Mia:
"Kamusta ka na?" Agad ay tanong ni Eric nang maubos ko ang laman ng shot glass.
"Ayos naman. Ikaw? Nasaan nga pala si Shanella?" Simple kong tanong. Baka kasi kung ano ang isipin ni Shanella kapag nakita ako sa table ni Eric..kung magkasama sila ngayon.
Isang buntung hininga ang pinakawalan niya bago sumagot.
"Nasa bahay. Sa kabilang bayan. Sa amin 'tong bar kaya ako nandito madalas."Tumango ako. Kilala ko si Eric. Ramdam kong may bumabagabag sa kanya at alam kong kusa niya iyong sasabihin kapag kaya niya na.
He took his shot. "Actually, hindi kami okay ni Shanella."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Bakit?"
"Iyong sakit ko, Mia. Paminsan sumusumpong. N-Nalaman niya at......at hindi niya matanggap."
My jaw dropped. I look at him with sympathy. "I'm sorry to hear that. Baka..kailangan niya lang ng sapat na oras para tanggapin kung ano ka talaga."
He shrugged his shoulders."Hindi ko alam, Mia. Diring-diri siya sa akin." Namula ang gilid ng mga mata niya tanda ng pinipigilang luha.
Uminom sya ulit sa shot glass matapos nyang magsalin. "Ang hirap, Mia. Hindi ko naman gustong maging ganito, sadyang may mga pagkakataon lang na..nananaig ang pagkasilahis ko. Hindi ko naman dapat ipapaalam sa kanya, kasi alam komg hindi niya maiintindihan, Mia..pero nahuli niya ako eh."
Hinawakan ko ang kamay niya at inalo siya sa balikat nang tumulo na ang luha niya. Alam ko, alam ko kung gaano kahirap ito para sa kanya.
"Ssshhh...Eric, hindi mo kasalanan iyan. Ganyan ka na talaga eh. Mahirap tanggapin iyon, pero kung talagang mahal ka niya, dapat maintindihan niya."
"Salamat, Mia. Malaking bagay na mayroon akong napagsabihan nito. Alam mo na..wala namang nakakaalam nitong sitwasyon ko, ikaw lang talaga iyong tanggap ako sa kung ano ako mula pa noon. Siguro, Mia..karma ko'to."
"Ssshhh. Ano ka ba? Hindi lang talaga tayo ang nakatadhana kaya nangyari ang lahat. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ipaintindi mo ng mabuti kay Shanella ang lahat. Maaayos niyo iyan." Niyakap ko siya at magpapaalam na sana ako para bumalik sa table nila Sunny pero isang sampal ang naramdaman ko.
Si Shanella ang nakita kong may gawa. Gakit na galit niya akong dinuro duro
"How dare you?! Napakacheap mo talaga! Tama nga si Tita. Ano? Gusto mo pa rin si Eric?! Sinasamantala mo ngayong may problema kami?! May I remind you na kasal kami, Mia. Unless handa ka talagang maging kabit?! Ha! Maybe yes, right? Bakit pa nga ba ako magtataka. That's really how cheap you are!!!"Akmang sasabunutan niya pa ako pero pinigilan siya nang nakabawi na sa pagkagulat na si Eric. "Shanella, please. Matagal ko ng kaibigan si Mia..sinabi ko lang sa kanya ang bigat na pinagdadaanan ko dahil sa problema natin. Please, wag mong bigyan ng kulay."
"I'm sorry, Mia." baling ni Eric sa akin.
"She was hugging you! Kitang-kita ko Eric!"
Nagsimula nang dumami ang nanonood at nakikiusyoso. Sila Sunny ay sumesenyas kung kailangan ko sila. Sunny knows me very well. Alam niyang hindi ako magpapaapi.
Namataan ko sa di kalayuan ang Mama ni Kid at si Laine. Shit. Of all days. Ngayon ko
pa talaga sila makikita ulit.
"Kuya Kid should know this. Sobrang cheap mo talaga. You are using Kuya Bernard habang pinapaniwala mo si Kuya Kid na mahal mo pa siya, pero heto naman at bumalik ka nga ng Pinas pero naglalandi ka sa iba."
BINABASA MO ANG
Perfect Distraction
FanfictionThis is a story of Mia Concepcion and Kid Fuentebella. Two different people. Two different state of heart. Two different state of mind. Two different distraction. Paano mabubuo ang romance sa pagitan nila?