Chapter 23:Sorry

4K 138 46
                                    

Dedicated to Karen Miano Duterte , @Maryphilhuang and @Emjeyeyenih


Frances P.O.V

"Grabe ka bes!" Namamanghang sabi ni Miya

"Hindi talaga ako makapaniwalang ikaw yung princess" Sabi ni joy

"So? Kilala nyo din pala yung princess? Pano nyo naman nalaman yung princess?" Tanong ko

"Sobrang interesado kase dati ni Francis sa pangalang Princess, since elem kase dito na kami nag aaral at naging kaklase nadin namin yung mokong na yan saka mga kaibigan nya" sabi ni Joy


"At! Palagi nyang hinahanap yung Princess, lahat kaya ng may pangalang princess sa school na to hinuhunting nya" sabi ni Joy


"Tignan mo si Princess Khate? Alam mo ba? Akala nya sya, ikaw! Princess din kase" dagdag pa ni Joy


"Oo nga" pag sang ayon ko



Nakaka touch naman si Francis, talagang hinanap nya ako... Hinanap ko rin naman sya eh kaya lang madalas akong busy at hindi ko namalayan na nandyan na pala sya sa tabi tabi ko


Naalala ko tuloy ....

Flashback

Nandito ako sa luma naming bahay. Sa puno namin ng mahal ko, dahan dahan kong hinawakan ang puno


"TEKA! HOY!" Sigaw ng kung sino, lumingon naman ako pero nagulat ako dahil biglang umulan



Agad agad akong tumakbo papalayo narinig ko pa syang muling sumigaw



"Shet! Si Francis yon!" Bulong ko

Si Francis! Yung lalakeng nakilala ko. Yung childhood friend ko! Sya nga!!

Agad akong sumakay ng tricycle, Yung mga sulat. Si Francis ang nagsusulat noon?

End of Flashback



Nang matapos ang klase nagulat kami.. As in kami ng mga kaibigan ko ng biglang lumapit si Francis saamin

"Princess" banggit nito

"Bakit?" Tanong ko sakanya, medyo kinakabahan ako, ano nanamang gagawin nito?


"Sorry. Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko sayo simula noon," nagulat ako ng sabihin nya yon


Jusko! Parang mamamatay ako dahil sa kilig ngayon ah!


"Patawarin mo sana ako Princess" niyakap nya ako


Nagulat pa ako lalo ng humikbi ito, Teka?! Umiiyak ba sya! Halaaa! Anong gagawin ko? Pano to tatahan may pusong mapagmahal din pala to



"Ang tagal kitang hinanap, Bakit ngayon ko lang nalaman na ikaw pala yon, ang tanga tanga ko! Kase hinahanap kita sa ibang babae kahit nandyan ka lang pala" sabi nito at lalong humigpit ang yakap nito


Napayakap ako sakanya pabalik, maluha luha naman si Joy na nanonood, ano to? Teleserye?


"Okay na Francis, nandito na ako. Sorry din kase... Nalaman ko na rin last week hindi ko lang masabi sayo" sabi ko


"Hayaan mo na, ang mahalaga. Nandito ka na" sabi nito


"Oo, nabasa ko nga pala yung mga---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko


Biglang dumating si Jake at pinag hiwalay kaming dalawa nagulat din ako ng bigyan nya ng suntok si Francis

"Halaaa!" Sigaw nila Joy at agad na umawat kay Jake


Agad din naman akong umawat pero malaking tao reng si Jake! Aiishh! Francis! Bakit ba ayaw mong lumaban letche kaa!

"Tama naaa!" Sigaw ko


"Akala ko ba hindi si Frances! Bakit sya pa? Gago ka pala eh! Kung sino yung mahal ko ano? Yun din yung mamahalin mo?!" Nagulat ako sa sinigaw ni Jake


"Pare! Wala kang magagawa! Mas nauna ako sayo" sigaw ni Francis


"ANO BA!? TAMA NA!!!" Sigaw ko


"Bahala kayong mag away dyan! Wala akong sasamahan sainyo!" Sigaw ko at umalis na



Naramdaman ko namang sumunod saakin sila Joy


"Huy Frances iiwan mo nalang ba sya ng ganon? Baka magpatayan yon" sabi ni Miya


"Ang exaggerated mo naman!" Sabi ni Joy

"Oo nga! Hindi magpapatayan yon, magkaibigan sila. At ayokong sirain yon kaya wala akong sasamahan sakanila" sabi ko


Kahit anong mangyare, ayokong makasira ng relasyon. Pano na rin si Francis at Princesa khate? Iiwan nalang ba nya si Khate ng ganon? Ang pag kakaalam ko kase sila na eh



Gusto kita Francis. Pero mukhang hindi tayo ang para sa isa't isa


*************

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon