Francis POV
"That will never ever gonna Happen!!!" Sabi ko kay Khate
"Kunwari ka pa ! Crush mo sya ano?" Sabi nito at tumawa ng nakakaloko
"Hindi ko Crush si Angelica , Ayoko sakanya malaswa yung dating" sabi ko
"Chixx kaya si Angelica" sambit ni Terrence habang kumakain ng Fries
"Pwede na" sabi ni Lawrence
"Nasan nga pala si Jake? Kahapon absent yun ah" Pag iiba ng topic ni Lawrence
Pansin ko rin, hindi rin sya nag chat sa Group Chat naming tropa kahapon baka hindi nag online. Pero nakakapanibago talaga sya
"Speaking off!! Si jake" sabi ni Khate at tinuro si Jake na mukhang kakapasok lang papunta siguro sa room namin
"Mukang badtrip sya" Sambit ko
Nakasimangot kase sya habang naglalakad , baka nagkaroon ng family problem dahil madalas mag away ang parents nya
Maya maya pa ay nakita kong lumapit saakin si Myraquel
"Kuya , Pwede favor?" Tanong nito saakin
"Oo naman , ano ba yun?" Tanong ko sakanya. Kasama nya ang kaibigan nya
"Pagawa naman ng assignment namin sa Math, nakalimutan ko kase gawin kagabi" Sabi nito habang hawak hawak ang libro nya
"Math lang pala eh! Daling hulaan nyan!" Sambit ni Terrence
Ayoko rin ng Math sa totoo lang , pero wala akong nagawa kundi tanggapin yung libro at basahin
"Hindi naman namin pinag aralan to" sabi ko at umiling
"Akin na nga!" Sabi ni khate at inagaw ang libro saakin
May pagka bastos din talaga itong babaeng to sa totoo lang. Akala ko nung una mahinhin sya haha pero may pagka childish din pala
"Sabi ko na nga ba eh! Madali lang to para kay Lawrence" Sambit ni Khate at inabot ang libro kay lawrence
"Akin na yung ballpen" Sambit ni Lawrence at inilahad ang kamay nya
"Diba? Si lawrence talaga ang pinakamatalino dito EmEm at alam mo ba? Mahilig manlibre yan! Diba toll?" Sabi ni Terrence at inakbayan pa si Lawrence
"Sasapakin kita lumayo ka sakin" Inis na saad ni Lawrence kaya tumawa kaming lahat
"Teka? Asan nga pala si Jake? Hindi ba nya alam na nandito tayo?" Tanong ni Khate at tumingin sa paligid
"Baka nasa Room , naghahabol ng lectures at activity dahil absent kahapon" Sabi ko saka kumain ng Fries
Pero hindi ko pa nakikita si Frances, asan kaya yun? Kanina nandito lang sa canteen biglang nawala. Bad influence ata yung dalawa nyang kaibigan
"Tawagin ko ba si kuya Jake?" Pag piprisinta ni Myraquel
"Hindi na , pupuntahan nalang namin sya mamaya" sabi ko saka ngumiti sakanya
"Ahh sige kuya" sabi nito
"Oh! EmEm bahala ka na kung mali yan hahaha" sabi ni lawrence at inabot ang libro kay Myraquel
"Tama yan! Magtiwala ka lang sa baliw na to!" Sabi ko at tinuro si lawrence
Tumawa kami at ibinaba ni lawrence ang kamay ko
"Tangina pinagtitripan nyo ko" sambit ni Lawrence
"Thank you kuya lawrence ah! Si kuya kase walang alam sa math!" Sambit ni Myraquel at sinamaan ako ng tingin
"Teka? Ikaw din naman ah? Abnoy ka talaga umalis ka na nga! Inumin mo na yung gamot mo!" Sabi ko saka sya pinaalis
"Hard nito sa kapatid nya" sabi ni khate
"Ganun talaga" sambit ko
"Puntahan natin si Jake" sabi ni Terrence at kinuha ang fries
"Sige tara tara" Sabi nila at tumayo na , naglakad na kami papuntang room
"Tingin nyo may problema yun?" Tanong ni Khate habang naglalakad kami
"Ewan" sabi ko
Sa paglalakad namin ay nakita ko si Frances kasama ang kaibigan nito , nawala ang ngiti nya sa labi ng magtama ang mga mata naming dalawa
"Si frances yun diba?" Bulong ni Terrence sa tabi ko
Tumango ako sakanya , Nakita kong agad na lumiko sa ibang side sila Frances akala siguro aawayin ko ulit sya
"Ayun si Jake" sabi ni Lawrence at tinuro si Jake na naglalakad papasok ng room
Agad naman namin itong sinundan
"Jake pre!" Sigaw ni Terrence pero hindi ito lumingon
"Anyare dun?" Tanong ni Khate
Napakunot ang noo ko , iniiwasan nya ba kami? Ano bang problema nya?
"Pre" bulong ko at lumapit sakanya , hinawakan ko ang balikat nya pero agad nya itong tinanggal
"Alam mo ba? Inayawan ako ni Frances dahil sayo" Nagulat ako sa sinabi nito kaya napa atras ako bigla
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito
"Lagi mong sinasaktan si Frances! KAYA NILALAYUAN NA NYA AKO!!! KASALANAN MO!" Nagulat kami ng hawakan na nya ang kwelyo ko
"JAKE TAMA NA!'" Sigaw nila pero parang wala itong naririnig
"Mahal mo na sya?" Tanong ko sa malamig na boses
"Wala kang alam , Layuan nyo na rin ako simula ngayon. I quit this group ayoko na" Sambit nito
"Dahil lang sa isang babae? Magkakaganyan ka? Nasan na ang babaerong jake?" Tanong ko sakanya
"Wala na! Nagbago ako simula ng makilala ko si Frances! Pero wala na. Hindi na nya ako gusto dahil sa pam bubully nyo sakanya!" Sambit nito at umupo na sa pwesto nya
"Nabawasan na tayo" bulong ni Lawrence habang nakatingin kay Jake na nagbabasa ng libro
Big deal ba sakanila yon? Big deal ba?
Paano ba ako mag sosorry nito? Pakiramdam ko guilty ako. Matagal na si Jake saamin pero ngayon lang sya nagkaganito
Nakakabaliw pala talaga ang pag ibig
***************************
A/n:Salamat sa Pagbabasa! Read My Other Stories and Like My Facebook Page (AdicQueen09)Sino po ba ang mag mamagandang loob na gawan ito ng Book Cover? Anime version po sana, Send nyo po sa facebook ko (Juliana Alexine Calderon) salamat !
BINABASA MO ANG
My Bully Love
Teen Fiction[Garcia Series 2] ~Genre:Romance Teen Fiction ... NEW GENERATION .... THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!