Chapter 18:The Letters Are Gone

4K 149 37
                                    

Frances POV


Nandito na ako sa bahay habang tinititigan ang mga letters na galing kay Franz


Maya maya pa ay pumasok na si ate sa kwarto na kagagaling lang sa banyo, nahiga na ito sa kama at ako naman ay nasa study table ko




"Nagaaral ka ba talaga dyan? Baka naman iba ang nirereview mo?" Sabi ni ate kaya napabuntong hininga ako at iniligpit ang mga letters




"Frances, Ayos na ba ang mga sugat mo?" Tanong saakin ni ate



Tumayo na ako at tumabi sakanya, medyo iika ika pa ako maglakad pero kaya ko naman




"Ayos na ako Ate, Okay lang ako saka kaya pa!" Sabi ko saka niyakap si ate



"Eh eto ba ayos lang?" Sabay turo saaking puso




Ayos nga ba ang puso ko? Maayos pa nga ba ang bawat pagtibok nito?




"Nga pala, nagkita kami ni Ate hanna kanina , at iniimbitahan niya ako sa kaarawan niya , Magkikita na ulit kayo ni Franz" Sabi ni ate na ikinabuhay ng loob ko



"TALAGA PO?!" Masigla kong tanong




"Oo , diba namimiss mo na siya? At balita ko siya ang nagbibigay ng letters sayo diba?" Malokong sambit ni ate at kiniliti ako ng bahagya



"Ano bang meron talaga sainyo nung bata kayo?" Tanong saakin ni ate at sinuklay ang buhok ko



"Kaibigan ko siya... tapos ngayon iba na yung nararamdaman ko. Kase ganto yan! Diba dati bata pa kami ede syempre hindi ko pa alam yung love, tapos lagi ko siyang naalala hanggang sa nakita ko yung letters at nabasa .. syempre kinilig ako at, nakaramdam ng love?" Sabi ko at ngumiti



"Dalaga na talaga ang kapatid ko!" Masayang sambit ni ate at niyakap ako



"Eh ikaw ate? Kailan ka ulit mag kaka boyfriend? Saka ilang taon na kayo wala ka pang asawa! Naku! Hindi maganda yan!" Sabi ko saka siya tinignan ng masama



"Ikaw talaga!!!" Nagulat naman ako ng hinahin niya ang braso ko pahiga ng kama saka niya ako kinurot sa braso




"Aray aray! Atee naman!!!!" Sigaw ko at gumulong sa kama




Satisfied with my ate... and excited to see. Franz?



*********
Francis POV

Nandito ako ngayon sa puno kung saan nandito ang mga memories namin ni Princess , sobrang namimiss ko na siya




Ilang linggo din akong hindi nakabalik dahil sa Bulprisa ng school at kailangan naming magpraktis para sa Game at puro basketball kami ngayon




Humahabol din ako sa mga quizzes na ginagawa sa room. Malapit na rin ang birthday ni Mom kaya kailangan ready , sa bahay namin yung ganap eh





Balak kong mag invite ng mga friends ko na kakikalala ni Mom



"At higit sa lahat, Makikita kita Princess kaya ipapakita ko to sayo laha--"




"SHIT!" Bulalas ko at napa antras ng makitang wala na ang mga sulat na ginagawa ko



"SHIT LANG SINO KUMUHA NITO!" Hiyaw ko at napakamot ng ulo



May nagnakaw kaya? Ilang taon na yun dito tapos ngayon mawawala nalang! Pinag hirapan ko yung sulat na yon! Nakakainis!





Kung sino man kumuha nito at nangealam dito bwisit siya! Kukulamin ko siya!



"BAKIT BA KASE AAHHHGGG!!!" Hiyaw ko at sinipa ang puno ng mangga sa harap ko




"Kaasar" sambit ko



*******

Pagkatapos noon ay dumeretso na ako sa tambayan ng tropa sa isang mini Cafè



Sayang lang at wala na si Jake para magpasaya saamin. Madalas kase siyang mag joke lalo na dito sa cafè na ito



"Tol!" Hiyaw saakin ni Terrence saka kumaway



Tumango ako at lumapit sa table nila saka tinignan ang menu. Naupo ako sa tabi ni Terrence at nasa harap namin ni Lawrence



"Badtrip ka ata?" Tanong ni Lawrence habang nag cecellphone



"Grabe siya! Oo nga? Ano yan babae ba yan?" Tanong saakin ni Terrence



"Hindi! May nawawala kase sakin na importante sa buhay ko! At ngayon mababaliw na ako sa kaka panghinayang" sabi ko saka umorder ng malamig na shake para mampalamig ng ulo




"Baka naman may nangtrip sayo" sabi ni lawrence habang nag cecellphone parin


"Ewan, teka? Ano bang meron dyan sa cellphone mo? Kanina ka pa dyan sa cellphone mo ah" Sabi ko



"Nag reresearch lang" simple nitong sagot



Usual na yon sa mga kagaya niyang top notcher at paniguradong top1 nanaman siya sa room

Sakto namang dumating na ang shake na inorder ko, At babae ang nag deliver saakin



Maganda ang babae kaya eto namang si Terrence ay sumimple pa



"Bro, Wag bro! Bata pa yan maawa ka" Sabi ko saka tumawa




Natawa rin si Lawrence kaya halata ang asar sa mukha ni Terrence





"Tigilan niyo nga ako!" Sabi ni Terrence saka sumimangot






"Exam na, mag review nalang kaya tayo?" Tanong ni Lawrence



"Kayo nalang" sambit ni Terrence


"Kaya mo na yan" sabi ko saka ngumiti



"Hay ewan ko sainyo" bulong ni lawrence saka humigop ng kape




Sa bahay na ako mag rereview para masaya. Bulong ko sa isip ko



***************
A/n: Sorry sa late update

Facebook:AdicQueen09 Twitter:AdicQueen09 Instagram:Adicqueen09 Snapchat:AdicQueen_09


-AteJAC

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon