Chapter 19:Picture sa Wallet

4K 168 36
                                    


Francis POV

Umaga ngayon at nandito ako sa Pinaka makasaysayang puno para sakin



"Princess sana magkita na tayo" bulong ko


Inilagay ko na ulit ang papel sa kahon na dati kong nilalagyan


"Nawala man ang mga sulat pero sana ikaw ang makakita" sabi ko


Pagkatapos noon ay dumeretso na ako sa School. Hindi alam ng mga kapatid ko na nagpapadala ako na sulat dito, tanging ako lang ang nakakaalam

****


"Guys alam niyo na!" Sigaw ni Terrence at ngumiti ng nakakaloko



Napa iling nalang ako. Konti lang nareview ko kagabi at paniguradong babagsak ako



"Uy Frances nag review ka ba?" Napa lingon naman ako kay Miya



Nakita kong papasok si Frances ng room at naupo sa tabi ni Miya




"Kuya!" Napalingon naman ako sa bintana ng makita si Em Em na kinakawayan ako




"Bakit?" Tanong ko



"Tara dito dali!" Sambit nito at sumenyas sakin


"Bakit ba?" Tanong ko


Makulit kase ang isang to, may sakit pero napaka masiyahin


"Diba mag bibirthday si Mama? Ano bang pwedeng iregalo? Ngayon lang kase kita natanong makakalimutin na ako" sabi nito at napakamot ng ulo


"Dress? Bahala ka. Basta ako binilhan ko si Mom ng new Collection of accessories" pagmamalaki ko


"Mag ready ka, masusurprise ka sa birthday ni mom" sabi nito at ngumiti ng nakakaloko



"Ha bakit?" Tanong ko


"Surprise nga diba? Ede secret!" Sabi nito at ngumiti nanaman ng nakakaloko


"Frances good luck ah" Sabi ng isang lalake kay frances at tinapik pa ito sa balikat


Aba? Lalakero ata to! Nakikipag close sa mga lalake may pa good luck good luck pa!



Ma good luck nga rin siya. Balak ko sanang lumapit pero hindi pwede


"Psst! Khate!" Tawag ko



"Oh bakit?" Tanong nito


"Kase ganto yan, diba bespren naman tayo? Gusto ko kase mag good luck kay Frances kaso,.. Kailangan sa ibang paraan!" Sabi ko ng medyo naiilang


"Hala ka besang?" Gulat nitong sambit


"Oh bakit?"



"Gusto mo na siya ano?"


"Hala hindi ah!" Pag tanggi ko


"Gusto mo! Halata!"


"Hindi ko siya gusto! Nag mamalasakit lang--"


"Gusto mo"



"Masama bang mag good--"



"Gusto mo"



"Wag na nga lang" sabi ko at akmang tatayo pero pinigilan niya ako



"Gawa ka ng sulat saka mo ipukol sakanya" sabi nito at halatang kinikilg


"Okay"



Kumuha ako ng papel at sumulat ng goodluck :)


"Sabi ko na nga ba eh! May secret desire ka sakanya" sabi nito


Nilamukos ko ang papel "Hindi ko siya gusto" sabi ko at umanggolo para ipokol kay Frances ang papel


"Sige Deny lang. Ganyan kayong mga lalake eh" sabi nito


At tenennenentenen!!! 3 points! Clawww. Beng! Bogsh bogsh!


Sapul sa ulo si Panget !



"Aaiisshh sino yon!?" Sigaw nito pero walang kumikibo ni isa saamin



Ako naman ay nag kunwaring nag rereview lang. Pero ang mata ko ay nakatingin sakanya


"Good luck?" Sarcastic nitong sabi ng mabasa ang nasa papel


Napa irap naman siya at napa lingon sa paligid kaya agad kong inalis ang tingin ko sakanya



"Hayaan mo na yan. Good luck naman nakalagay eh" sabi ni Miya kay Frances



"Ok. Bat kase kailangan mamatukal?" Pag mamaktol niyo



"Yiiieeee" bulong saakin ni Khate



"Baliw" bulong ko at tinapakan ang paa ni Khate


********

Frances P.O.V

Napabuntong hininga ako ng matapos ang exam namin


Sobrang nakakasakit sa ulo grabe. Sana pasado! Sayang ang scholar ko dito



"Frances wait CR lang ako" pag papaalam ni Miya



"Sige susunod ako" sabi ko at nagmamadaling inayos ang notebook ko at bag


Nagmamadali akong lumabas ng room kaya sa hindi sinasadya ay nasagi ko si Francis


Ow... No...



"Aissh! Mag ingat kase! Clumsy" sabi nito at umalis



Napatingin lang ako sa baba at nag pigil ng galit pero agaw pansin ang itim na wallet sa gilid ng paa ko


"Kanino kaya to?" Bulong ko at kinuha ang wallet


Kay Francis ata to?


Binuksan ko at tama nga. Kay Francis nga dahil nandirito ang ID niya


Binuklat ko pa at nagulat ako sa nakita ko



Its my picture and franz. Picture ko nung bata ako, Na kasama ko si Franz



Shit!!! Don't tell me? Si Francis ay si Franz!? No! No!

Bakit meron siyang picture na ito? Ano to!?


Feeling ko hihimatayin ako!! Dahil ang kinaiinisan kong tao ay ang bestfriend ko pala noon?



"God... Why Him? Bakit siya pa po?" Bulong ko


Agad akong nagtatatakbo papunta sa CR


****
A/n:Sorry guys naging busy ako sa Boyfriend ko si Kamatayan

Una ko kase yun na tatapusin , sa mga gusto ring magbasa

Visit my Profile AdicQueen09 , nasa Works ko po yun.. Thanks

My Bully LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon