Chapter 16:Responsible Kuya

4.1K 167 19
                                    

Frances POV

"Balita ko nag quit na si Jake sa Group nila" Sambit ni Miya


Nandito kami ngayon sa Canteen at kumakain ng Lunch , Sabay sabay kaming tatlo lagi kumakain


"Oo nga hindi ko nga nakikitang lumalapit kanila Francis kanina! Saka parang beastmode" sabi ni Bea



Nag quit ba sya dahil sakin? Ayoko mag assume pero , ako lang ata ang may issue sakanila eh


"Dahil ata sakin , hindi ko sure ah" sabi ko kaya nagkatinginan sila


"Teka? Ano bang ginawa mo? Hindi mo naman kinuwento samin yan" Sabi ni Miya


Napatigil ako sa pagkain , Oo nga pala hindi ko pa pala nasasabi sakanila yung naganap sa roof top


"Hhhmmm , sobrang hibang kase ako nun kaya nung nakita ko si Jake sinabi ko na tigilan na nya ako at simula noong napalapit ako sakanila ay lagi na ako binubully ni Francis" Sabi ko saka tinuloy ang pagkain


Halata sa mata nila ang pagkagulat dahil sinabi ko iyon , No choice ako dahil yun nalang ang paraan ko para mapalayo sakanila at hindi na mapahamak pa




"Sinabi mo talaga yun?" Tanong ni Bea , tumango lang ako sakanya


"Grabe ka! Hindi ka ba nanghinayang kay papa Jake?" Tanong ni Miya


Bakit naman ako manghihinayang? Marami pa namang lalake dyan



"Hindi" bulong ko at tinapos na ang pagkain ko


Katahimikan... Katahimikan....


"BRO! FRANCIS! KAPATID MO BRAD DALI TARA!" Nagulat kami sa sigaw ni Terrence mula sa corridor ay rinig hanggang dito



"Anyare?" Bulong ni Miya



Nag agaw atensyon iyon kaya may mga estudyanteng sumilip kung anong nangyayari sa labas


"Tara tignan natin" Sabi ni Bea kaya agad kaming tumayo at nag ayos ng gamit


Dumeretso kami sa Ground ng school , nakita kong madaming nakatingin kay Francis. Nagulat ako ng makitang buhat buhat nito ang kapatid na si Myraquel , tumatakbo ito papunta sa Clinic



"Anong nangyare kay EmEm?" Rinig kong sabi ng mga dalaga sa gilid ko


"Alam ko may hika yan , sinumpong siguro" Sabi ng kasama nito


May sakit pala ang kapatid ni Francis? Kawawa naman ito , saka parang ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala syang babae



"Kawawa naman yung kapatid ni Francis" Sabi ni Miya habang naglalakad papunta saakin



Hindi ko namalayan na iniwan na pala nila ako at nakipag chikahan sa iba , Pareho pala kami ng kapatid nya na may hika



"May hika rin pala yun , baka sa sobrang init kaya hinimatay or nahirapan huminga?" Sabi ko habang naglalakad kami papuntang room



"Ewan ko ba? Pero infairness ah! Kung titignan mo ang mata ni Francis kanina sobrang nag alala sa kapatid! Caring na brother pala sya eh" Sabi ni Miya at ngumiti


"Loving brother sya at responsible kuya" sabi ni Bea



Para namang nag flashback sa isip ko yung mukha ni Francis kanina habang tumatakbo sya , Parang nag slowmo ang itsura ni Francis sa imaginations ko kaya bigla akong napahinto


"Oh? Bakit?" Tanong ni Bea



Agad akong nagising sa realidad at umiling saka ngumiti sakanila , Ano ba to? Bakit ganito nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako?



"Yung letters nga pala Frances? Nabasa mo na lahat?" Tanong ni Miya



Tinago ko lahat yung mga sulat na yon at sobrang dami! Nakakaloka talaga si Franz , ewan ko ba pero napapangiti ako sa mga ganun lang



"Oo , nabasa ko na lahat at nakakakilig at the first place dahil naaalala nya pa pala ako! Tapos hindi nya nakalimutan yung birthday ko grabe ang sweet nya" Sabi ko at hindi mapigilang mapangiti




"Ayiiieeee inlove si ate oh!" Kinikilig na sabi ni Miya at hinampas ako ng bahagya sa braso



"Hindi pa! Kinilig lang inlove agad? Grabe to!" Sabi ko at umirap kunwari




"Mag meet muna kayo ogag" Sabi ni Bea



Oo nga, meet muna tayo Franz , nasan ka na ba? Gusto na kita makita ! Excited na akong makita ka



"Kelan pala tayo ulit pupunta doon sa Special Place mo?" Tanong saakin ni Miya



"Ewan? Siguro kapag pinayagan ako ni Ate" Sabi ko at ngumiti sakanila



"Pakilala mo kami pag nag meet na kayo ah! Gusto rin namin mameet yang first love mo" sabi ni Bea saka ngumiti ng nakakaloko



"First love ka dyan? Baliw to" sabi ko


Aish ! Deny pa more Frances sige deny ka pa! Pero aaminin ko na gusto ko talagang makita si Franz



"Yiiieee! Wag ka mag alala mag kikita rin kayo sa tamang panahon" Sabi ni Miya at umakting pa , nakakaloka ito ah?


Paniguradong napaka gwapo ni Franz ngayon , Una dahil anak mayaman , pangalawa maganda at gwapo ang parents tapos Nasa lahi !



We will meet soon!


***********************
A/n:Salamat sa Pagbabasa! Read My Other Stories and Like My Facebook Page (AdicQueen09)


Pasukan naaa! Asahan ang super duper late updates! And sorry dun , Salamat sa pagsuporta ng storyang ito


-AteJAC

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon