Frances POV
Days past ngayon ang uwi ng ate ko!!! At excited na ako ang tagal na rin kase naming hindi nagkita
So nagready ako ng banner na may nakalagay na "Welcome Home Ate" at syempre nagluto ako ng pagkain ... Nagtatrabaho lang si ate kung saan saan , Tapos pinapadala nya lang sakin
Maya maya pa ay nakikita ko na sya , nagtago ako sa likod ng pinto at pinatay ang ilaw
Narinig kong bumukas ang gate namin , OMG!!! Ayan na sya!
"SURPRISE!!!" Sigaw ko nang buksan nya ang ilaw ... Kita ko ang ngiti sa labi nya at niyakap ko sya agad
"Ano to? May pa banner banner ka pa! Namiss mo ko no!" Sabi ni ate at sinundot ako ng daliri sa tagiliran
"Syempre! Namiss ko yung perfect ate ko" sabi ko
"Perfect ate talaga?" Sabi nito
"Oo ate , Hindi man ako nabiyayaan ng perfect family meron naman akong perfect ate" sabi ko at niyakap ulit sya .. Hangang dib dib nya lang ako dahil pandak daw ako pero hindi naman dahil tama lang talaga sa age ko yung height ko
"Sus! Kikiligin na ba ako nun?" Sabi nito
"Hashtag! Kilig Mo'To" sabi ko at tumawa kami
"Tara na nga! Ano ba niluto mo? Pagkain ba talaga to? Baka mamaya eh lasang ewan" pang aasar ni ate saakin ...
"Ate naman ehh!!!" Daing ko
******************************
Francis POV
Dear Princess
I need to know kung ikaw ba talaga si Princess Khate , Dahil kung ikaw ay sya .. Sobrang saya ko kung alam mo lang , nililigawan ko sya ngayon para na rin matanong ko sya , kaso panira ng Moment si Frances eh ... Lagi nalang epal , Ewan ko ba dun ... I miss you princess~Francis
"Bro!!!" Biglang singit ni Terrence
"Dun ka nga" sabi ko at ibinalik sa bag ang mga letters ko
"Shet pare! Nakakabakla yan!" Biglang singit ni Jake
"Its not , Everyone is free to write journals" Sabi ni Lawrence
"Sus hahaha" sabi ni jake at tumawa
"Teka Jake! Kamusta ang nililigawan mo?" Tanong ni Terrence kaya napalingon ako
Nililigawan? Sino? Yung babaeng nakakainis?
"Tinuloy mo ang panliligaw mo dun?"natatawang sabi ko at binit bit na ang bag ko
"Oo pare , ang bait nya kaya at ang ganda nya" Sabi ni Jake na ikinatawa ko
"Haha goodluck" sabi ko at nagtungo na sa room , nang makapasok ako ay agaw pansin agad saakin si Frances na may malapad na ngiti na abot hanggang tenga
Napailing nalang ako , madaldal rin pala sya ... May mga kaibigan na sya ngayon at nakikipag kwentuhan sya rito
"Hahahahaha!" Napalingon ako bigla sa direksyon kung saan nagmula ang pag tawa
"Princess" biglang kong banggit
Ganong ganon ang pagtawa ni Princess dati , Ang mga ngiti ni Frances ngayon ay kamukha ng kay Princess ... Siguro dahil masaya talaga sya at nagkataon lang
Bakit sya masaya? Dahil kay Jake? Sus!
Napailing lang ako
"Francis!" Biglang tawag ni Khate at nilapitan ako , tumabi ito saakin at may inabot na box
"Ano to?" Tanong ko
"Cupcake for Mr. Right" sabi nito
"Sinasagot mo na ba ako?" Tanong ko
Umiling ito
"Hinahanap ko palang sya" Bulong nito at tumawa
Hinahanap nya palang si Mr. Right pero binigyan na nya ako agad ... Whats with her?
Napailing nalang ako at kinain yung cupcake ... Napahinto ako ng makita si Frances na kumakain ng biscuit at nakataas pa ang paa sa lamesa .. Feel at home sila ng mga kaibigan nya
She seems happy today ... And I'm curious kung bakit..
**********************
A/n: Slow Update na po Sorry!!! Super busy kase sa iba kong stories , Sana suportahan nyo ang Sticky Notes ... Check it on my Account and read! Thanks
BINABASA MO ANG
My Bully Love
Teen Fiction[Garcia Series 2] ~Genre:Romance Teen Fiction ... NEW GENERATION .... THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!