16. Palalim ng Palalim

167 2 0
                                    

Author's Note:

Yehey! Sa wakas..nakasingit na ang own concept ko sa chapter na ito.

Whoah! Big accomplishment for me. :D

Dedicated to IamMiah06 . Thank you for waiting for my updates here. :)

Lovelots,

Rusz-Avhin

---------------------

Mia:

Nang tuluyan kaming makapasok sa dorm ay saka lang ulit nag-sink in sa akin ang lahat.

Ang pagkakita sa amin ni Sunny..

At shit..ang pagkakita sa amin ni Rage na magkasama dito sa kwarto at ang pagkumpirma ni Kid doon.

Hindi iyon dapat nangyari. Shit. Tapos kailangan ko pang harapin si Rage dahil bukod sa boss ko siya, kailangan ko pang magpanggap at hanapin si Sunny sa kanya. Anong mukha kaya ang maihaharap ko?!

Ano kayang iniisip niya? Na naiinggit ako kay Sunny at inakit ko  si Kid para makaranas ng mga materyal na bagay? Alam kong sa unang tingin ay mukha akong materyosa.

Sa kapal kong mag-make up lagi..
Iyon ang agad nilang naiisip sa akin. Na madali akong makuha. Na malandi ako. Na mukhang pera ako.

"Kid..a-alam na ni Rage iyong tungkol sa atin."

Hindi ko maiwasang isatinig ang mga gumugulo sa isip ko.

Napatigil siya sa pag-ayos ng maleta niya sa munti naming kwarto at kunot-noo akong tiningnan.

"Matagal nang alam ni Rage." He mumbled.

"Ha?!" Gulat kong tanong.

Nakangiti siyang umiling sa reaksyon ko. "Can't you see, ni hindi siya nagulat ng maabutan tayo dito na magkasama."

"A-Alam niya?"

Pinakawalan niya na ang munting halakhak. "Jesus. You are making me...so hot."

Inirapan ko siya at bahagyang itinulak nang hapitin niya ako sa baywang at idiniin niya ang sarili niya sa akin.

Damang-dama ko ang parteng iyon sa kanya na nagkaroon na ng sariling buhay.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Paanong alam niya Kid..." Tanong ko ulit at pilit lumalayo sa yakap niya.

Gusto ko ng sagot at hindi niya iyon ibibigay sa akin kapag natalo ako nang pang-aakit niya.

Alam ni Rage ang set-up namin? Na fling lang ako? Kung ganoon..sabay ba silang tumatawa..o natutuwa kasi napapaikot nila kami ni Sunny?

Pero di ba gusto niya si Sunny..
Kaya dapat hindi siya natutuwa na niloloko ni Rage si Sunny.

Base sa reaksyon niya kanina..mukha naman siyang naiinis sa ginawa ni Rage kay Sunny.

Ugh. This is killing me. Napa-paranoid ako.

"Rage is brilliant and  wise as he is, Mia. Alam niyang kakaiba na ang concern ko sa'yo. Alam niyang ikaw na lang ang nakikita ko. Alam niyang nababaliw na ako."

Napasinghap ako sa sinabi niya.

"I tried to hide it as much as you wanted, Mi. But my action speaks what's really inside me. Hindi ko kayang hindi ka sundan sa mga bar na  pinupuntahan ninyo. Hindi ko kayang hindi ka hanapin. Gusto kitang laging nakikita."

"Lahat ng tumatagal ang titig sa'yo sa bar binabantayan ko. Noong napaaway ako dahil doon..alam na nila Mia. That wasn't the normal me that's why they knew the obvious. At gusto ko iyon. I want them to know that I own you."

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon