19. Nagseselos sino kay kanino? 🤣

203 4 5
                                    

Author's Note:

Sorry sa matagal na pagloading ng utak ko for this story.

At salamat na sa kabila nun ay nandito pa rin kayo dear readers. Lalo na kay MichelleBihag na nagcomment na sa previous chapter para sa update.

I really admire your patience in waiting and your love for their story.
I am really touched.

Super thank you sa inyong lahat.

(P.S Iyong pangigigil ni Kid kay Jason ay nasa original story ni Idol Jonaxx, I used some of the original conversations there..paborito ko kasi yung pagseselos ni Kid dun hahaha..)

---------------------------------------

Mia:

"Bakit? Anong meron sa tingin ko sa lalaking iyon?" Humalukipkip ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit naging issue pa iyon eh halos patayin ko na nga sa tingin iyong kaibigan ni Sunny.

Marahas siyang huminga. "You're staring at him the whole time, Mia!"

"Dahil naiirita ako sa presensiya niya. Sa tingin mo ba kaibigan lang ang tingin niya kay Sunny?"

"See? Bakit pati pagkakagusto nu'n kay Sunny pinoproblema mo pa?!'
Giit niya na para bang may feelings ako para sa Jayson na yun.

"I don't see any problem with that. It's normal to like Sunny. She's a pretty girl and any guy can like her." Dugtong niya. Ang galing niya pumatay ng argumento. Sa sobrang galing pati yata confidence ko napatay niya.

Oo na. Kaya nga nagustuhan mo rin eh. O baka nga gusto mo pa rin hanggang ngayon..

Akala ko nagseselos na siya. Pero mukhang malayo na sa selos ang ipinupunto niya. Iniisip niya lang talaga na kababawan lang na pinoproblema ko ang Jason na iyon para kay Sunny.

Sa halip, ako pa yata ang tinamaan ng selos. Pinaalala lang ng huli niyang sinabi na second choice lang ako.

Tinirik ko na lang ang mga mata ko. Bakit ba magkaiba kami ng takbo ng isip.

"Problema ko talaga dahil tayo na lang ang sinasandalan ni Sunny. At hindi ko na alam kung paano pa makakaya ni Sunny kung dadagdag pa sa eksena si Jayson." Nakabusangot lang siyang umiling-iling sa akin.

Nang sumunod na linggo ay nanatili kami sa condo ni Kid para may makasama si Sunny. Hindi na namim ulit pinag-usapan ang nangyaring away nila ni Bernard. Ilang ulit akong tinangkang kausapin ni Bernard pero literal ko siyang tinanggihan at iniwasan. Natatakot ako sa mga gusto niyang sabihin dahil sa nalaman niyang ugnayan namin ni Kid. Pakiramdam ko kasi ay may dapat akong malaman at tila may alam si Bernard tungkol sa kung anuman pero sa ngayon hindi pa ako handang marinig ang lahat.

Hinanap sa akin ni Sunny si Kid nang maabutan akong nagma-mop sa sala.

"May gathering sila ng pamilya niya tuwing linggo." Pinilit kong wag samahan ng pait ang sagot ko.

"Hindi ka sumama.?" Sunny asked.

Umiling na lang ako at maiksing sumagot. "Hindi niya ako isinasama."

Nakita ko ang simpatya sa mukha niya at parang gusto kong maiyak.

Pero marami ng problema si Sunny, ayoko nang dagdagan pa.

Nagpaalam siyang magpapahinga kaya tumango ako.

Nang mawala siya sa paningin ko ay unti-unting namuo ang luha ko.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kahit alam ko namang wala kaming patutunguhan ay heto ako. Nandito pa rin ako.

Ang kaibigan ko namang si Sunny ay patong-patong pa rin ang problema. Natuklasan niya na may share ang namayapa niyang ina sa Del Fierro. At bilang beneficiary, kinailangan niyang tumapak ulit sa teritoryo ni Rage kahit pa galit na galit ito sa kanya, to the point na pinapahirapan niya na si Sunny sa opisina. At dumadagdag pa sa eksena ang kaibigan niyang si Jason. Isa ring tanga. Nakakairita. Kaya naman nang mapagbuksan ko ng pinto si Sunny at makitang kasama niya na naman ang Jason na iyon ay uminit agad ang ulo ko.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon