"S-Silver..." ngunit napapitlag ako ng magwala ito sa sinabi ko. Napapikit ako at napahagulgol ng magwala ito.
"What the fuck?! Diba sinabi ko na sayo na bantayan mo sila lalo na si Black! Simpleng utos ko lang sayo pero hindi mo magawa!"
"M-mommy!" napatingin ako kay Sage, napayakap ito sa akin. Ngunit hindi pa rin nawala ang galit ni Silver mas lalo ito nagalit ng makita si Sage.
"Got to your room, Sage." utos nito ngunit umiling lang si Sage at napayakap sa akin ng mahigpit. "Huwag matigas ang ulo, Sage."
"Please daddy don't hurt mommy, sinunod ko naman po ang utos niyo, tinawag ko naman po yung mr. na daddy. Don't hurt mommy and Rachel lalo na po sick po siya, please po daddy." napaiyak ako sa sinabi nito.
"Punyenta!" sabay alis nito sa bahay. Napahagulgol akong yumakap kay Sage. Takot na takot ako, pero nandito sa puso ko ang galit. Galit para sa akin at galit para kay Silver.
"Mommy, takot po ako kay daddy. Akala ko po sasaktan niya po kayo. Ayaw ko po no'n mommy. Good boy naman po ako mommy, sinunod ko naman po yung sinabi ni daddy, eh."
Pinunasan ko ang luha ko at hinarap ito. "A-ano ba sinabi sayo ni daddy para tawagin daddy si Black?"
"S-sinabi niya po sa akin na tawagan ko po yung mr. na daddy para good boy po ako, tapos hindi po kayo sasaktan ni Rachel ni daddy."
Napayukom ako sa narinig ko. Walang hiya ka talaga Silver! Pati ba naman anak natin gagawin mong sunud-sunuran para lang sa kasakiman mo.
"B-baby, pack your things na, pati na rin yung gamit ni Rachel. Pupunta ka muna kela lola."
"P-paano po si daddy? B-baka po magalit po siya..."
Umiling ako at ngumiti. "No... Ako bahala. Papaalam kita kay daddy."
Umiling ito at napayakap sa akin. "Ayaw ko mommy! B-baka po saktan ka po niya! Ayaw po ni Sage na saktan ni daddy si mommy at Rachel. Please mommy, dito na lang ako! P-para hindi ka na po hurt ni daddy!"
"Okay lang ako anak. Hindi ako sasaktan ni daddy. Pinaalam naman kita, kaya hindi kami sasaktan ni daddy."
Nag-aalangan pa ito pero sinunod din ang utos. Tinawagan ko sila mommy para sunduin si Sage. Hindi rin nagtagal na dumating sila mommy at kinuha si Sage.
Hinintay ko si Silver. Alas diyes na nong dumating ito. Napatayo ako at sinampal ko ito.
"How dare you!" sinampal ko ulit ito. "Hindi ko aakalain na pati anak natin ginawang sunud-sunuran, bakit hindi na lang ako? Bakit pati anak natin dinamay mo sa kasakiman mo?"
"Tapos ka na?" napangisi ito. Umiling ako at napatawa ng pagak na kasabay rin ang pagtulo ng luha ko.
"B-bakit hindi na lang ako, Silver? G-ginawa ko naman ang lahat para mapansin mo ako... sinunod ko lahat ng utos mo kahit na ayaw ko. Pero bakit hindi mo ako magawang mahalin? Sa sobrang pagkamahal ko sayo Silver, yung tipong niloloko ko na sila Melody at Black kahit gusto lang naman nila ay maging masaya. Bakit hindi mo kayang pakawalan na lang si Melody? Para makalaya ka na sa sakit. "
Umiling ito at napasabunot ng buhok."H-hindi ko kaya... masyado kong mahal si Melody na tipong hindi ko kayang pakawalan siya..."
Lumapit ako rito at pinaharap ko ito. "Alam kong masakit na pakawalan si Melody, pero makakahinga ka na kapag pinakawalan mo siya, yung wala ng bigat sa dibdib mo, pakawalan mo na siya para makapagsimula ka ulit ng bagong buhay, yung genuine na masaya ka, wala yung puot at sakit sa puso mo."
Napangisi ito at saka ako tinulak. "Bakit hindi mo sabihin sa sarili mo 'yan, Kamilla?"
Napapikit ako ngunit napadilat ako at tumingin sa mga mata nito. "Konting konti na lang, Silver. B-baka umalis na ako sa buhay mo, baka pakawalan din kita. Kasi sa sobrang bigat na dito sa dibdib ko, gustong gusto ko na siya ialis para maging magaan na ang pakiramdam ko."
Napaluha ako at pinunasan ko ang luha ko. "Mahal na mahal kita, Silver. Sobrang mahal kita. Pero kung puro sakit lang ang dulot ng pagmamahal ko sayo mas mabuti pa na pakawalan kita kaysa habang buhay kong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi naman ako kayang mahalin."
Saka ako tumalikod. Pagpasok ko sa kwarto saka ko ito ni- lock at napaupo. Iyak lang ako ng iyak. Sa sobrang bigat na nandito sa puso ko, hindi na ako makahinga sa sobrang sakit.
"Eto lang ang nasa isip ko para magkahiwalay sila Melody at Black."
"Nababaliw ka na ba, Silver?! Hindi ko gagawin ang inuutos mo! Anak mo si Sage, Silver! Makonsensiya ka naman, Silver! Sasaktan mo sila lalo na ang anak natin!"
Nanlinlinsik na napatingin ito at napahawak sa braso ko ng mahigpit. "Kung ayaw mong gawin, sasaktan ko sila Sage. Diba ayaw mong masaktan ang mga anak mo. Gawin mo ang ipapautos ko, hindi ko sila sasaktan."
"N-nababaliw ka na, Silver! Pati ba naman ang mga anak natin idadamay mo sa kasakiman mo kay Melody."
"Do what I say." sabay labas nito. Napaupo ako at napahagulgol.
"Bakit ang hirap hirap mong mahalin, Silver? Bakit?"
***
Okay maikli lang siya. Sana magustuhan niyo ^o^
Enjoy reading =)
BINABASA MO ANG
Chaos of Love
RomanceOld Title: The Black's Possession Si Black ay isang casanova. Maraming babaeng tinutusok at pagkatapos saka nito iiwan na parang basura. Ngunit nagbago ang lahat na makilala niya si Melody. Kaya ginawa niya ang lahat para makuha ito. At itatapon din...