Chapter Twenty Five
THE RECEPTION
MATAPOS kaming magpa-picture sa loob ng simbahan kasama ang mga bisita. Nagkanya-kanya na silang umalis at sumakay sa mga sasakyan nila papunta sa bahay namin kung saan gaganapin ang reception.
Habang kami ni Dark ay sumakay naman sa Bridal car. "Wife, thank you for saying I do." Napakunot naman ang noo ko sa kanya saka tinitigan siya.
"Sabog ka ba, Dark?" Bigla namang sumama ang tingin niya sa akin. "Natural. I do ang isasagot ko. Dahil kung ayaw ko edi sana sa proposal mo pa lang. Nireject na kita." Sagot ko pa.
"I'm just being sweet, wife. But you really know how to spoil my sweetness." May pagtatampo niyang saad.
Napakatampuhin naman nito. "Sorry na.. ikaw naman kasi eh sobra mo ng sweet... nilalanggam na ako e." Saka ko siya niyakap at hinalikan naman niya ako sa noo.
Magkayakap lang kami hanggang sa huminto na ang sasakyan namin.PAGKABABA namin ng sasakyan malakas na bati na naman ng mga bisita ang nadinig namin. May mga nagsaboy pa ng lagas na petals at bigas.
Naglakad lang kami ni Dark hanggang sa makarating kami sa garden ng bahay namin kung saan nagkalat ang mga mesa na dinesenyuhan ng tela at mga bulaklak.
May mga iilang bisita na ring nakaupo sa mga kanya-kanya nilang reserve seat.
"Everyone, let's welcome our newly weds, Mr. And Mrs. Monteclaro." Anunsiyo ng Emcee sa buong programa ng selebrasyon.
Nagsitayuan naman ang lahat at nagsipalakpakan. May ilan pang humihiyaw na simulan na daw ang mga tradisyonal na palaro sa kasal.
Ewan ko bakit masyadong excited itong mga kaklase kong binata at dalaga. Palibhasa masyado silang napapaniwala sa mga kasabihan sa mga palaro.
"Gwen ihagis mo na ang bouquet mo. Baka ako ang makasalo.. at bukas magpropose na jowa ko!" Sigaw ni Frizila, isa sa mga kaklase ko.
"Oo nga tapos, ihahagis na din ni sir Dwayne ang garter baka sakaling masalo ko. Edi wow!!" Sigaw naman ni Edgar, jowa ni Frizila.
Bakit kaya hindi nalang sila magpakasal kinabukasan.? Aantayin pa nilang masalo ang bouquet at garter. Ano naman kung di nila masalo.. di na ba sila pwedeng maikasal.?
Mga tao nga naman. Masyadong Funny-.. Funnywalain sa mga kasabihan..
Sa totoo lang ayaw ko na nga gawin yun eh.. kaso pinilit ako ni Ellize at Chelsea. Dahil naniniwala sila na kung sila ang makakasalo baka ikasal na sila next year..
Next year talaga?? Ilang buwan nalang kaya new year na. Eh mga wala naman silang boyfriend paano sila ikakasal next year?
"Sige gawin na nga yan ng matapos na at makakain na tayo." Sigaw ko naman sa lahat.
"Well, as the bride said so, all the bachelorettes out there come over.. and take your chances and get the bouquet.!!" Anunsiyong muli ng Emcee.
Inalalayan naman ako ni Dark sa unahan at halos lahat ng kadalagahan ay pumunta sa harapan. Tinignan ko kung nasaan sina Ellize at Chelsea.
Shocks??!! Paano ko ihahagis sa kanila magkaiba sila ng pwesto... bahala na nga baka naman kasi di nila deserved na masalo..
"Wife, tumalikod ka.." saad ni Dark ihahagis ko na sana kasi kaso pinihit niya ako. Grabe daming arte!
Niyakap ako ni Dark at saka itinaas niya ang dalawa kong braso sa leeg niya. Ano ba naman ito? Maghahagis lang may payakap-yakap pa. Iniabot naman ni Inay sa akin ang bouquet.
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
Ficción General"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO