Chapter 14:Letters

3.7K 165 25
                                    

Frances POV

"Dito ba yun Girl?" Tanong saakin ni Miya nang makarating kami sa sinabi ko

"Oo dito na , Ilang taon na rin akong hindi nakapunta dito dahil Busy ako" Sambit ko saka naupo sa gilid ng Puno

"Princess and Francis Bestfriend Forever" Pagbabasa ni Bea at Miya sa nakaukit sa puno

"Badtrip nga eh , nagkataon pang pareho sila ng pangalan" sambit ko saka nahiga sa damuhan

"Ikaw ba nag ukit nito?" Tanong saakin ni Bea

"Kami ni Franz ang nag ukit nyan" sabi ko at naginat , sa paginat ko ay nasanggi ko ang box na nasa gilid ng puno

Hindi ko ito agad napansin dahil halatang luma na ito , at kakulay pa ng lupa

"Uy ano yan?" Tanong ni Miya

Agad kong kinuha ang box at nagulat ako ng buklatin ko ito

"OMG! Kanino kaya yan?" Tanong ni Bea

"Ewan ko" sambit ko at binuklat ang isang papel

Kumuha rin si Bea at Miya ng papel , halos hindi mabilang ang nakalagay sa kahon na to

"Dear Princess , Sana masaya ka ngayong araw na to alam mo bang ang daming nangyare ngayon? Pero ikaw parin lagi ang iniisip ko, from francis" pagkatapos kong basahin iyon ay halos hindi ako makagalaw


"Dear princess, May umaway saakin kanina pero gumanti ako tama ba ang ginawa ko? Pasensya ka na ah alam kong magagalit ka kase ayaw mong nakikipag away ako pero ako ata ang heartthrob sa school namin! From francis" Pagbabasa ni Bea

"Dear Princess , nag away nanaman kami ng kapatid ko hayst samantalang dati ay inaalagaan pa natin sya pero ngayon lumaki syang masama. Miss na kita sana nandito ka para kausapin ang kapatid ko girls talks eka nga nila From francis" pagbabasa ni Miya


Princess? Ako lang naman ang princess noon diba? At ni Franz! Hindi kaya? Para saakin ang mga nakalagay dito?

"Bess!!! Princess ka ba dati!" Tanong ni Miya at kinikilig pa habang binubuklat ang iba pang papel


"Princess ang tawag saakin ni ate kaya yun na rin ang nakasanayan saakin ni Franz , Pero ... Hindi ko akalain to" halos pabulong kong sabi

"Sino ba kase si Francis?" Tanong saakin ni Miya

"Si Francis yung anak ng amo namin ni ate dati , tapos nung umalis na kami kase nakakuha ng malaking opportunity si ate sa manila kaya lumipat na kami , simula noon hindi na kami nagkita ni Franz" Sambit ko


Iba ang nararamdaman ko , sa tagal na panahon ngayon lang ako nakabalik dito , ngayon ko lang nalaman na may kahon dito


"You mean? May gusto sayo si Francis?" Tanong ni Bea habang umaakyat sa puno


"Hindi ko alam , bata pa kami noong huli kaming nagusap" sambit ko

"Pero siguro may gusto sayo yun! Kase tignan mo!! May I love you princess!!" Kinikilig na sambit ni Miya

Inabot nya saakin ang papel at binasa ko , may i love you nga

"Pero kelan pa kaya ito? Wala kaseng date" Sabi ni Bea habang nasa sanga ng puno at nagbabasa rin


"Eto mukhang bago!" Sabi ni Miya


Kinuha ko naman at mukha ngang bago ang papel dahil puting puti pa

"Ibig sabihin! Gusto ka na nga nyang makita! At mahal ka nya bes!" Sabi ni Miya

"Dear Princess , Sana magkita na tayo. Nalulungkot ako kase wala nang makulit na Princess , i miss you princess , from francis" pagbabasa ni Bea saka tumingin saamin

"Kung alam nya lang , Miss na miss ko na rin sya!" Sambit ko at niyakap ang mga papel

"Kung ganon! Malapit lang dito yung bahay ni Franis! Dapat magkita na kayo malay mo sya pala yung forever mo" Sabi ni Miya

"Yun nga lang , kailangan ng sasakyan para makapunta ako dito" Sabi ko at tumingin kay Miya


"Wag ka mag alala! May kotse ako!" Sambit nito at winagayway ang susi ng kotse nya


"Pero tanong lang , paano kami magkikita? Eh hindi ko nga alam itsura nya ngayon tapos hindi ko alam kung paano ko sya hahanapin!" Sabi ko at sumimangot

"Hintayin natin sya dito!" Sabi ni Miya

"Gaga! Paano kung hindi naman dumating?" Sabi ni Bea

"Oo nga" pag sangayon ko kay Bea


"Hayst , basta sa susunod babalik ako dito at sana sa pagbalik ko--" naputol ang sasabihin ko dahil pinangunahan na ako ni Miya

"Pagbalik natin! Okay kasama dapat kami, diba Bea? Dapat kasama tayo?" Sabi ni Miya

"Oo kasama lang walang tayo" Sambit nito kaya napasimangot si Miya

"I miss you too , Franz" bulong ko

Kinuha ko lahat ng letters at inilagay sa bag ko , babasahin ko ito lahat pero iiwan ko yung box kase baka maglagay sya ulit

"Akin na yan mga friend! Iuuwi ko samin!" Sabi ko at kinuha ang mga papel sakanila

"Magkikita rin kayo nun! Tiwala lang" sabi ni Bea at ngumiti saakin

"Sana" sambit ko

************

A/n:Salamat sa Pagbabasa! Read My Other Stories and Like My Facebook Page (AdicQueen09)

Nasagot na ang matagal na question! Sorry sa late update!

-AteJAC

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon