Chapter 12:Tisod

3.7K 158 7
                                    

Frances POV

"Sino ba yung lalakeng yun!!" Inis na saad ni ate habang naglalakad pabalik balik

"Hayaan mo na ate tapos na naman yun" Sabi ko at umupo sa dulo ng kama

"Kahit na ba! Paano kung hindi agad naibigay ang inhaler sayo? Ano nang mayayare!? Hay naku! Kaya ayaw kitang iwan dito eh! Baka kung anong mangyare sayo ayaw din naman kitang ibigay kala papang at mamang baka saktan ka nila" Sabi ni ate


Tinitigan ko lang ito , Nalaman nya kase na inatake ako ng hika kaya heto sya ngayon at nagagalit

"Ate naman! Pangako hindi na ako lalapit sa babaeng yun" Sabi ko at nag promise sign pa

"Siguraduhin mo lang! Dahil kapag may nangyare ulit sayo na masama! Naku! Humanda saakin yang babaeng yan!" Sabi ni ate at tumabi saakin sa kama

"Matulog ka na , Maaga pa bukas ang pasok mo" Sabi nito at ngumiti , hinagod nya pa ang buhok ko bago umalis sa kwarto

*******************

"Good Morning Guys!" Masayang sabi ni Miya saamin

May mga nakilala na akong kaibigan kaya hindi na ako magiisa

"Good morning" sabi ko at ngumiti , umupo ito sa tabi namin

"Okay ka na ba?" Tanong ni Miya , tumango ako

"Alam mo ang swerte mo pero ang malas mo" Sabi ni Bea kaya naguluhan ako

"Bakit naman?" Tanong ko sakaniya , nagkatinginan muna sila ni Miya bago magsalita si Bea

"Swerte ka dahil nililigawan ka ng isang Jake at nakakausap slash nakakalapit ka kay Francis at sa mga barkada nito , malas mo lang dahil ang daming fangirl na nagagalit sayo at isa na doon si Angelica" Sabi ni Bea sakin

Napabuntong hininga ako , May point sya , Tama sya

"Bustedin mo na si Jake" Sabi ni Miya na agad kong ikinalingon

"Bakit?" Tanong ko dito

"Bakit hindi? Eh sila ang dahilan kaya ka minamalas" Sabi ni Miya , nakaramdam ako ng kaba sa naiisip nila

"Mahal na ba?" Tanong ni Bea

Hindi ako nakasagot , napayuko lang ako

"Ayan na nga bang sinasabi ko!" Daing ni Bea at napahilot sa sentido nya

"Sino ba naman kaseng hindi ma fafall kay Jake" Sabi ni Miya

"Hindi ko pa naman siguro sya mahal , Like palang to hindi pa love" Sabi ko

At pagkasabi ko non ay nakita ko si Francis kasama si Khate na papaupo na sa kanilang upuan

"Siguraduhin mong like lang yan!" Sigaw ni bea sakin na para bang nanay ko kung umasta

"Opo nanay!" Sabi ko at ngumiti

"Oh sya! Mag C-Cr lang ako" sabi ni Miya saka umalis  , naiwan kami ni bea

"Kopyahin mo to! Kailangan natin yan dahil may quiz mamaya" Sabi ni bea at inabot ang notebook nya  , umalis ito at naiwan akong magisa

Agad ko namang kinuha ang notebook ko saka nagsulat , habang nagsusulat ako ay nagulat ako ng biglang may humampas sa desk ko

"AY KAPRE!" Sigaw ko , tinignan ko ang notebook ko at nagulat ako ng magkaroon ito ng mahabang guhit! Tangina naman epal!

"Ano ba!?" Sigaw ko at nagulat ako ng si Francis pala iyon

"Akin na yan!" Sabi ni Francis at kinuha ang notebook ni Bea

"Lintik na kapre ka! Kita mong kinokopya ko eh" Sabi ko at kinuha sa kamay nya ang notebook

"Hoy pandak! Wag kang madamot! Kailangan ko rin ng notes para sa quiz!" Sabi nito at pilit na inaagaw ang Notebook

"Bakit hindi ka kumopya kahapon!?" Sigaw ko dito

"Eh ikaw? Bakit nakikikopya ka sa iba!?" Sigaw nito

"Pinauwi ako ng clinic kahapon ng maaga!!!" Sabi ko at umirap

"Bwisit na pandak!" Sabi nito at umupo sa upuan nya , umirap nalang ako at hindi sya pinansin

"Frances!!! Tara!!!" Napalingon ako sa sumigaw nakita ko si Bea at Miya na nasa pinto

"Sige wait lang!" Sabi ko at niligpit ang mga gamit ko

Tumakbo na ako papunta sakanila , pero sa pagdaan ko kay francis ay natisod ako , bumagsak ako pero nauna ang tuhod ko at naibwelo ko ang kamay ko

"Frances!" Sigaw nila miya at lumapit saakin

Sinamaan ko ng tingin si Francis ng makatayo na ako , narinig kong tumawa sila Terrence

Agad kong sinipa ang paa nyang nakaharang , Nakakainis! Ako nalang lagi ang pinag titripan nila!

******************
A/n:Thanks for reading! Please Vote and Comment para ganahan ako mag update! And also read my other stories!

-AteJAC

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon