15. Hinala

174 1 0
                                    


Mia:

Inayos namin ang ibang gamit ni Sunny.

Nandito na siya ulit sa kwarto namin at mahaba-haba na ang naiidlip niya.

Habang kami ni Kid ay parehong lutang sa nangyayari sa dalawa.

"Lilipat ba ako dito?" Naalimpungatan si Sunny sa kalagitnaan ng pag-aayos namin.

Nakapamaywang ko siyang hinarap.

"Sa condo ni Kid ka muna titira.
Si Kid naman dito sa apartment.
Paniguradong di magdududa si Rage na nandoon ka."

Nanlaki ang nga mata niya sa akin. Nawirduhan siya sa ideya, alam ko. Dahil ganoon din iyon kawirdo para sa akin pero wala akong magagawa. Ito lang ang pinakamagandang paraan sa ngayon.

Awkward ito para sa amin.

Lalo na para sa akin.

Pero kaya kong isantabi ang emosyon ko para sa tangi kong kaibigan.

Tumanggi si Sunny sa gusto namin pero ipinilit ko ito.

Sa huli ay napagtanto niya na ito lang talaga ang pwede niyang gawin.

Maliit ang Manila para sa kanya ngayong paniguradong hinahanap siya ni Rage.

Buhat-buhat na ni Kid ang maleta ni Sunny. Ngumiti siya kay Sunny at inakbayan ako.

Nag-init ang pisngi ko.
"Uhm..sorry sa paglilihim nito sa'yo Sunny. Nahihiya kasi akong malaman mo ang tungkol sa amin."

Bumaba ang kamay ni Kid sa baywang ko at halos manigas ako sa epekto niya sa akin.

Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Sunny sa akin. Katulad ng ginagawa ko sa kanya kapag inaasar ko sila ni Rage.

"Ayos lang Mia. Masaya ako at masaya kayong dalawa."

Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang set up namin ni Kid pero alam kong hindi ito ang tamang oras para dito.

Tinanong siya ni Kid tungkol sa paglipat ng school dahil panigurado ring pupunta doon si Rage para hanapin si Sunny.

Nag-offer pa si Kid ng scholarship pero tumanggi si Sunny.

Nag-offer rin si Kid noon sa akin ng scholarship pero tigas ang pagtanggi ko doon.

Nabanggit ko rin sa kanya ang offer ni Nanay Cate sa akin, hindi niya rin gusto ang ideya. Sa kanya na lang raw ako humingi ng tulong at lahat kaya niyang gawin para sa akin. Pero ayoko talaga ng kahit na anong tulong mula sa kanya. Well..liban lang sa pagtulong  niya kay Sunny. Kaya kong isantabi ang lahat ng pride ko para sa kaibigan ko.

Sinuhestiyon ko kay Sunny na umabsent na lang siya sa lunes at mag-usap sila nang maayos ni Rage.

Nanghihina siyang tumango.

"Punta na tayo ngayon sa condo ni Kid, kaya pa?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya ulit.

"Sunny ok ka lang? Namumutla ka. Teka..kumain ka ba ng hapunan?" Pansin ko kasi ang pagkaputla niya.

"Hindi. Pero hindi naman ako nagugutom." Nga naman. Kahit ako ang nasa sitwasyon niya, malamang di rin ako magugutom.

"Hindi ka nagugutom kasi nalipasan ka na. Dalhin ko lang 'tong mga gamit sa sasakyan ko tapos diretso na lang tayo sa drive thru bago sa condo ko."
Singit ni Kid.

Huminto kami sa Mcdo dahil pag sa resto ay matagal pa at halatang inaantok pa si Sunny.

Umorder ako ng marami dahil sa pagpapanic ko sa sitwasyon ni Sunny.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon