CHAPTER SIX
GWEN'S POV
DALAWANG araw na buhat ng kinasal kami ni Dark. Napagdesisyunan naming sa Maynila kami maninirahan. Nasanay na kasi ako sa buhay dito kahit pa mas sariwa ang hangin sa probinsya, namimiss ko ang pasyalan dito, tulad ng mga mall na wala naman sa probinsya.
Hindi naman tumutol ang aking 'asawa'. Kyaah! Kinikilig ako kapag pinapakilala ko siyang asawa.
Well, nandito kami ngayon sa isa pa nilang mansyon. Regalo kasi ng daddy niya sa amin mamili na lang daw kami sa mga mansyon nila. Kung ano raw mapili namin sa amin na daw.
Ang pinili ni Dark ay ang marmoled-classic style na mansyon nila na nakatayo sa Marikina. Gawa sa mamahaling marmol ang mga bahagi ng bahay. Mula sa pinto hanggang sahig, ewan ko lang yung bubong?
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng loob nito. "Wife, come with me." Okay! Kalma lang heart! Masanay ka na dalawang araw na niyang endearment yan sa'yo after ng kasal.
Inakbayan niya ako at iginaya sa labas kung saan nakita ko ang isang malawak na garden na puno ng mga magagandang bulaklak. Mas di hamak na maganda pa ito doon sa mansyon nila sa probinsya. May mangilan-ngilan ding paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak.
"Wow!" Agad namilog ang mga mata ko sa sobrang ganda ng nakikita ko. "That's why I chose this, because it's so special for me and I know you'll really like it. I know how you love flowers." Hindi ko mapigilan ang sobrang tuwa. He really knows, I do love flowers. This man! really knows how to amazed me so much.
"Thank you, Dark." Sabi ko saka ko siya niyakap paharap sa akin. Naramdaman kong natigilan siya saglit saka niyakap niya rin ako. "My pleasure. Gwen." The way he says my name is so very touchy and sweet and it could make my heart melt.
Buong araw nilibot namin ang magiging tahanan namin. Mula sa kwarto, kusina, sala at maging ang banyo. Walang lugar sa mansyon ang hindi ko nakita lahat iyon ay pina-welcome niya sa akin.
"Were you satisfied with our new home?" Home?? He is my home. Tanong niya habang nakaupo kami dito sa sala. "Yes more than satisfied." Sagot ko naman.
"If there's something you want to add in here just tell me, Wife" he said in calm voice.
Idadagdag? May kulang pa ba sa bahay na to? Lahat na yata ng gamit na posibleng nasa loob ng isang bahay meron na dito eh.
MATAPOS naming maayos ang mga gamit namin ay nagpahinga kami. Marahil sa sobrang pagod sa biyahe at pag-aayos ng bago naming bahay ay nakatulog ako sa sofa.
"Gwen, wake up let's eat together." Mahinang sabi niya at bahagya rin niya akong niyugyog. "Hmmn, anong oras na ba?" Tanong ko habang kinukuskos ko ang mata ko.
Hinawakan niya muna ang kamay ko at binangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa. "It's already 7pm, wife." Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na nga sa labas.
"Hala, paano yan wala tayong kaka-"
"I'd already ordered foods for our dinner." Putol niya sa sabihin ko. Hindi na ako sumagot saka niya ako inaya papunta sa dinning area.
Nalaglag ang panga ko pagkita ko sa mga nakahain sa buong lamesa. "A-anong meron?" Naguguluhang tanong ko. Nagitla ako ng bigla akong yakapin ni Dark from behind. "I just want us to celebrate our first dinner night in our new home," malambing na sabi niya dahilan para panlambutan ako ng tuhod. Kasabay ng puso kong nakikipagkarerahan sa bilis ng pagdagundong.
Good Heavens! Monteclaro Don't do this, I might fall for you really hard! My God! This is not good!
Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil ganito ang asawa ko o dapat ba akong matakot dahil nahuhulog na ako nang tuluyan sa kanya na alam ko namang mali sa umpisa palang.
![](https://img.wattpad.com/cover/91068467-288-k719302.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
Aktuelle Literatur"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO