1. Nakamove On

485 7 4
                                    

Mia:

Katulad ng dati ay punong-puno na naman ng mga expat at mga mayayamang tao ang high-end bars na kinaroroonan naming mga Marlboro Girls ngayon.

"Hi boys. Want some cigars?" malambing kong alok sa isang grupo.

"I want your cigars." isang middle-aged man ang nagsalita sa akin. Nakatitig silang lahat sa akin at nag-uusap sa tingin.

Uh-oh. I know these kind.

Matagal ko ng part-time ang Marlboro Girls at hindi lingid sa akin na pokpok ang tingin sa amin.

Masakit pero ganoon talaga kababaw at kakitid ang pananaw ng ibang tao.

Katulad niya.

Paalis na ako sa grupo nila dahil mukhang mababastos lang ako pero muling nagsalita iyong lalaki.

"Give me tens of black."
Nakita kong inihanda niya na ang 1000. That's too big for this cigarrettes. Pero pabor iyon dahil mangangahulugang tip na ang tira doon.

Agad kong kinuha ang gusto niya at iniabot iyon. Halos kilabutan ako sa pandidiri nang tagalan niya ang paghawak sa kamay ko. "Keep the change."

"Thank you po."
Dagli na akong tumalilis doon. Ganyan lang naman ang iba, manyak tumingin pero kapag alam nilang hindi ka papatol ay behave sila.

At ako? Iyon ang lagi kong ginagawa. Ang ipakita kaagad sa simula pa lang na pagbebenta lang ng sigarilyo ang pakay ko at hindi ang pagbebenta ng laman.

Sayang lang kasi hindi niya nakikita.
Mas naniwala pa siya sa sulsol ng nanay niya.

I sighed. Damn this life. Minsan hindi ko maiwasang kwestiyonin.

Bumaling na ako sa dance floor. Todo ang pagpigil kong mapasayaw. I like music. I love to dance. Pinagkasya ko na lang sa headbang ang sarili ko habang naghahanap ng mga maaalok magsigarilyo.

"Hi Mia." isang pamilyar na tinig at mukha ang nalingunan ko.

"Bernard! Same old cigar?" tanong ko.

"You really knew. Yeah."
nakangiti niyang sambit.

Binigyan ko siya ng isang kahang gold.

Sa tagal ko ng part-time ang Marlboro Girls, marami na akong nakilala. May mga DOM na mag-ooffer ng kung anu-ano, bahay..kotse..pera..gadgets..negosyo..at marami pang iba.

Pero ni minsan hindi ako nag-give in. Dahil tapat ako kay Eric at ang pagmamahal niya ay sapat na sa akin. FUCKING LOYALTY!

Akala ko kasi mahal niya talaga ako.

May mga matitino ring tinangkang paibigin ako, pero dinedma ko lang. Isa roon si Bernard.

Siya ang unang naging suki ko sa sigarilyo.
Pero hanggang doon lang. I can be a friend. Not a playmate.

"Your eyes seems sad. War with that Eric again?"

Napangiti ako. Lagi niyang sinasabi na ang mata ko ang pinakamagandang parte ng mukha ko. Because it glows. and it used to glow..because I was in love that time.

"We're over." maiksi kong sabi. Saka ko lang napagtanto na dapat pala ay hindi.

"Yes! Finally. I can court you. You never knew how much I waited for this." tuwang-tuwa niyang reaksyon. Ibinigay niya na ang isang libo bilang kabayaran sa sigarilyo.

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Yeah. Gwapo talaga siya.

Arabic ang dating. Ang alam ko fuel ang business nila. Kaya imposible di ba?

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon