8. Pa-sweet

198 4 7
                                    

Mia:

Hindi ko alam kung paanong sa simpleng paglalapat ng mga labi namin ay nabubuhay ang maraming emosyon na hindi ko mapangalanan.

Ipinagbukas niya ako ng sasakyan at pinilit akong makapasok.

"Kid.." natigilan ako ng padabog siyang pumasok at umupo sa driver's seat.

Daig niya pa ang may regla sa sumpong niya ngayon ha?!

Napatingin ako sa labas ng restaurant na iyon kung saan niya ako hinalikan. May ilang mukhang bigating tao ang nakatingin sa pinanggalingan namin.

"May nakakita yata sa ginawa mo..I mean..n-natin. May mga nakatingin uhm..parang kilala ka nila." alanganin kong sabi habang nakatingin sa labas.

"Wag mo silang pansinin." isang linyang sabi lang niya.

"Pero baka machismis ka. Sa society na kinabibilangan mo, mas mabilis kumalat ang chismis. Bakit ka ba kasi bigla-bigla nanghahalik at sa publiko pa? Tsaka bakit ka nga pala nandoon sa resto? Baka may ka-meet kang importanteng tao, okay lang naman ako Kid."

"Hahalikan ko kung sino ang gusto kong halikan at wala silang pakialam, Mia. Wala rin akong pakialam sa sasabihin nila. And no, it's really you who I came for."
inis na naman niyang sabi.

Napipilan ako.

O e di ano ka Mia? Normal lang sa kanya yung ganyan..ang halikan ang sinumang kasama niya. Marami kayo ok?!

Pero teka, ako talaga ang ipinunta niya? Bakit?

Pinagsawalang-bahala ko na lang ang huli kong naisip. Walang big deal dun, okay?!

"Pero Kid, hindi ako mukhang disenteng babae. Damage ako sa pangalan mo. Nakauniform pa nga ako nito." napayuko ako sa janitress uniform ko sa Del Fierro.

"Okay lang sana kung iba yung kasama mo, pero hindi eh. Janitress ang kasama mo, Kid. Kahit joke lang 'to para sa'yo, pwedeng gawan ng kwento ng iba na makakasira sa'yo."

"Can you just stop it, Mia?" may warning sa tono niya kaya nanahimik na lang ako.

Gusto ko sanang magtanong kung anong problema niya at para bang ang dami niyang dalang problema kung makapagsungit siya pero pinili ko na lang itikom ang bibig ko.

May super "s" as in sapi siya kaya baka wala ring saysay ang anumang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Medyo gutom pa nga ako dahil hindi ko naman halos nagalaw ang pagkain ko gawa ng pagsulpot ni Kid.

SHIT! Yung halo-halo! Ni hindi ko man lang natake-out.

Aish! Oo na. Ako na talaga ang patay-gutom sa halo-halo.

Nagflex ang mga bulate ko sa tyan pagkaisip ko sa halo-halo kaya naman kagat-labi kong nahawakan ang tiyan ko.

Ilang saglit na katahimikan pa ang lumipas bago ako natauhan.

Takte! Papunta kami sa condo niya?
Hindi ko sigurado pero parang ito yung building na iyon, iyong tinakasan ko siya noong may mangyari sa amin.

Napalunok ako. Tiningnan ko si Kid.
Parang natriple ang pagkaseryoso niya.
"Uhm..Kid, antayin na lang kita dito kung may kukunin ka sa loob."

Tiningnan niya lang ako bago siya bumaba.

"We'll eat dinner." nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto sa side ko at magsabi siya ng ganoon.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon