6. I Want More

262 4 4
                                    

Mia:

"Good morning, Mi." swabeng bulong niya sa likod ng tainga ko na ikinatayo yata ng lahat ng balahibo ko.

Pucha'ng Kid!

Hindi ko ipinahalata ang epekto ng ginawa niya sa akin.

Taas-kilay ko siyang nilingon.
"Anong ginagawa mo rito? Wala si Sunny. Na kila Rage."

"Tss. You know why I'm actually here, Mi."
titig na titig siya sa akin nang sabihin niya iyon.

Kitang-kita ko kung paanong tumaas ang sulok ng labi niya bago niya tila pinanggigilang kagatin iyon habang nakatingin pa rin sa akin.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?"

Saka ko lang naalala, kagigising ko lang pala. Hindi ko ugaling magsuklay kapag hindi pa ako naliligo kaya malamang ay parang pugad ng ibon ang buhok ko ngayon.

Ni hindi rin ako nakapagcheck ng mga bituin sa aking mga mata.

Agad akong napatakbo sa lababo at naghilamos at nagmumog.

"Tyang naman kasi bakit nyo po pinapasok yan dito?" tanong ko kay Tyang.

"Aba eh..kawawa naman. Tsaka..wag ka na ngang choosy aba'y kaswerte mo na dyan. Iyan ang nababagay sa iyo. Kayang-kaya kang protektahan."

Naitirik ko ang mga mata ko.

Tsk. Baka kayang-kaya kamo akong saktan.

Pagbaling ko kay Kid ay walang kibo pa rin siya at pinagmamasdan lang ako.

Oy, hindi ako asyumera.

Talagang sa akin nakatutok ang buong atensyon niya.

"Huy...bakit ka ba nandito? Tsaka paano mo nalaman dito? Malayo pa rito yung kantong pinagbabaan ko noong naghatid ka ah."
tawag-pansin ko sa kanya.

Hinapit niya ako palapit sa kanya na ikinagulat ko.

"Because I missed you." anas niya at naramdaman ko pa ang paggawad niya ng halik sa tuktok ng buhok ko.

"Anong episode na naman 'to ng trip mo? Baliw ka." inis ko siyang hinampas sa braso.
Iyon lang ang kaya kong gawin, ang pagtakpan kung paano akong halos mapatalon sa simpleng pagdikit niya sa akin.

Nanuot sa akin ang mabango niyang amoy.

Nakakahiya. Siya umaalingasaw sa freshness samantalang ako ay wala pang ligo.

Pero teka-ang aga naman niya.

Atsaka bakit nga ba siya nandito?

"Let's eat, Mi. Don't look at me like I'm creeping you out or something. I just want to see you before I come home. It's our family day. Mom always required us that eversince."

Buti alam niya.
Talagang he's creeping me out!

Imagine, ni wala ngang label ang kung anumang meron kami tapos inaakit niya ako ng ganito?

Oy tange..aminin mo na kasing naaakit ka talaga sa kanya kahit wala siyang ginagawa..

Bwisit na konsensya.

Oo na, ewan ko kung anong meron kay Kid.

This is not me. Hindi ako madaling ma-fall.

Kay Eric nga..gumugol muna ng matagal na panahon bago ako nahulog.

Pero bakit kay Kid?

Oo..tang'na..damang-dama ko.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon