A/N:
Salamat sa mga nagbabasa ng Story ko.. Love yah!"Chapter Eight
GWEN'S POV
ARGH!! Ang sakit ng katawan ko! Nagising ako na para akong galing sa isang boxing fight. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pagmulat ko wala na akong katabi. Nasa'n kaya ang magaling kong asawa?
Babangon na sana ako nang makaramdam ako ng kirot sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Ahh.. Ang sakit! Napabalik ako sa kama.
Grabe! ganito pala kapag nawasak na ang BATAAN.?! huhuhu.
Hindi ko naisip na ganito ko kaaga maibibigay ang sarili ko. But on the second thought, I am happy because I gave it to the man I love..
Napangiti ako ng maliit nang mapatingin ako sa kobre-kama ng aming higaan. And there I saw, a red stain on it, the proof of my lost precious innocence.
Kahit masakit pa rin ang buong katawan ko at ang maselang parte ko. Bumangon ako at nagpunta sa banyo para ayusin ang sarili ko.
Nang makalabas ako, napatingin ako sa wall clock ng kwarto namin. Oh Sht!! 10am na pala?! So nakapasok na sa trabaho ang asawa ko. Kaya pala wala na siya sa tabi ko.
Bakit hindi niya ako ginising? Nakakatampo naman hindi ko tuloy siya na asikaso. Hindi ko siya napaghandaan ng almusal bago pumasok sa trabaho. Hmp! Kainis!
Lumabas na ako saka tumungo sa dinning area para kumain. Napasin ko agad ang isang sticky note na nakadikit sa ref. namin.
[Wife, sorry, I didn't wake you up, 'cause I knew you're tired and still in pain so I prepared breakfast for you.
Make sure to eat your meal furthermore, considered that as a YES to your request. Wait for me, we'll talk about it later.
Take care and just rest for me.]
Kikiligin na ba ako?!
Oh!! Gosh!! Kinikilig talaga ako.. Napakasweet po ng asawa ko! Tapos pinaghanda pa ako ng breakfast and finally I got his permission to my request. Yes! Makakapag-aral na ako ulit..
Hindi ko na talaga alam kung anong klaseng anghel ang sumapi sa asawa ko at bumait nang ganito. O baka naman sobrang thankful lang siya dahil sa kanya ko binigay ang VCARD? Bahala na kung anumang dahilan niya. Basta ako kinilig!! At the same time masaya!
'Thank you, Dark'.. Sabi ko kahit hindi niya narinig hehehe.
Wala akong tinira sa nakahain lahat kinain ko. Syempre pinaghirapan 'to ng mahal kong asawa dapat i-appreciate ko at saka masarap naman lahat kaya naubos ko. Pero sa totoo lang hindi ko alam na marunong-- ay este sobrang galing palang magluto ng isang DARK MONTECLARO.
You know, anak mayaman siya. May katulong sa bahay nila na nagluluto para sa kanya, saan kaya natuto magluto ang gwapong nilalang na iyon?! Napakabihira lang talaga ang tulad niya. Dahil karamihan sa mga lalaki walang ibang alam kundi tumikhim lang ng iba't-ibang putahe at hindi naman marunong magluto...
AS USUAL, wala na naman akong magawa pero ayos lang konting tiis nalang makakapag-aral na ako hindi na ako mabuburyo dito sa bahay. At malilibang na ako sa pag-aaral. Napapangiti tuloy ako dahil nae-excite na ako.
Nanonood lang ako ng t.v tapos 'pag nasasawa na ako magbabasa naman ako ng wattpad sa tablet. 'Pag nasawa ulit ako mahihiga na naman ako habang nagsa-soundtrip para makatulog.
Oh di ba buhay reyna ako?! Ganun talaga yayamanin asawa ko kaya hindi ko kailangan maging kuba sa pagtatrabaho kaso HAMBORING!!! din ng ganito. Mas okay pa din ang may pinagkaka-abalahan, iyon bang lumilipas ang oras na may nagiging produkto ang bawat oras mo. Namiss ko tuloy ang trabaho ko sa mall, yung nagtutupi ka ng damit na paulit-ulit namang ginugulo ng mga customer na tumitingin tapos hindi naman bibili.
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
Aktuelle Literatur"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO