Frances POV
Naging maayos naman ang date namin kagabi ni jake , walang masyadong usapan , sandali lang kami at iniuwi nya ako agad
Mabait naman si jake , gentleman , sweet at caring din sya ... ewan? Pero I feel something na , Crush ko sya ... pero swear hanggang crush lang yon!
Dati , kinaiinisan ko sya dahil barkada sya ni francis pero ngayon? Parang nagbago? Ewan ko ba! Pero simula nung nakilala ko na talaga sya parang may kakaiba sakanya
"Hi! Miss pwede makiupo?" Napatigil ako sa pagiisip ng may babaeng nakatayo sa harap ko at may hawak na hawak tray ... nandito kase ako ngayon sa canteen at nagmumunimuni
"Uummm , oo naman po" sabi ko at ngumiti sa babae
"Ako nga pala si Karyl" sabi nya at ngumiti saakin
"Ako si Frances , nice meeting you" sabi ko
"Transfer ka ba dito?" Tanong ko sakanya ... tumingin sya saakin
"Hindi , sa room B lang ako eh .. hindi ako fast learner" sabi nya at tumawa
Napangiti lang ako , ayoko sya tawanan baka kung ano pa isipin nya haha!
Medyo mahaba ang naging kwentuhan namin ni karyl bago mag bell at tuluyan na kaming pumasok sa kanikanila naming room
Pagpasok ko sa room namin ay napansin ko sila francis na nagtatawanan ... wala si jake dun absent siguro
Umupo na ako sa upuan ko , kukuha sana ako ng libro sa bag ko para madistract yung isip ko ng mapatayo ako at mapasigaw
"AHHHHGGGGG!!!" Sigaw ko at inihagis ang bag ko
"Frances bakit?!" Tanong ni mae saakin seatmate ko
"May ipis!!!" Sigaw ko
Kukunin ko na sana ang nag ko ng lumabas ang ipis at tumakbo sa buong room kaya nagtilian ang iba ko pang kaklase
Napansin ko si francis at ang barkada nya na tawa ng tawa at nakatingin saakin pumapalakpak pa sila sa sobrang saya
Siguro kagagawan nanaman ito ni francis! Biglang kumulo ang dugo ko at lumapit sakanya , pinanlisikan ko sya ng mata at agad na humarap sakanya
"Kagagawan mo ba ang ipis sa bag ko?!" Sigaw ko sakanya
"Huh? Yung ipis ba? Gumanti lang ako sa itlog na banato mo sa kotse ko! Dapat nga madaming ipis ang ilalagay ko eh! Hahahhaah!" Sabi ni francis at patuloy lang sa pagtawa
"WALANGYA KAAA!!" Sigaw ko at pinagsusuntok si francis
Tumayo si francis at umabante ng umabante at pinipigilan ako sa pag hampas ko sakanya
Dapat lang sakanya yun!!!
"BADTRIP KA FRANCIS!!! BWISIT KAAA!" Sigaw ko
"Tama na! Tama na!" Sigaw ni francis at pilit na umiilag sa mga hampas ko
"ANG SAMA NG UGALI MO!!!" Sigaw ko
Hinawakan ni francis yung mga kamay ko kaya natigilan ako
"Gumaganti lang ako Miss! , now its a tie na tayo!" Sabi ni francis at binitawan na ako
Aaahhhggg!! Badtrip! Nakakainis talaga yung francis na yan!
Kinuha ko na yung bag ko at naupo na sa upuan ko ... napansin ko naman ang pagpasok ng magandang babae
I think she's Princess Khate , the new transfer
Nakita ko naman ang paglapit ni francis kay khate ... are they On?
Bakit parang super close nila? Nakita ko pa silang nagtawanan at ang buong klase ay nagtinginan sakanila nag 'Yiiieee' naman ang iba naming kaklase pero ako ay nanatiling nakatahimik
Skwelahan to hindi motel mga bess!
Bakit ba affected ako? Like duhhh!!! Tsk! Dapat kong isipin at paghandaan ang pag welcome home ko kay ate!!! Malapit na sya umuwi , I really miss her!
************************
A/n:need votes!!! Thank you for reading ... lovelots and godbless! Sana suportahan nyo ito hanggang huli ^__^
BINABASA MO ANG
My Bully Love
Teen Fiction[Garcia Series 2] ~Genre:Romance Teen Fiction ... NEW GENERATION .... THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!