Chapter 20:The Runaway Girl

3.9K 162 34
                                    





Francis P.O.V

Nandito ako ngayon sa galaan kasama ang tropa ko, Bibili sana ako ng maiinom kaso napagtanto ko na nawawala ang wallet ko


"Sh*t" bulyaw ko dahilan para mapalingon sila saakin, tinignan ko ang bag ko pero wala naman doon


"Baket bro?" tanong ni Terrence saakin


"Yung Wallet ko bro nawawala" Saad ko at pilit na kinakapa sa bulsa ko


"Hala tol, sayang yon. Saan mo ba kase nilagay?" Tanong ni Lawrence


"Sa Bulsa ko, kase bumili ako sa canteen nung recess kaya sa bulsa ko lang nilagay tapos hindi ko namalayan wala na pala" Inis kong sambit saka pabagsak na binaba ang bag ko sa isang table

"Baka naman kase kung saan mo lang nilagay" Sabat pa ni Lawrence


"Hindi! Nasa bulsa ko lang yon" Sabi ko at inis na binuklat ulit ang bag ko


Tinulungan naman nila ako maghanap, Nakakainis lang kase nandon ang credit card ko at nandoon din ang picture namin ni Princess


"Ahh.. Tol paheram muna ng pera oh" Sabi ko kay Terrence at agad naman siyang naglabas ng 1k


"Salamat tol" Sabi ko at napangiti


Ang mga kaibigan talaga nandyan palagi kapag kailangan mo , kahit na ba gago sila ay may care parin sila sayo... Shet ang corny


"Tol may pupuntahan ako sandali, doon ako galing kaninang umaga baka naiwan ko don tapos babalik ako ng school at magtatanong" Sabi ko sakanilang dalawa


"Sige lang tol, take your time. Basta basketball bukas ah?" Sabi ni Terrence at nakipag fist bomb


Ngumiti lang sakin si lawrence at tumango tapos kumaway pa, kumaway naman ako pabalik at nagmamadaling kumuha ng Taxi



Maglalagay ako ng sulat doon sa baul at simula ngayon ay mag iipon na ulit ako. Nakakapang hinayang lang dahil nawala ang iba kong sulat. Panget talaga kumuha nung mga sulat na yon bwisit!



"Dito na lang po Manong" Sambit ko sa Driver ng makarating ako sa makasaysayang lugar


Napatingin naman ako sa kalangitan at para bang nagbabadyang umulan, baka abutan pa ako kaya kailangan ko ng magmadali. Papara pa ako ng taxi at mag hihintay



Tumakbo na ako papunta sa puno at may nakita akong babae na nakatayo doon malapit sa puno at parang nakatingin sa langit, naka payong ito kaya hindi ko maaninag ang mukha dahil na rin naka patong sa balikat niya ang stem ng payong


Gusto kong magtanong kung sino yung babae, pero bigla itong pumunta sa puno at hinawakan ang nakaukit na pangalan ko at ni Princess



"TEKA! HOY!" Sigaw ko



Nagulat naman siya, lilingon na sana siya pero biglang bumuhos ang ulan at nabasa ako, lumingon ito saakin at biglang tumakbo papalayo


"PRINCESS!!!" Sigaw ko at tumakbo pero hindi ko na siya naabutan pa dahil hindi ko na siya masyado maaninag dahil na rin sa ulan


"Princess? Ikaw ba yon?" Bulong ko at napatakbo sa puno saka sumilong



Kinuha ko yung baul at inilagay sa sanga, hindi ito nababasa dahil matibay na kahoy at walang katiting na butas na papasukan ng tubig at hindi lang basta kahoy ito gawa


Kinuha ko na ang Sulat ko at ilalagay ko sana sa kahon pero nagulat ako ng makita ang wallet ko sa loob nito



"Fuck bakit nandito ka? Hindi naman kita nilagay dito ah? Baliw na ba ako? Bakit ko ilalagay ang wallet ko dito?!" Sabi ko at kinausap ang sarili



Wala na rin ang iba kong sulat at tanging wallet ko lang ang nandito, nagpapasalamat na rin ako at sa wakas ay nabawi ko ang wallet ko, wala namang nabawas at narito parin ang picture


"Pero hindi kaya.. May naglagay lang nito dito? Yung babae kaya kumuha ng sulat??" Bulong ko



Inilagay ko na ang sulat at naghintay na tumila ang ulan saka ako umuwi, Sa amin


Frances P.O.V

Nagtungo ako sa puno kung saan nabuo ang napakaraming ala ala naming dalawa ni Franz. Confirmed, si Franz at si Francis ay iisa


Inilagay ko ang wallet niya sa baul, ayokong ibigay ng personal. Pero hindi ko akalaing pupunta siya dito ngayon, Kinuha ko yung sulat niya sa baul at inilagay ko sa bag ko kanina.


Nandito ako ngayon sa labas at naghihintay ng taxi, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko


Saya, Dahil nakita ko na sa wakas ang matagal ko nang hinahanap

Lungkot, Na bakit ngayon ko lang nalaman na siya pala iyon. At bakit siya pa?

Inis, Dahil sa dinami dami, hindi ko akalaing siya pala ang lalakeng matagal ko nang hinahanap


--------------

Nang makarating ako saamin ay halos mawindang ako sa bilis ng pangyayare


"Princess, Nandito ka na pala. Kanina umalis ako at pumunta ng mall binili kita nito oh-- teka? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni ate


"Ate, sobrang nakakahibang yung diary ko, nawawala kase tapos hindi ko akalaing nasa tabi ko lang pala" bulong ko


"Ikaw talaga! Ingatan mo na ngayon ang mga gamit mo ah! Dali sukatin mo na to" Sabi ni ate at ipinakita ang dress na itim


Black and White daw ang theme


"Ganda, bakit ka naman gumastos ng ganito?" Tanong ko kay ate


Ang ganda ganda kase, Black na half shoulder tapos de ribbon yung likod na kita yung likod ko kase pa zig zag na ewan yung tela, tapos pa palda na yung ibaba, doble yung tela sa baba, hanggang tuhod ko ito


"Ang ganda mo" Saad saakin ni ate , nang maisuot ko ang dress at ini ayos ang buhok ko


"Salamat ate ah, Masyadong bongga to" bulong ko, first time ko kase mag susuot nito at sobrang nakakapanibago


"Para ready ka humarap sa mga taong tinuring tayong pamilya noon" Sabi ni ate, ang tinutukoy niya ay ang pamilya nila Franz


May inabot namang heels saakin si ate, hindi gaano kataas pero itim din ito


"Bukas, para makapasok tayo ay iaabot mo ito, tig-isa tayo" Sabi ni ate at inabot saakin ang invitation


Ngumiti naman ako kay ate, eto na yun...


********
A/n:Sorry sa matagal na update, naging busy lang talaga. Nalilito na ako sa mga on going stories ko na sobrang dami!

Naloloka,
JAC
(author)

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon