Sa café tapat lang ng botique kami pumunta ni Kamilla.
Pag upo namin, nag-order muna siya ng maiinom at makakain namin saka ako hinarap. No'ng dumating na ang order namin bigla siya nagsasalita.
"Gusto ko lang naman sabihin sayo na sorry. Sorry sa mga ginawa ko sayo."
Nagulat ako sa sinabi nito pero hindi ako kumibo. Nakakapanibago na humihingi siya ng sorry. Hindi ko siya makilala. Hindi ganitong Kamilla ang nakilala ko. She's a bitch. She hurts you whenever she wants, kaya nagtataka ako sa kinikilos nito.
May binabalak ba siya?
"Wala akong binabalak na masama, Melody. Alam kong marami akong nagawa mali sayo. But I did those things because of love."
Dahil kay Black? Pero no'ng maalala ko yung sinabi sa akin ni Silver na may nangyari sa kanila, nanlaki ang mata ko. May namamagitan sa kanila?! Kung mahal niya si Silver bakit para sa mga kilos niya dati na mahal siya si Black.
Napahilot ako sa ulo ko. "Who's that guy? It's Silver, right?" tumango ito. Kaya mas lalong sumakit ang ulo ko. "Pero bakit si Black? Ano 'yun?"
She sipped her coffee and looked at me. "I used him to hurt you." sinamaan ko ito ng tingin.
"How dare you." gigil kong sabi sa kanya.
"Yes, how dare me. Kung gagamitin ko si Black para saktan ka, to love you, hindi naman naging mahirap dahil minahal mo siya. Gusto ko patunayan kay Silver na hindi mo siya magagawang mahalin, at gusto kong malipat ang pagmamahal na 'yon sa akin. I know it was selfish, but I will do anything to make him mine, to make his heart mine. "
Bigla na lang siya tumawa ng mahina ay uminom ng kape. "It was stupid to making that plan. But because of that fucking love, nagawa ko siya. I'm so stupid!"
Bigla ako naawa sa kanya. Alam kong nakagawa siya ng mali sa akin at malaki 'yon pero naiintindihan ko siya, kung ako ang nasa kalagayan niya. I know na magagawa ko rin' yon.
"Gumawa ako ng paraan para masaktan ka, sinabi ko sayo na ginawa ni Black ang lahat ng 'yon para saktan ka, dahil sa akin kaya niya' yon ginawa. Nakaganti na rin ako sayo, dahil nasaktan na rin kita katulad ng ginawa mo sa akin, pero mali pala ako, dahil sa ginawa kong hakbang na 'yon, gumawa naman ng hakbang si Silver para mapalapit sayo, kinuha niyang yung pagkakataon na nabasag ka para mahalin mo siya. Hindi ko nga maintindihan, matagal na kami magkakilala alam ko ang side niya mapa- good side at bad side niya, pero bakit hindi niya ako magawang mahalin? Bakit ikaw ang minahal niya kahit na isang kita niya pa lang sa'yo gusto ka na niya, mahal ka na niya."
"Siguro karma ko na rin' yon dahil sa ginawa ko sayo. Alam kong marami akong nagawang mali pero paulit-ulit akong hihingi ng tawad sayo, dahil napag-isip isip ko, you don't deserve to be hurt, you're to kind, Melody kaya siguro minahal ka ni Black at ng lalaking mahal ko. "
Hinawakan ko ang kamay nito at saka ito nginitian. "May magmamahal din sayo, baka hindi pa lang ngayon, 'yung masusuklian' yung pagmamahal na binibigay mo, baka ma-realize rin ni Silver na mahal ka niya, na makikita niya 'yung halaga mo sa buhay niya, hindi pa lang niya na-re- realize na hindi niya ako mahal. "
Ngumiti ito at tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "I doubt that. Hindi niya ako magagawang mahalin dahil ikaw lang ang minahal ni Silver, kaya ako nandito dahil gusto ko makapagsimula ng buhay. I desperately want to move on. Dahil sa kadesperadahan na maka-move on kay Silver na walang ginawa sa akin kundi saktan ako, ginamit ko ang asawa ng kambal ko para makapag- move on. Desperate right? "
"Go on. Burst your feelings." sabi ko rito. Ngumiti ito at napatingin sa salamin kung saan makikita ang mga nagdadaang mga tao
"Dahil sa ginawa ko, nagalit naman sa akin ang kapatid. Tinawag niya akong bitch, nasaktan ako oo, pero hindi ko naman siya masisi dahil totoo naman ang sinabi niya I am a bitch. A desperate bitch."
Kinuha niya ang bag niya. "I'm sorry Melody kung nasabi ko ang mga hinanakit ko but I can't help it to burst out my feelings, galit ako sayo pero mas galit ako sa sarili ko dahil ang tanga tanga ko." saka siya umalis ng walang paalam.
Naawang tinanaw ko na lang siya.
---
Pagkalabas ko sa café bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Gustong gusto ko na umiyak kanina pa pero hindi ko ginawa lalo na kay Melody, ayokong kaawaan nila ako, hindi ko deserve yun lalo na sa ginawa ko sa kanya. No. Hindi ko deserve ang kaawaan na binibigay sa akin ni Melody.
Papunta na ako sa sasakyan ko ng bigla may ring ang cellphone ko.
Baby Rage~
Napangiti ako at pinunasan ko ang luha sa akin mata saka sinagot ang tawag.
"Hello my baby, kamusta kayo ni Rhian?"
"We're okay, mom, we miss you na mom, please go home na. We love you." lumawak naman ang pagkakangiti ko sa narinig ko kay Rage.
"Mommy's loves you two. Uuwi na ako baby, miss ko na rin kayong dalawa."
"Please mommy sama mo na rin si daddy. Miss na rin namin siya!" nawala ang pagkakangiti ko sa sinabi niya.
"Anak you know that daddy is busy, right?"
"Yeah. I'm sorry, mom. Ingat ka po mommy!" saka ko binaba ang tawag at napaluha ulit.
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...