18. That guy!

195 3 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Suuuupppperrrrr sorry po sa lahat nang kasama ng utak kong inagiw kakaantay ng new chapter for this story.

Dedicated to IamMiah06 alam kong ang tagal mong abangers dito. Sorry na. Inamag utak ko eh. 😘😘😘

Struggle is real. Actually experiment ko lang ang kwentong ito. At masasabi ko talagang nakakatumbling pala ng utak mag-fan fiction. Whaaaa...kasiiiii naman eh...

Pero at last ayan na! Nagkasapot na si krungkrung mind ko at nakabuo na ng eksena.

May ilang convo.at eksena akong ipinasok for this chap. Isa kasi ang pagseselos ni Kid kay Jason ang pinakapaborito kong eksena nila. 😂😂😂 But I'm proud to my original scenes..especially at the park. 😎😎😎

😘😘😘😘
Thanks a lot my dearest readers. Sa patuloy na pagkapit sa istoryang weather weather lang ang update.

Lovelots,

Rusz-Avhin

--------------







Mia:

"Ano iyon, Mia?" Marahas na idiniin ni Kid ang isang kamay sa elevator. Lumikha iyon ng kalabog.

"Kid, wala lang iyon." Hindi ako makapaniwala sa reaksyon niya. Imposible! Imposibleng lahat ng ito ay dahil lang sa selos. Parang may iba pang dahilan. Iyon nga lang sa ngayon wala akong ibang maisip na dahilan.

"Wala lang huh? Mia, hindi mo kilala si Bernard."

"Kid bago ka pa dumating kaibigan ko na siya. Nauna ko pa nga siyang makilala kay Sunny. Kaibigan ko siya pero madalang pa sa patak ng ulan kung magkausap at magkasama kami."

His stares became more serious.
"That's not the point. Hindi mo sinabi sa akin na papasok ka sa MG kagabi."

"Dahil alam kong hindi ka papayag! Kid, mayaman ka kaya hindi mo maiintindihan kung gaano kahalaga sa mga ordinaryong tao ang extra income na katulad ng MG."

Umiling-iling siya at nakumpirma ko sa nag-iigtingang ugat niya sa leeg at braso ang galit niya.

"Tss. So stubborn. Then you went out with him? Sa park? Dis oras, Mia? Ano pa ang hindi ko alam ha?"

Nasasaktan ako sa takbo ng mga salita niya. Na para bang nagtaksil ako sa kanya.

"Ako ni ayaw mong isama sa park na iyon pero siya isinama mo ng ganoon lang?"

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinaka-issue sa pinag-aawayan namin dito sa elevator.

"He lost his parents. Kid alam ko kung gaano kahirap mamatayan ng magulang. Dinamayan ko siya kaya kami nagpunta doon. Hindi kita isinasama dahil alam kong hindi mo magugustuhan. Kung ganyan din pala kababaw ang tingin mo sa akin katulad ng pananaw ng iba, sa tingin ko dapat hanggang dito na lang tayo."
Gustong sumabog ng dibdib ko sa sama ng loob.

Inis niyang hinampas ang elevator at iniwan ako sa loob ng bumukas iyon sa tamang palapag.

Umiyak ako sa cr habang naglilinis. Dapat sanay na ako. Mula pa kila Aling Nenita na nanay ni Eric ganoon na ang tingin sa akin. Dapat hindi na ako naaapektuhan. Alam ko naman iyong totoo sa sarili ko. Wala akong sinasagasaang tao.

Hindi ako manggagamit.

Pero nakakatawa, kabaliktaran ang tingin ng iba.

Bernard:

I've been calling you countless times.
We need to talk.

Mapait akong umiling pagkabasa ko ng message ni Bernard.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon