Frances POV
Tumayo ako sa pagkaka dapa ko dahil tinisod nya ako
"Ano bang problema nyo!?" Sigaw ko sakanya
Kunwaring nagulat sila tapos nagtawanan! Tangina talaga nakakainis na!
"Wala naman" cool na sabi ni Francis at umayos ng upo
"Wala? Wala kang problema? Pero lagi mo akong binubully!" Sigaw ko ulit , Sa puntong ito naging seryoso ang lahat
Pakiramdam ko sasabog ang dib dib ko sa galit , ilang beses na nila ako pinapahiya sa mga tao!
"Wala kang pake , gusto namin eh" Sabi ni Terrence at nag apir pa sila ni Francis
Sinamaan ko sila ng tingin , kahit pinipigilan na ako nila bea ay hindi ako nag pa awat
"Hindi ako laruan na pag titripan nyo kapag gusto nyo! Wala ba kayong puso para saktan lang ang kahit sino?!" Sigaw ko
Pakiramdam ko maiiyak na ako sa galit , Hinihila na ako ni Bea pero pumalag ako
"Pwede ba? Wag nyo na akong guluhin! Simula nang dumating kayo! Lalo ka na francis! Simula nang makilala ko kayo ay nagkanda letche letche na ang buhay ko!" Sigaw ko at maya maya pa ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko
Isa nanamang kahihiyang eksena ang ginawa ko , hayst! Nakakainis talaga! Bakit ba ang malas ko
"I hate you all! But I hate the most when my Anger turn into tears" sabi ko saka nag walk out
Nga nga silang naiwan doon , narinig ko pa ang pagtawag saakin nila Bea , isa narin sa narinig ko ay ang pagtawag saakin ni Francis
Ano nanaman kayang gusto nya? Nakakaasar na!
Nakakapagod at the same time!
"Uy! Frances bakit ka umiiyak?" Tanong saakin ni khate ng makasalubong ko ito
"Pag sabihan mo yung boyfriend mo na wag ako yung pinagtitripan!" Matigas kong saad saka sya nilagpasan
Kailangan kong mapag isa kaya dumeretso ako sa rooftop ng school , sakto naman at walang tao
Naupo ako sa malilim na part tapos nagpahinga ako , pinunasan ko ang luha ko. Nakakainis kase
Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng rooftop kaya napatayo ako bigla
"Frances" Tawag saakin ni Jake at lumapit ito , humakbang naman ako palayo
"Layuan mo na ako simula ngayon" Sabi ko sakanya nang walang emosyon
"Pero bakit?" Tanong nito saakin
"Simula ng ligawan mo ako at mapalapit kanila Francis ay lagi na nila ako binubully alam mo ba yon?" Sabi ko pa
"Hindi naman sa , hindi kita gusto pero Sorry. Kase napapagod na ako tapos muntik ko pang ikamatay nung hindi ako makahinga!" Sabi ko sakanya kaya napayuko sya
"Sorry kung lagi nalang kita hindi maipagtanggol" sabi nito saka tumitig saakin
"Fine, Sige. Para lang sa ikabubuti at gusto mo" Sabi nito at saka umalis na
Ewan ko ba pero naiiyak nanaman ako! Gusto kong lumipat nalang ng school!
"FRANCES!" Sigaw ni Bea at Miya tapos tumakbo sila papunta saakin
"Hay! Dapat talaga layuan na yung mga tropa ni francis eh!" Sabi ni Bea saka hinawakan ang kamay ko
"Gwapo sana sila kaso ang hard nila grabe!" Sabi ni Miya at nagsalamin pa
"Magpahinga ka na , baka mamaya tamaan ka nanaman ng hika mo" Sabi ni Bea
"Teka , Miya diba dala mo yung kotse mo? May gusto kase akong puntahan. Medyo malayo nga lang kaya kailangan ng sasakyan" Sabi ko at ngumiti kay Miya
Mayaman kase ito at maganda , Medyo may pagka maharot nga lang
"Sure!! Tara Gora tayo after class!" Masayang sabi ni Miya at pumalakpak pa
**********
Francis POV
When I saw her tears , parang na guilty ako bigla. Ewan ko ba pero parang naawa ako sakanya
"Francis!" Tawag saakin ni Khate saka lumapit
"Khate" Sambit ko ng makita ko sya
"Binully mo nanaman si Frances! Alam mo bang umiiyak sya kanina?" Tanong nito saka umupo sa tabi ko
"Nakita ko syang umiyak , naguilty nga ako bigla" Sabi ko
"Hay naku! Pag nalaman ni Myraquel to naku lagot ka dun!" Sabi ni Khate saka ako sinamaan ng tingin
Ayaw kase ni Myraquel na magpapaiyak ako ng babae , dahil bilin din iyon saakin ni Mom
"Ayaw mo kasing aminin , na may gusto ka kay Frances" sabi nito at tumawa pa
"Hindi ko sya gusto , trip ko lang na i-bully" sabi ko
"Sus! Deny pa more" sabi ni Khate pero hindi ko nalang sya pinansin
Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ang picture namin ni Princess noon , At sabi ni khate saakin na hindi daw sya yung nasa picture
Negative si Khate , para tuloy nawalan ako ng pag asa, Ni hindi ko kase alam ang apilyido nito ang alam ko lang ay princess ang pangalan nya
Kelan kaya ulit kami magkikita?
Naaalala nya pa ba ako?
Nasan na kaya sya ngayon?
*****************
A/n:Salamat sa Pagbabasa! Read My Other Stories and Like My Facebook Page (AdicQueen09)Pasensya na sa Late Update! Happy Fiesta sa mga taga Pulilan Bulacan!
BINABASA MO ANG
My Bully Love
Teen Fiction[Garcia Series 2] ~Genre:Romance Teen Fiction ... NEW GENERATION .... THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!