Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad, hindi pa lumalabas ang doctor, kaya hindi namin alam kung okay ba si Melody.
"Calm down, Black. I know that she will be okay." sabi ng daddy ni Melody. Ngumiti naman ako ng maliit. Pinaupo niya ako. "Alam kong nakakaba, hindi mo alam kung okay ba sila o hindi, pero kapag nakita mo na ang magandang binigay sa iyo ng Diyos, mawawala ang kaba sa dibdib mo, mapapalitan ng saya. Ganon ang naramdaman ko ng unang beses na nakita ko sila Melody at Red, sila ang magandang regalo sa akin ng Diyos. "
Bigla ko na imagine ang mukha na magiging baby namin, kasing ganda niya ang mommy niya. Bigla ako na- excite, gustong gusto ko na makita ang munting anghel namin ni Melody.
"Sir, pwede na po kayo pumasok." napatingin ako kay tito at tumango ito. Kaya kandapa-dapa akong pumasok.
Nakita ko na nakapikit si Melody pero ng makita ko ang baby namin, parang may humaplos sa puso ko. Ang sarap sarap nitong titigan.
"P-pwede ko bang hawakan?"
"Opo sir, pwede niyo pong buhatin po si baby." kahit gusto kong buhatin, pero natatakot ako.
Paano kung hindi tama yung pagkakabuhat ko? Baka mapilayan si baby, at baka mabagsak ko siya.
Hinawakan ko ito. "Hi baby. I'm your daddy." bigla itong ngumiti kaya napangiti ako.
Nilabas na si baby pero hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa labi ko, nakatatak ito sa isip ko, ang unang ngiti ng baby ko.
Nailipat na si Melody sa ibang room kaya nandito ako habang hinihintay na magising ito.
"U-uhm..." napalapit ako rito at hinaplos ito sa ulo, napadilat ito at napahawak ito sa may tiyan niya kaya inalalayan ko ito.
"Where's our baby?" magsasalita na sana ako ng biglang pumasok ang isang nurse kasama ang baby namin.
"Mommy, kailangan na po natin pakainin si baby." saka nito binigay kay Melody. Kinuha naman ito ni Melody, buhat buhat niya ang munting anghel namin. Hinaplos haplos nito ang ilong nito.
"You're so beautiful, my angel." umalis na ang nurse, inalabas niya ang kanyang dibdib, nilapit niya ang baby namin at bigla ito uminom.
Napalunok ako at napatingin kay Melody. Nakatingin ito sa baby namin pero ako, iba ang nasa atensyon ko. Kaya iniba ko ang atensyon ko.
"You're really beautiful, my Miracle Jullianna."
Naagaw nito ang atensyon ko at bigla napangiti. "Miracle Jullianna? Beautiful name, just like our baby."
---
"How are you, Kamilla." napaangat ang ulo ko at ngumiti ako. Nakita ko ang pagbabago ni Silver, nawala ang aura nito na nakakatakot. Iba ang aurang pumapalibot dito.
"I'm going to be fine." sabay ngiti nito. Natulala ako, ngunit ngumiti rin. "May ipapakilala ako." sabay alis nito. Nakita ko na may kasama siyang babae. Ang amo ng mukha ng babae, ang ganda ganda. "This is Kate, my friend here."
"Hello." mahinhin nitong sabi. Napangiti rin ako at nakipagkamay.
Matagal kami nagkwentuhang tatlo. Hindi ko alam na lumipas na ang isang oras.
"Ma'am, kailangan na pong pumasok ni sir."
Tumayo ako at tumango rito. Lumapit ako kay Silver at hinalikan ko ito sa ulo. "Magpagaling ka, Silver. Hihintayin kita."
"Gagawin ko yun para makalabas, para makita ko na ang mga anak natin." napangiti ako sa sinabi nito. Umalis na ako at tinawagan ko si Tita Sylvia.
"Kamilla, hija. Kamusta na si Silver? Gusto ko nga na sumama sayo kaso bigla nagkaroon ng matindi meeting."
Ngumiti ako. "Mukhang um- okay na po si Silver, at mukhang malapit na po siyang makalabas."
"Sana nga..."
---
"Kailan tayo aalis rito, Silver?" tanong ni Kate sa akin. Lumingon lingon ako baka marinig kami ng mga nurse na nagbabantay sa amin.
"Malapit na. Humahanap ako ng tiyempo kung kailan tayo makakaalis."
"Gusto ko na umalid dito! Gusto ko na makita ang Black na yon."
Ngumisi ako at nilingon ko ito. "Malapit mo na siyang makita."
Malapit ko na makita anh Black na yun, at gagawa ako ng paraan para makuha si Melody.
---
Eto na yata ang pinaka maikling update ko. Wala ako mailagay.
Enjoy reading
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...