Chapter 17:Basketball game

3.8K 152 17
                                    

Frances POV

"Anak ng kabayo!!!" Sigaw ni Miya ng malaman ang schedule ng examination namin



"July 13-14" bulong ko ng mabasa ko ang nakalagay sa Bulletin Board ng school



"Bakit sa araw pa na yon!" Inis na saad ni Miya


"Okay, Nandon ang Ex niya!" Pang aasar ni Bea kay Miya


"Si angelo?" Tanong ko kay Miya pero nagulat ako ng batukan ako nito


"BAKIT BINANGGIT MO PA YUNG PANGALAN NIYA!!!" Inis na sabi ni Miya at parang bata na nag mamaktol


Nakakahiya rin dahil may mga ibang estudyante dito sa bulletin board


"Sino? Si angelo?" Pag uulit ni Bea kaya natawa ako


"ISA KA PANG BRUHA KA!" Sambit ni Miya at dinuro si Bea



Tumawa lang kami ng tumawa ni Bea dahil sa reaction ni Miya! Sobrang broken kase siya kay angelo!


"Tara na guys! Balita ko may laro ang team Dragon at Blue Sea" Sambit ni Bea at hinila na kami


Nagdalawang isip pa ako dahil Team Dragon sila Francis at baka nandon si Jake. Alam ko rin na may laro sila ngayon pero hindi ko expected na mag aayang manood si Bea



"Teka-- K-Kase" Pagpipigil ko ng paglalakad



"Bitter din siya" Sabi ni Miya saka tumawa



"Hindi ah!" Pag dedepensa ko



"Angal ka pa! Eh obvious naman!" Sambit ni Miya


"Hala! Hindi naman talaga eh" sabi ko


"Patunayan mo inday!" Sabi ni Bea saka hinawakan ang kamay ko



Tumingin sya sa School Gym, wala akong nagawa kundi ang ilakad ang paa ko papunta sa mga taong naghihiyawan dahil nag lalaro na ang Team Dragon at Blue Sea



Napapikit ako ng makapasok kami sa loob. Halos hindi na kami magkarinigan nila Miya at Bea dahil bawat shoot ng player ay puro tili at hiyawan ang naririnig namin


"DITO TAYO!" Sigaw ni Miya saamin ni Bea at umupo sa bandang taas, Dito kitang kita namin ang buong Court at kitang kita ng mata ko si Francis


Para bang naging agaw pansin siya sa mga mata ko , Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano ba to?



"Bessy! Bibili lang ako ng tubig ang init eh!" Pagpapaalam saamin ni Miya saka umalis na




Natira kami ni Bea, Halos lahat ng tao ay nakatayo na at nag lululundag sa tuwa, nakita ko naman si Angelica na CheerLeader ng Team Dragon, malamang dahil nandon si Francis



Papansin kase yang babaeng yan! Sakalin ko siya eh, baka gusto niyang balutan ko siya ng benda sa buong katawan at mag mukhang mami! Kinulang kase sa tela yung costume niya dahil siya ang leader! Aba Concern Lang ako sa kalagayan niya baka magka pulmonia pa siya




"Huy! Ayos ka lang ba?" Tanong saakin ni Bea




"Oo naman!" Sagot ko saka ngumiti sakanya para di obvious na nakaka intense ito!


"Parang hindi ka mapakali" Sambit ni Bea kaya agad akong napalingon



"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Pag mamaang maangan ko sakanya


"Wala wala!" Sambit nito saka nanood na ng game


"Pustahan! Dragon ang mananalo dyan!" Sabi ni Miya ng makabalik ito saamin



"Sus!" Bulong ko saka umirap


Napadako naman ang tingin ko kay Francis na sobrang seryoso maglaro




"GO TEAM DRAGON!"



"TERRENCE KOO!"



"GO PAPA FRANCIS!!"



Rinig kong sigawan ng maka score si Francis at Terrence sa game


Malalantod din mga babaeng ito! May naririnig pa akong 'anakan mo ako!' Kadiri!



"Tara na guys!" Sambit ko at hinihila sila Miya



Pero nasapawan ang boses ko ng manalo sila Francis sa Game , napuno ng sigawan at kaguluhan ang buong gym




"Anak ng kabayo naman!!!" Sigaw ko habang hinahawi ang mga taong nakaharang sa daan ko




Iniwan ko na sila Miya dahil sobrang gulo doon at hindi ko na kaya!



Pagkalabas ko ng Gym ay pinagpag ko ang uniform ko, Baka hindi ako makahinga kapag nanatili pa ako sa loob! Naghalo halong mga amoy nila!


Amoy digmaan sa loob ng gym tuwing may laro ng Basketball or may program




Halos magkanda dapa dapa naman ako ng makita kong nagsipag takbuhan papalabas ng gym ang mga cheerleaders at sinanggi sanggi ako


"Teka ano ba!" Sigaw ko



Nagulat naman ako ng sanggiin ako ni Angelica at ng makita ko siyang ngumisi ay tatayo pa sana ako para gumanti pero nakaramdam ako ng hapdi sa tuhod at siko ko





"Aray!!!" Daing ko habang pinipilit na tumayo



"Frances" Sambit ng isang lalake at itinayo ako



"Francis. A-ano ba! A-ayos l-lang ako" sabi ko saka paika ikang lumakad papunta sa clinic




"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin?!" Inis na sambit nito


Hinarap ko siya , magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako



"Dahil ba kay Jake? O dahil sa ginagawa ko?" Sabi nito




"Te-teka francis wag tayo dito magusap" sabi ko



Nakakaagaw pansin na kase kami sa mga tao



"Look Frances, Guilty na ako! I'm sorry , Dahil sa kalokohan namin kaya nawala si Jake sa group at ikaw ang dahilan" Sabi nito




Nagulat naman ako sa sinabi nito at sa reaksyon ng mukha niya


"Francis! Tama na pwede ba?" Sabi ko at saka tinalikuran siya



"FRANCES!!!" Sigaw nito saakin pero napapikit lang ako at tumakbo papalayo




Lalo lang gumugulo , ayoko na! Iba na ang nararamdaman ko. Ayoko na! Gusto ko nalang umalis sa skwelahan na to



*****************************

A/n:Sorry sa late update! Naging busy ako sa BKSK at sa SL , Pero tatapusin ko ito at baka abutin ng ilang months pa


Ps:Next week ang next update

-AteJAC

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon